Chapter 8- Foolish Heart

Magsimula sa umpisa
                                    

“Oo naman Dad.. ang tagal na n’un… pero kasi dad, the problem is…. Dylan is already married..7 months na…”, malungkot na sabi ni Judith sa ama.

“Oh… Oh my…alam mo ba from the start pa lang na may asawa na siya?”, tanong ng ama niya.

“Yun nga dad eh.. I didn’t know. I didn’t even have the slightest idea! Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya agad sinabi or naikwento man lang na may asawa nap ala siya.. alam na nga niya halos lahat ng tungkol sa’kin eh.. kasi ganun ako ka-comfortable sa kanya.. pero, mali ba dad? Mali ba ako? Mali ba na binuksan ko ang puso ko para sa kanya? Kahit less than a year pa lang kami magkakilala? Pero anong gagawin ko? I feel that I’ve known him for a long time…”, mahabang saad ni Judith, at magsisimulang mapaluha..

“Ssshhh… anak.. hindi naman masamang magmahal.. ang masama lang ay kapag wala ka sa tamang lugar… yung may naaapakan kang ibang tao, yung kapag nagiging makasarili ka na… pero hangga’t hindi ganoon, walang masamang magmahal…”, sabi ng kanyang ama.

“thank you, dad… mananahimik na lang ako.. dahil wala ako sa lugar… para wala na lang masaktang iba…. “, sabi ni Judith sa ama, at niyakap ito..

Tulog na ang lahat… ngunit si Judith ay hindi dalawin ng antok..

Pabaling-baling siya sa kama….. Hanggang sa… maya-maya’y hindi na niya namalayang nakatulog nap ala siya..

Kinaumagahan, nagsimba muna sila sa simbahan sa bukana ng subdivision na kanilang tinuluyan, after the mass, nagpunta sila sa malapit na palengke para bumili ng mga prutas..

Nang magtanghali ay kumain sila sa isang restaurant…

Hapon na nang makabalik sila sa Manila…

Maikli man at bitin ang weekend, nagpapasalamat pa rin si Judith dahil kahit papaano’y nakapag unwind siya, pati na ang kanyang pamilya..

Pagbalik sa Office…

May tinatapos si Judith nang lumapit sa kanya si Dylan…

“Hi, Jude! How’s your weekend?”, pangangamusta ni Dylan.

“Oh, ikaw pala… ahm, nag overnight lang kami ng family ko sa Tagaytay.. konting pahinga.. yun… ayos naman…”, simpleng sagot ni Judith na bahagyang sumulyap lang kay Dylan, at ibinalik ang atensyon sa tinatapos na report.

“oh, that’s great.. buti naman at nakapag pahinga ka..after working so hard for how many weeks…”, Dylan said.

“yup. Oo nga eh.. “, yun lang ang sabi ni Judith.

“ahh… I see you’re kind of busy with something.. ahh, I should get back to you later? “, napansin ni Dylan na parang wala sa mood si Judith na makipag kulitan, kaya inisip na lang niya na busy ito..

“Ok.. see you then…”, Judith ended up the conversation.

“Girl, what’s with the mood?”, napuna ni Helen.

“woke up at the wrong side of the bed?”, tanong ni Anne.

“ahm… kailangan ko lang tapusin ‘tong pinapagawa ni Sir Ian, today na rind aw kailangan eh…”, sagot ni Judith, pero iniiwasan ang tingin ng mga kaibigan.

“aaahhhhh…. I see…”, sabi ni Anne.

“hmm? Yun lang ba talaga? Katherine Judith, I know you... nabobother ka sa nalaman mong married na si “potential loverboy” noh?, pambubuking ni Helen.

“Uy? Ikina-bother mo talaga yun, friend? Bakit? Nagtatampo ka ba dahil hindi niya sinabi sa’yo agad?”, usisa ni Anne.

“ahm… medyo… oo.. kasi….”, naputol ang sasabihin ni Judith..

I Honestly Love You (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon