CHAPTER 7 ~ Tom Cruise ~

Start from the beginning
                                    

Binuksan ko yung radio ng nasa labas na ako ng The Camp. Napangiti ako ng may tumugtog na Frech song. Shadows Of Ourselves. Kahit hindi naman sexy ang meaning non..basta french yung kanta na se-sexyhan ako.

Kumekembot-kembot na nag drive ako habang sinasabay ko yung ulo ko at katawan sa beat ng music. Wala na akong pakialam kahit na kita ako sa labas. May automatic tinter kasi tong kotse ko. Porsche 911 turbo, red as my bloody red painted fingernails, na inupgrade nila andreige noon. Lahat naman halos ng mga sasakyan ng mga agents may ginawa sila andreige.

At dahil tinatamad akong pindutin ang malapit na button para mag darken ang tint..hinayaan ko na lang siya.

Napangiti ako ng makita kong pinapanood ako nung mga tao sa jeep sa harap ko. Lalo na ng mga lalake. Typical Male Interest. Na kahit naghuhumerantado na ang mga girlfriends nila sige parin sila ng titig.

tsk tsk.

Tapos ikakatwiran nila 'lalake lang ako.'

as if its an acceptable reason.

-__-

Pinabayaan ko na alng sila. Gusto kong sumayaw dahil mamaya kailangan ko ng maging seryoso...ng slight. Syempre hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na to para inisin ang aking pinakatatangi-tangi na Boss, Sir, Among Tunay na kalahi ni E.T. phone homeee! E.T. phone homeee!

Anyway..natanggap kami kay Parker. Not that it surprise me. Since pareho naman kaming nakatapos ni Craige. At syempre ginawan na naman nila Craige ng kung ano-anong bias thingy para matanggap kami.

Ang papel namin ay assistant slash bodyguard na walang gagawin kundi sundan ang amo namin. Sa ganon maprotektahan namin siya lalo na nalaman naming may anak pala siya sa ibang babae na lalake. Sooner or later madidiscover din yon ng kung sino mang killer na yon.

Yung mga kaibigan niya wala ng balak mag-anak muna. Sila Young may dalawang anak na babae, Sila Hayes isa, Sila Harris dalawa din, at si Torres wala pa. Mukang kinakabahan din diya na mag-asawa at magkaron ulit ng anak..lalo na kung mamatay lang din ang anak na yon.

...

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now