Pag pasok sa classroom ay pansamantala kong inalis sina Yuji at Kiro sa aking isipan dahil nag focus ako sa pag kuha ng mga exam na hindi ko na kuha last week dahil sa pag kakasakit. Halos mag hapon akong nag tatake ng compeletion para sa mga importanteng activity na hindi ko naipasa noong nakaraan linggo. Kahit ang pag bbreak para sa miryenda o lunch ay hindi ko na nagawa dahil sa sobrang busy.

Alas 6 na ng hapon noong ako ay makatapos. Pagod na pagod ang aking isipan habang nag lalakad sa hallway. Para bang naubos ang aking utak sa dami ng exam. One day opportunity lang kasi ito kaya kailangan tapusin lahat. Ang bad news ay hindi na ako naka sama sa mga top scorer pero naimaintain ko naman ang grado at average para sa aking scholarship kaya't tiyak na makakatapos na ako ng isang sem sa mababang tuition fee.

Para akong zombie na nag lalakad sa hallway..

Nasa ganoong posisyon ako noong makasalubong ko si Yuji. "Kanina pa kita tinatawagan ah. Bakit di ka sumasagot?" tanong nito.

Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ito. "Sorry, lowbat na pala ako." ang wika ko sabay pakita sa kanya ng aking cellphone. "Panong di malolowbat iyan e old model na iyan. Walang kwenta." ang wika niya saka hinablot ang cellphone sa akin kamay at saka ito tinapakan hanggang sa mabasag.

"Itigil mo iyan! Ano bang ginagawa mo?!" ang wika ko sabay tulak sa kanya.

"Nag pahanda ako ng espesyal na pag kain para sa lunch, nag bigay ako ng mensahe sa iyo bilang imbistasyon pero walang dumating. Gusto ko lang bumawi sa kabaitan ng mga magulang mo." ang wika niya.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang hindi mabasa ang mensahe mo." ang wika ko sabay luhod at inalis ko ang kanyang paa. Pinulot ko sa lupa ang aking nadurog na cellphone

"Itigil mo nga iyan! Wasak na iyan!"

Pero kinuha ko pa rin ito at lumakad palayo sa kanya pero hinawakan niya ang aking braso. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

Humarap ako sa kanya. "Yuji, please huwag ngayon. Pagod ako." ang paki usap ko sabay alis sa kanyang pag kakahawak sa akin at lumakad ako palayo sa kanya hanggang makalabas ako sa gate. Sinundan lang niya ako ng tingin at walang nagawa kundi ang pag masdan ako mula sa kanyang kinatatayuan.

Habang nasa ganoong pag aabang ako sa kalsada ay huminto ang pamilyar na sasakyan sa aking harapan. "Hi Blas. Sama ka?!" ang tanong nito.

"Isang party." ang sagot niya.

"Pass ako Biew, sorry ha. Next time nalang." ang wika ko.

Maya maya ay bumukas ang bintana sa back seat at dito bumulaga sa akin si Bam. "Bam? Bakit nandiyan ka?" tanong ko.

"Kanina ka pa niya hinihintay na makalabas, kaya naman nag pasya akong ayain na rin siya." ang sagot ni Biew

"Halika na Blas! Sakay na!" pag yaya ni Bam.

Napatingin ako kay Biew. "O, huwag kang tatanggi, mag tatampo talaga ako kapag hindi ka sumama."

"Pero wala akong dalang pang party."

"Akong bahala sa inyo. Alas 8 pa naman ang party, may dalawang oras pa tayo para mag ayos." kaya wala akong nagawa kundi ang sumakay at sumama sa kanila.

Nag drive si Biew patungo sa hotel na kanyang tinitirhan. "Para saan ang party?"

"Para sa mga upper class na naka survive ngayong sem. Alam mo na isang malaking delubyo sa buhay ng mga students sa upper class ang examination week. At dahil nairaos nila ito ay nag kakaroon sila ng relaxation party." ang wika niya sabay bukas sa kanyang malaking cabinet at dito ay bumulaga sa amin ang kanyang magagandang damit. "Pili kana Blas."

Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko alam, masyadong marami."

