"Kaya pala ganoon ka na lang makatingin sa akin noon. May ideya ka na pala." sabi ko matapos maalala ang una naming pagkakakilala.

"Alam mo naman sa social media, wala kang maitatago. Ang mga pinoy pa naman, alerto sa mga ganyan. Pero ang galing kasi ilang araw lang ang itinagal ng video na 'yon, nawala agad. Nga lang, may mga taong nakapagrecord," aniya. "Kapag may sumusubok ulit na ilabas 'yon, binubura rin kaagad. Siguro ay natatakot dahil malalaking pangalan ang sangkot."

"My father did everything to shut the video down. Maging ang pamilya ng lalaking..." huminga ako ng malalim. "...nakasama ko sa video roon ay ginawa rin ang lahat para matigil na ang pagkalat no’n."

"You mean, 'yung ex boyfriend mo?"

"Hindi kami nagkaroon ng relasyon kailanman, Vanya."

"Pero minahal ninyo ang isa't-isa. Ganoon na rin 'yon!"

A sad smile blossomed in my lips as I anchored my eyes on the beautiful Swiss Alps. The first time I saw this paradise, those rocks at dawn, those slopes that give home to so much life, a foundation for trees and shrubs, grass and ferns, from carved rocky outcrops, waterfalls drifted like skeins of white lawn, and in the fields where we could see the amber glint of rivers and the occasional mirror-like flash of a mountain lake... I knew life has something to make it up for me.

"Minahal nga ba?" wala sa sariling sagot ko. "He wouldn't released that video if he's really in love with me, Vanya. Sinong lalaki ang hahayaan na mapahiya ang babaeng mahal niya?"

"Oh! I can hear the bitterness through that words!" she giggled. "Malay mo naman may reason si Papi kung bakit niya nagawa iyon. E, ikaw? Mahal mo pa ba?"

I was caught off guard by that question. The truth is, I'm still in love with the man who ruined me. Hindi ko alam kung sa paanong dahilan pero ramdam kong mayroon pa rin. Galit pa rin ako sa kanya pero nananaig pa rin 'yong emosyon ng pangungulila. It's really frustrating on my part. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na dapat ko na siya kalimutan pero hindi ko naman magawa. Palagi ko inuutusan ang sarili ko na kulang pa 'yong galit na nararamdaman ko sa kanya pero saan pa rin ako dinadala ng kagustuhan kong iyon?

That video... it happened because I wanted it... we both wanted it. Hindi ko siya dapat sisihin roo . Kung tutuusin ay ako ang may mas higit na kasalanan. I trusted him too much. I was so confident that it would never come out. Na hindi niya iyon ilalabas kahit anong mangyari. But I guess it's really wrong to trust someone you don't even know if he's real or not.

"Hindi na. Lumipas na." pagsisinungaling ko kay Vanya makalipas ang ilang sandaling pagiisip.

"Pero ang gwapo nung ka-fling mo na 'yon, ha? Natuloy kaya ang kasal nila nung jowa niya, Tate? May balita ka pa ba?"

"Hindi ko alam. Wala na akong balita dahil wala na rin naman akong social medias. My family have already cut our connections with them. Even pulled out some business deals. Iniiwasan na rin nila ang mapagusapan pa ang tungkol sa pamilyang iyon."

"I see. Babalik ka pa ba sa Pinas? Mukhang tahimik na ang pangalan mo roon."

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Maging ako ay hindi sigurado sa isasagot ko sa kanya. For the past six months, I've learned to live my life in peace here in Switzerland. Masaya ako manatili sa bahay nila Lola Valerie sa Zurich. Ibang-iba sa buhay sa Pilipinas. Though, I can still have night outs here, iba pa rin kapag sila Amaris at Maica ang kasama. But everything needs to be adjusted, and my social life is not an exemption.

"Puwede ka naman na dito na lang sa Lauterbrunnen. Sa akin ka na muna tumira tutal wala rin naman akong kasama dito. O kaya, pumatol ka sa isang Swiss Citizen para maging legal resident ka na dito at makabili ng bahay malapit sa akin. Para magkasama na tayo!" Humagalpak ng tawa si Vanya.

Monasterio Series #3: One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon