"Blas, bakit namumula ka?" ang tanong niya sabay amoy sa aking bibig. "Lasing ka?" tanong niya.

"Hindi ah, nag mumog lang ako matapos kong maalala yung ginawang pambababoy sa akin ni Yuji noong nakaraang gabi." ang sagot ko.

Natawa siya. "Sa tingin ko ay hindi magiging maganda kung makikita ka ng mga guro mo na lasing at mamumula." ang wika nito sabay kuha ng panyo at saka pinunasan ang aking bibig.

"Salamat." ang sagot ko.

"Ang mabuti pa ay mag himalos ka doon sa loob ng banyo, ayusin mo ang sarili mo dahil baka mag karoon ka ng violation sa guro." dagdag pa niya sabay alalay sa akin at sinamahan ako sa loob ng banyo.

*****

(Habang nasa ganoong posisyon sina Blas at Kiro ay hindi nila namamalayan naka dungaw at naka masid sina Evan at Lippi. Hawak nila ang video camera at mabilis na ang tatakbo sa kinaroroonan nila Yuji.

"Dapat mo tong makita Yuji. Tingnan mo kung gaano kalandi si Blas, matapos mo siyang halikan ay inahas naman niya si Kiro at ngayon ay pumasok silang dalawa sa banyo. Hindi ko alam kung anong gagawin nila." ang wika ni Evan.

"Dahil hindi na virgin ang lips ni Blas ay baka nag desisyon na siyang ibigay kay Kiro ang lahat. Napaka landi talaga niyang Blas na iyan! At hindi lang iyon dahil marami pa kaming video footage na laging nauusap at nag kikita sina Kiro at Blas sa roof top." ang pang gagatong pa ni Lippi sabay pakita sa lahat ng mga clips na inipon nila.

Gumuhit ang hindi maipaliwanag na galit sa dibdib ni Yuji, ibayong kirot ang kanyang naramdaman kaya nangigil ito at binasag ang video camera ni Evan. "Ay! Bakit pati camera ko? Latest model ito! Nakaka inis ka naman eh." reklamo nito

"Wala kang paki! Lumayo kayo sa akin!" ang nanlilisik na matang sagot ni Yuji sabay lakad palayo.

Hinabol siya at hinawakan ni Erjun sa balikat. "Pare, huwag kang makinig, hindi gawain ni Blas at Kiro iyan." ang wika nito

Tumingin sa kanya ng masama si Yuji. "Ialis mo ang kamay mo sa balikat ko." ang wika nito.

"Pero pare, walang ginagawang masama si Kiro. Marahil ay galit ka lang talaga sa kanya."

"Ialis mo ang KAMAY MO!" ang mataas na sigaw nito kaya inalis ni Erjun ang kanyang kamay saka lumakad palayo si Yuji.

"Operation awat. Nag liliyab sa galit si Yuji. Ngayon ko lang nakitang ganyan ang itsura niya. Makakapatay iyan." ang wika ni Gavin at dito ay hinabol nila ang kaibigang nag aamok.)

*****

Isinahod ko ang aking kamay sa gripo at nag hilamos. "Hindi ka dapat umiinom. At huwag kang didikit kina Gavin at Erjun dahil ang dalawang iyon ay hindi madaling malasing." ang wika ni Kiro habang naka ngiti.

"Yung dalawang kaibigan mong iyon ay may topak rin." ang sagot ko naman habang nag mumumog at inaalis ang lasa ng alak sa aking bibig.

"Pero mababait sila at supportive."

"Maliban kay Yuji na isang sira ulo at may tama sa utak." ang sagot ko dahilan para matawa siya.

Nasa ganoong posisyon kami noong biglang bumukas ng malakas ang pinto ng cr na aming kinagulat ni Kiro. Dito ay bumulaga sa amin si Yuji na kakaiba ang anyo, parang nanlilisik ang mata at handang makipag patayan. "Yuji, bakit nandito ka?" tanong ko habang nag pupunas ng mukha gamit ang tissue. Nataon pang sa bibig ang aking basa kaya lalo siyang napa kunot noo.