"Sa akin ay okay na itong semi formal na long sleeves. Maganda ang kulay at komportable." hirit ni Bam

Natawa si Biew. "Sige kunin mo ang nais mo Bam. Ako na lamang ang pipili ng para kay Blas." naka ngiting wika niya sabay kuha sa isang magandang damit sa pinaka gitnang parte ng cabinet. "Minsan ko lang naisuot sa isang pictorial ang damit na ito, bago pa at tiyak na bagay sa iyo." ang wika niya.

Tinulungan ako ni Biew na ayusin ang aking sarili. Mula sa aking hairstyle, ang kombinasyon ng aking mga isusuot, sapatos at pati ang aking mata ay nilagyan niya ng kaunting shade. "Alam mo ngayon, uso na rin sa lalaki ang naka make up, yung mga korean pop star ay talagang naka pinanatiling kaaya aya ang kanilang perpektong mukha. Halos ito na rin ang magiging bagong trend ngayong tao at sa mga susunod pa." ang paliwanag niya at dito ay unti unting nag bago aking anyo.

Natahimik ako..

"Ako ba talaga ito?" tanong ko.

"Oo naman, ikaw ay talagang gwapo, sa loob at sa labas." sagot niya habang naka ngiti. Ako naman ay talagang hindi makapaniwala, pakiwari ay nag mukha na akong artista sa telebisyon dahil sa pag tulong ni Biew.

Alas 8 ng gabi noong bumaba kami sa kanyang silid at tumulak sa venue ng party. Katulad ng dati ay talagang magarbo ang pag diriwang ng mga nasa upper class. Halos ginto at pilak ang palamuti sa paligid na sumisibolo sa kanilang yaman.

Nandoon rin ang F4, kompleto sila bagamat ang mag katabi ay si Erjun at si Kiro, sina Yuji at Gavin namin sa kabilang gilid. Halatang may tensyon sa kanilang grupo. Nandito rin sina Evan at Lippi na nakasuot ng makintab na damit na halos pareho silang nakaka silaw..

Noong makapasok kami sa loob nito ay napahinto ang lahat lalo na noong mag salita salita si Biew. "Ladies and gentlemen, this is my Good friend. Blas." ang wika niya at noong lumakad ako ay parang naka kita ng multo ang lahat. Lalo na sina Evan at Lippi na muntik nang maibuga ang kanilang mga iniinom. "Hindi ba iyan ang mapangit at ang mahirap na si Blas? Biew bakit mo ba siya tinutulungan?" tanong ni Evan na parang uminit ang ulo noong makita ako.

"Dahil siya ay isang mabuting kaibigan. Iyon ang pinaka mahalaga sa lahat." naka ngiting wika ni Biew sabay akay sa akin sa tabi ng mga F4, samantalang si Bam naman ay umupo sa tabi nina Erjun at Kiro saka kumain ng kumain.

Kumuha kami ni Biew ng inumin at dito ay may ilan na rin lalaki ang lumalapit sa akin. "Blas may cellphone number ka ba? Saan kita macocontact?" tanong nito.

Natakot ako at dumistansiya, dahilan para matawa si Biew. "Blas, nakikipag kaibigan lang sila. At isa pa ay single ka naman diba? Wala kang karelasyon. Talagang dudumugin ka ng mga lalaki at babae ngayon dahil ikaw ang pinaka gwapo sa silid na ito, iisang tabi na natin ang F4 dahil given naman na sila. Ang lalaking iyon ay si Jerick Yu, isang anak ng mayamang chinese entreprenuer na may ari ng 180 hydro power plant sa bansa. Huwag kang matakot makipag socialize sa kanila, remember single ka at walang nag mamay ari sa iyo. Tama ba Yuji?" tanong nito

Itinigil ni Yuji ang pag inom at saka sumagot. "Wala akong paki alam sa isang iyan!" ang sagot nito.

Natawa si Biew at hinila ako sa mga nakikipag kilala sa akin. "Enjoy Blas, night mo ito." ang wika niya.

"Blas, single ka naman pala, bakit hindi tayo mag date?" ang tanong isa..

"Kami ang mag dadate ni Blas, i know him, king of the night siya sa Mid Class ngayong taon. Im a fan." ang hirit ng isa at nakipag kamay sa akin.

Natawa nalang ako.

Napatingin ako kay Biew na nakaupo sa tabi ng F4, tawa siya ng tawa..

Samantalang sa isang sulok at naroon si Yuji, nanlilisik ang mata at nakatingin sa akin ng masama.

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon