Memory.

679 11 2
                                        

"Isang umagang wala na naman sila nanay at tatay" pagkagising ni Blaire ng mapansing pumasok na sa trabaho ang kanyang mga magulang na may lungkot sa kanyang mga mata

"Blaire!" tawag sakanya ni Emily ang kanyang nakakatandang kapatid

"Tara sumama ka sakin, punta tayo ng kasal ng kapatid ni kuya mo" pagaaya ni Emily

"Ehh ate makakauwi ba tayo agad agad?" pagaalala ni Blaire

"Pag katapos naman ng kasal ay makakauwi tayo agad,,,saka may sasakyan naman doon,,,dalhin mo na ang mga importanteng kakailanganin mo dala ka narin ng extrang damit dahil may batis dun baka pagswimmingin kayo dun" pagpapaalala ni Emily

"Ate pahiram muna ako ng damit mo yun na lang extra ko"

"Sige"

Nakahanda na nga si Blaire at nagsimula na silang umalis

Nang makarating sila sa sasakyang kanilang gagamitin papunta doon inihabilin ni Emily si Blaire kay Ivy ang kanyang matalik na kaibigan...

"Bess ikaw muna ng bahala sa kapatid ko doon nalang tayo magkita"

"O sige bess"

"A-atee" pagtawag ni Blaire

"W-wala akong pamasahe papunta roon" pagaalala nya

"Ako na ang bahala sayo ililibre kita" sabi ni Ivy

Nagsimula na nga ang byahe nila at tinupad nga ni Ivy ang kanyang sinabi

Dahil sa nasa biyahe sila napansin ni Blaire na nagugulo ang kanyang buhok kaya sa buong biyahe suklay lang sya ng suklay

"Bakit kanina ka pa nagsusuklay Blaire?" tanong ng isang batang lalaki

"Ah ehh,,,nagugulo kasi buhok ko" pagpapaliwanag ni Blaire

Makalipas ang ilang oras nakarating na nga sila sa kanilang paroroonan

Dahil gabihan na at kinabukasan pa ang kasal napagisipan nila na kumain muna

Dahil sa pagkahiya ni Blaire na kumain napagisipan nalang nitong matulog at inilagay ang bag nya na kung saan malayo sa ibang gamit ng ibang bisita...

Kinabukasan....

Nagising si Blaire ng wala ng tao at may nakaiwan sa kanyang sulat...

"Ok lang na maiwan ako, sanay naman na akong magisa" sa konting pagdadrama ni Blaire at pagiikot ng mata nabaling ang kanyang paningin sa isang sulat

"Blaire anak pinadalhan kita ng pera umuwi ka na" ito ang nakasaad sa papel na liham na mula sa kanyang ina

Dahil dito dali dali na ngang pumunta si Blaire kung saan ipinadala ang pera...

Malaki laki rin ang halaga ng pera kaya sa kanyang pagbalik na isipan nya munang bumili ng makakain dahil sa gutom nito mula kahapon

Sa kanyang pagbalik ay naka uwi narin abg lahat ng dumalo sa kasal,,,

"Blaire.." tawag ni Emily

"Gusto mo bang sumama bibisitahin nila ang batis at maliligo raw ang mga bata roon ihanda mo yung extra mong damit" pagaaya ni Emily

"Naghahanda na po ate"

Masayang nakisama sa paglangoy at pagligo si Blaire,,,

Ngunit sakanilang paguwi tila ba nagkakagulo ang lahat

"Ang wallet daw ni Ivy nawawala" pagpapaalam sakanya ng isa sa mga bisita

Dahil sa kakarating pa lamang ni Blaire tila kampante sya dahil alam nyang hindi sya ang nagnakaw...

Sa pagaasikaso ni Blaire inilabas nya ang kanyang suklay at nagsimulang suklayin ang kanyang buhok

"Teka ang suklay ko yan ahh" sabi ni Ivy sabay pagturo sa suklay ni Blaire

"Eto...ehh akin po ito kanina ko pa po ito gamit gamit diba?" pagpapaliwanag ni Blaire at pagtatanong nya sa mga batang kanilang kasama bilang patunay

"Oo nga po sakanya po iyan kanina papo sya sa jeep nagsusuklay" sabi ng isang batang lalaki

Makalipas ang ilang oras may isang babaeng dumating...

"Ivy ito ba ang iyong wallet tila wala ng laman nakita ko lang ito sa may batis"

"E-eto nga" pagpapanigurado ni Ivy sabay tingin kay Blaire

"Hindi ba kakagaling mo lang roon?" pagsusupetsa ni Ivy

"O-opo"

"Patingin nga ako ng bag mo" labis na paghihinala ni Ivy

Dahil sa kampante si Blaire dali dali nyang binigay ang kanyang bag kay Ivy

"O at pano ka nagkaroon ng pera ehh diba nilibre lang naman kita papunta rito?" may inis na paghihinala ni Ivy

"Pinadala po iyan ni nanay saakin, eto po ang resibo at sulat" pagtatanggol ni Blaire at pagbibigay ng resibo bilang patunay

Dahil sa mga pangyayari at dahil sa pagsusupetsa ni Ivy kay Blaire ikinalat nya ito sa iba nyang mga kaibigan sa paraang si Blaire ang kanyang sinisisi

"May kutob talaga akong si Blaire ang kumuha parehas kami ng suklay kung yung suklay ko nga nakuha nya pera ko pa kaya"

"Ehh diba may ng patunay na suklay yun ni Blaire,,,"

"Sya lang naman ang naiwan rito kaya posible na sya ng kumuha"

Narinig lahat iyon ni Blaire at doon napagtanto ni Blaire na sya nga ang sinisisi

"Blaire ikaw ba ang kumuha?" pagtatanong ni Emily

"Ate alam mong hindi ko magagawa iyon,,,oo laki tayo sa hirap ate kilala ako lahat ng matatanda nakakapasok ako sa mga bahay nila at alam nilang hindi sila nawawalan ng gamit tuwing akoy bibisita,,,nakakapagtiis nga akong walang makain sa tuwing papasok ako yun ate natitiis ko sa araw araw tapos sa kasalanang hindi ko naman ginawa ako sinisisi ate sobrang mali yun MALI! " pagpapaliwanag ni Blaire sabay pagpatak ng kaniyang luha

"O sige tahan na pinaniniwalaan ka ni ate bukas susubukan nating kausapin si Ivy para magkalinawagan"

Kinabukasan...

Dahil sa mga pangyayari nauna ng umuwi sila Ivy...

Nagbabasakaling maabutan pa nila si Ivy kaya sumunod na umuwi rin sila Blaire at Emily...

Nabigo ang magkapatid at ni hindi na nagkaroon pa ng kahit na anong balita patungkol kay Ivy...

End of Blaire's Flashback...

And It All Started In With A... <ON GOING>Where stories live. Discover now