"Oh baby, I'm not forcing you. I promise that I'll wait for you to come back to me." aniya at hinalikan ako sa noo. "I promise, Irina." aniya pa ulit at niyakap na ko ulit.

Humikbi na lang ako sa balikat ni Kurt at nagpatuloy siya sa paghalik sa noo at sa buhok ko. Matapos ang ilang sandali ay tumigil na ko sa pag-iyak. Naka-upo na ko sa van habang siya ay nasa harap ko naka-upo. Hawak ni Kurt ang cellphone niya and I have this urge to touch and play with his hair kaya ginawa ko.

I brushed his hair with the use of my fingers saka ko ito nilaro gamit ang dalawa kong daliri. Natigil sa paglalaro sa cellphone si Kurt at hinawakan ang kamay kong nilalaro ang buhok niya. Humarap sakin si Kurt and I gave a faint smile. Ngumiti rin naman siya pabalik sakin.

Naagaw ng atensyon ko ang pagdating ni Ina kasama sila eomma na pabalik na rito sa van. Ngumiti sila sa amin ni Kurt kaya't tumayo si Kurt at tinayo na rin ako mula sa pagkaka-upo.

"We have.." putol ni appa sa sinasabi at tumingin sa relo niya. "30 minutes to board. Ayos na ba kayo?" tanong ni appa saka tumingin sa amin ni Kurt.

"Paanong ayos po, tito?" tanong ni Kurt.

Napakamot ako sa ulo ko at napa-iwas ng tingin nang napangiti si appa sa tanong ni Kurt. Tumingin ako kay Kurt na napasuklay sa buhok niya at hawak pa rin ang kamay ko. Biglang tumawa si appa sa naging reaksyon namin saka niya tinapik sa balikat si Kurt.

"I was asking if you're both ready to board." ani appa and I even heard him chuckle.

Narinig ko ang mahinang pag-oh ni Kurt at nginitian si appa. "Of course tito." sagot ni Kurt.

Tumango si appa at tinuro ang likod ng van. "Help us get all our baggages, Kurt." ani appa na tinanguan ni Kurt.

Bumitaw si Kurt sa hawak sa akin at sabay sila ni appa na dumiretso sa likod ng van. Sinuot ko ulit ang wayfarers ko at nilapitan ako ni Ina. She hugged me and kissed my cheek. Normal na para sa amin ni Ina ang ganito so it's not disgusting.

"Noona," tawag sakin ni Zion habang kinakalabit ako.

Nilingon ko siya at iniabot niya sakin ang cellphone ko. Tinignan ko itong naka-on call at tinitigan muna ito bago ko kinuha sa kamay ni Zion. Tinapat ko ito sa tenga ko saka nagsalita.

"Hello?" ani ko.

"Irina..." 

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at automatic na napatingin ako kay Kurt na nagbababa ng maleta mula sa likod ng van. Naiwang naka-awang ang bibig ko hanggang sa tawagin niya ulit ang pangalan ko.

"Irina, talk to me." ani Chase sa kabilang linya.

"Ba't ka tumawag?" I asked at bumuntong hininga.

"Why are you leaving?" sagot niya.

Nothing But StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora