"Ano naman ang pakialam mo kung sakaling tibo ako?" Tinalikuran niya ang lalaki ngunit hinagip nito ang kamay niya at hinigit siyang palapit.
Hinigit niya ang kamay ngunit lalo lang humugpit ang pagkakahawak doon ng lalaki. Nagtagis ang mga ngipin ni Cheryl.

"Wag kang mag-alala, ngayong kilala mo na ako, magiging babae ka na," muling gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito bago naglakbang ang paningin pababa sa katawan niya. Kumuyom ang mga kamay ni Cheryl at umigkas iyon patungo sa panga ng lalaki pero nakaiwas ito. Pero dahil sa ginawa niya ay lumuwag ang hawak sa kanya ng lalaki kaya nakawala siya.

"Tsk! Tsk! Yan ang gusto ko sa babae, palaban!" anito bago lumapit muli sa kanya. Kung kanina ay sa kamay lang siya hinawakan nito, ngayon ay sa bewang na siya hinapit. "Ang pula-pula ng labi mo. Siguradong masarap halikan."

Nang makita niyang pababa ang mukha nito sa kaniya ay gayon na lang ang hindik na naramdaman ni Cheryl.

"Bitawan mo ako! Ano ba?!" aniya kasabay ng sunod-sunod na pagsuntok sa dibdib nito. Kaagad siyang dumistansya nang mabitawan siya ng lalaki.

"May problema ba, Miss?"

Ang singkit na mga mata ng lalaking lumapit ang unang napansin ni Cheryl. Ngumiti ito sa kanya bago ibinaling ang tingin sa lalaking naunang lumapit sa kanya, pero si Cheryl ay nanatili rito ang tingin. Sa itsura nito ay mukhang galing sa basketball court na malapit lang din sa park. Nakabasketball uniform ito, may bolang nakaipit sa pagitan ng katawan at kanang braso nito. Pawisan na at ang may kahabaang buhok ay nakadikit na sa noo ng lalaki.

"Walang problema si Miss Beautiful. Pero kung makikialam ka, baka ikaw ang magkaroon."

Umangat ang sulok ng labi nito, "Hindi ikaw ang kausap ko, Macky," anito bago tiningin sa kanya, "May problema ba, Miss?" ulit nito sa tanong kanina, pero ngayon ay mas madiin na ang pagkakatanong.

"Wala," aniya bago dagling tumalikod. Pero hindi pa man lang siya nakakadalawang hakbang ay muling may humawak sa braso niya.

"Ooopppsss! Sandali lang, Miss Beautiful."

Naningkit ang mga mata ni Cheryl bago muling umigkas ang mga kamay niya dahilan para mabitawan siya ni Macky.

"Nice. Palaban ka talaga. Tingnan ko kung hanggang saan ang bangis mo," nakangising sagot ni Macky.

"Pick your own size 'tol, at wag yung babae ang kinukursunada mo," mas may naging diin ang salita ng lalaking lumapit sa kanila.

"Ano pang pakialam mo, Marson?" anito na tuluyan ng nabaling ang atensyon sa lalaking tinawag nitong Marson.

"Nangungursunada ka na naman. Iyon ang problema ko,"ani Marson na hindi naman kinabakasan ng takot.

"Baka gusto mo bang ikaw ang kursunadahin ko?" ani Macky na nakalapit kaagad kay Marson at naitulak ito sa dibdib. Mabilis naman na nakakaatras ang lalaki kaya hindi ito tuluyang natumba. "Ano? E duwag ka pala eh!"

"Hindi ako maalam mag-umpisa ng gulo, pero hindi ako umaatras kapag inunahan ako," ani Marson bago lumingon sa kanya at ngumiti. "Pahawak muna, Miss," anito bago iniabot ang bola sa kanya.

Sinamantala ni Macky ang pagkakataon at sinugod kaagad si Marson. Kasabay ng tili ni Cheryl ay ang pagbaksan ni Marson sa harapan niya. Wari'y hindi naman ininda ni Marson iyon dahil nakatayo naagad ang lalaki. Pero nahigit ni Cheryl ang hininga nang makita ang umaagos na dugo sa gilid ng mukha nito. Muling sumugod ni Macky pero dahil handa na si Marson ay hindi na nito tinamaan ang lalaki.

Di hamak na mas mabilis, mas mataas at halata rin na mas malakas si Marson kumpara kay Macky. Natumba si Macky nang masuntok ito ni Marson sa may panga pero nasipa ni Macky si Marson kaya ito man ay natumba rin.

"Tama na!" aniya pero hindi naman niya magawang gumitna. Luminga siya sa paligid at nang makitang may mga tao sa basketball court hindi kalayuan kung nasaan sila ay sumigaw siya, "Tulong! Tulungan n'yo ako!"

Nagpakawala siya ng hininga nang magtakbuhan palapit sa kanila ang mga lalaking nasa basketball court. Pero hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya lalo nang mapansing katulad ng uniporme ni Marson ang suot ng mga tumatakbong palapit. Muli niyang nilingon ang dalawang lalaking nagpapambuno at nanlaki ang mga mata niya nang makitang maging si Macky ay may dugo na ring naagos sa gilid ng labi.

"Wag kayong makialam dito, Euan." ani Marso sa mga bagong lapit.

"Awatin niyo! Ano ba?!" ani Cheryl nang magsitigil lang ang mga lalaki palibot sa dalawang nagpapambuno.

"Wag daw makialam," anang isa sa mga lalaki na nagkibit-balikat pa.

"Pero Euan," anang isa sa mga bagong lapit.

"Kaya ni Marson 'yan." Balewalang sagot nito pero sinulyapan ang mga kasamahan kaya wala na ring nangahas na umawat sa dalawa.

"Parehas na silang duguan, wala pa rin ba kayong planong awatin sila?!"

Nang walang tuminag sa mga ito ay saka naglakas-loob si Cheryl na lumapit para gumitna. Waring nahulaan naman ni Euan ang gagawin niya dahil hinawakaan siya nito sa braso bago nito tinaguan ang mga kasama, na saka lang kumilos para paghiwalayin ang dalawa.

************************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

Posted at completed na po ang Book 1 - My Sweet Surrender

You can also follow me on my Facebook Page:

DEANDRA PAIGE

My Savory Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now