"At talaga dito pa kayo sa cr ng campus gumawa ng milagro. Sige Blas, punasan mong mabuti ang bibig mo at mukhang nadumihan ito ni Kiro." ang wika nito

"Ano bang sinasabi mo?" ang tanong ko.

"Talaga palang hindi na kayo makatiis kaya kahit dito sa hallway ng public toilet ay gumagawa kayo ng kababuyan niyo." ang wika ni Yuji sabay lapit kay Kiro at walang ano ano ay sinuntok niya ito na ikinabigla ng isa. "Tahimik lang pala pero nasa loob rin ang kulo mo! Para kang higad na may malaking kati sa katawan!" ang sigaw nito.

Gumanti ng suntok si Kiro at tinamaan siya sa mukha dahilan para mapa atras si Yuji. "Madumi masyado ang isip mo Yuji. Padaskol daskol ka pa rin ng kilos hanggang ngayon." ang sagot ni Kiro.

Susugod pa si Yuji at lumipad ang kamao nito pero hinarang ko ang aking katawan dahilan para tumama ito sa aking mukha.

Dugo ang aking bibig..

"Hinarang mo ang sarili mo para ipag tanggol siya?! May gusto ka rin ba sa kanya?!" ang tanong nito na nanginginig sa galit sabay hablot sa katawan ni Kiro dahilan para mapunit ang kanyang uniporme. Niyakap ko si Yuji at inilayo kay Kiro. "Tamaa naaaa!"

Pero ang galit ni Yuji ay hindi humuhupa. Hinawakan niya ang aking ulo at tinabig ako "umalis ka diyan!" ang sigaw niya at napalakas ang kanyang pag tulak sa akin dahilan para tumama ang aking ulo sa sink at mag dugo ito.

Kasabay nito ang pag dating nila Gavin, inawat nilang dalawa ang nag aamok na si Yuji at dito ay dumagsa na rin ang mga mag aaral na nakiki usisa sa awayan ng sikat na grupong F4. "Kiro, makinig ka sa akin! Tapos na tayong dalawa! Tapos na tapos na tayo!" ang sigaw nito habang inilalayo nila Gavin.

Agad naman akong tinulungan ni Kiro at dinala sa clinic upang gamutin ang pumutok parte sa aking ulo. Hindi naman ito malaki ngunit sinuri pa rin ng doktor upang makatiyak na walang damage.

"Sorry kung nadamay ka pa." ang wika ko kay Kiro

"Wala iyon, si Yuji ang klase ng tao na hindi nakokontrol ang kanyang emosyon kapag siya nagagalit. Kahit noong mga bata pa kami ay siya na pinaka agresibo, pinaka matapang at parating napapaaway. Batid kong naguguluhan si Yuji dahil na nagaganap sa kanyang isipan at pag katao." ang wika ni Kiro.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Dahil hindi niya inaasahan na mahuhulog siya ng husto sa isang tao. At kahit anong gawin niya ay palala ng palala ang kanyang nararamdaman." sagot niya.

"Para siyang isang possessive na tao." sagot ko.

"Tama ka doon." sagot ni Kiro sabay lagay ng ointment sa kanyang pasa.

Noong mga sandaling iyon ay mas lalo pang lumala ang hidwaan sa pagitan nina Kiro at Yuji. Kahit sina Gavin at Erjun ay wala na ring magawa sa sitwasyon.

At bago pa matapos ang araw na iyon ay umugong ang balita na si Kiro ay inalis na bilang miyembro ng F4.

Ito ang balitang kumalat sa social media na naging topic ng lahat ng estudyante. Siyempre na kaladkad rin ang aking pangalan dahil ako raw ang dahilan kaya nabuwag ang F4. Maraming naki simpatya sa problemang kinakaharap ng grupo, bumuhos rin ang suporta kay Kiro ngunit ang mga taga hanga ni Yuji ay nag aalburuto at nakikipag war sa social media laban sa mga taga hanga ni Kiro. Kung papasok ka sa page ng Empire University ay mas nanaisin mo nalang na mag log out dahil sa nakaka stress na salitang kanilang binibitawan laban sa dalawang kampong mag kaaway.

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now