We Became Lovers

22 2 6
                                    

One shot only♡
-----

"Hoy baboy!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si pato na naman.

"Ano na naman baklang pato?" Tanong ko dito. Sumibangot naman ito kaya natawa ako.

"Makabakla naman 'to, halikan kita d'yan eh!" Sabi pa nito habang nakanguso.

"Yak ano ba yan muka ka talagang pato lalo na pagnakanguso ka. Saka ano? Hahalikan mo ko? Muka mo kala mo naman kaya." Natatawag sabi ko pa.

"Kahit ganyan ka ewan ko ba mahal pa rin kita." Hininaan n'ya yung panghuling sinabi n'ya kaya naman hindi ko ito narinig.

"Ano yon bakla?" Tanong ko dito.

"Wala baboy sabi ko lilibre kita. Tara na."

"Talaga?"

"Ayaw mo ata eh. Si Katherine nalang ililibre ko." Kaswal na sabi n'ya.

"Ah." Sabi ko nalang. Si Katherine naman ata gusto n'ya ilibre edi sana 'yun nalang agad pinuntahan n'ya. Tss. Hindi ako nagseselos ha! Baka kasi sabihin n'yo nagseselos ako.

"Joke lang baboy ito naman. Tara na kasi lilibre kita."

"Sige." Tipid kong sabi saka naunang maglakad sa kan'ya.

"Huy teka hintayin mo naman ako akala ko pa naman mabagal maglakad ang baboy mabilis din pala." Pang-aasar n'ya kaya nilingon ko ito at laki naman ng ngiti n'ya.

"Letseng pato 'to. P'wede ba manahimik ka nalang. Edi bilisan mo din kung gusto mo." Iritadong sabi ko.

Napatikom ang bibig ko nang makita ko si Sean ang crush ko.

"Oh baboy tumahimik ka ata." 'Di ko nalang pinansin si Mark at dali daling umalis.

"Hoy baboy teka lang!" Sigaw ni Mark ngunit 'di ko s'ya pinansin.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Ano bang problema. Sinabi ko lang si Katherine nagkaganyan ka na." Hingal na hingal n'yang sabi. "Siguro nagseselos ka no." Pang-aasar n'ya sa akin.

"Kapal! Bakit naman ako magseselos aber?" Tanong ko sa kan'ya.

"Aba s'yempre kasi crush mo na ko." Sabi n'ya sabay kindat.

"Yak kadiri ka pato." Kunot noong sabi ko sa kan'ya. "Saka si Sean yung crush ko." Pagmamayabang ko pa.

"Ah ok." Tipid n'yang sagot.

"Oh bakit parang ikaw ang nagseselos?" Pang-asar ko sa kan'ya.

"Hindi ah. Tara na nga." Sabay hikit n'ya sa akin sa cafeteria. "Anong gusto mo?" Tanong n'ya.

"Burger at fries saka mountaindew" Sabi ko.

"Takaw mo talaga baboy kaya ka lalong tumataba eh." Muling asar n'ya kaya napasibangot naman ako.

"Heh manahimik ka nga d'yan. Parati mo nalang ako inaasar." Nginitian n'ya lang ako.

"Kez, mamaya ha? Uwian sa park punta ka may sasabihin ako sayo." Sabi n'ya matapos maibigay yung order ko tapos umalis na din s'ya agad.

Hanggang sa matapos ang klase hindi pa rin ako mapakali sa huling sinabi ni Mark.

Nandito na ako sa park at inaantay si Mark sa ilalim nitong puno.

'Ang awiting ito ay alay sa'yo, sintunado man tong mga pangako sa'yo ang gusto ko lamang.. Kasama kang tumanda~'

"M-Mark." Ngumiti lang s'ya at patuloy sa pagkanta.

Nang matapos ang kanyang pagkanta at hinawakan n'ya ang aking kamay.

"Kez matagal ko na gustong sabihin sa'yo na mahal kita matagal na. Inaasar kita para makapagpapansin sa'yo. Inaasar kita kasi ang cute cute mo pag nagagalit ka. Kez, sa halos tatlong taon nating magkakilala." Lumuhod s'ya sa harap ko habang hawak ang bulaklak. "Maaari ba kitang ligawan aking minamahal na binibini?" Napakagat labi ako dahil ang totoo, matagal na akong may gusto kay Mark.

"Mark." Sabi ko habang nakatingin sa kan'ya. "Pumapayag ako." Lintaya ko pa sabay tango.

Bigla s'yang tumayo at tumalon talon.

"Yes! Pumayag s'ya na ligawan ko s'ya!" Agad ko naman s'yang pinigilan dahil nakakahiya.

Niyakap n'ya ako sabay halik sa noo ko.

"Thank you Kez, hindi mo alam kung pano mo ako napasaya dahil pumayag kang ligawan kita." Nakangiti n'yang sabi. "H'wag kang mag-alala hinding hindi kita bibiguin sa panliligaw ko hanggang sa makuha ko ang matamis mong oo.
---
Months pass, 8 months to be exact sinagot ko si Mark at tinupad n'ya ang sinabi n'ya noong panahong nanliligaw pa lang s'ya.

Ipinakita n'yang mahal n'ya ako. Nakuha n'ya na ng tuluyan ang puso ko.

"Hey mahal ko pansinin mo na ako." Pakiusap n'ya sa akin.

Palibhasa ay kanina ko pa s'ya hindi pinapansin dahil nakita ko s'yang may kasamang babae at ang kinainis don umaga palang ay nag-aantay na ako ng chat n'ya ngunit ni 'Good morning' ay wala tapos makikita ko may kausap na babae.

"Mahal kong binibini ako'y iyong patawarin, 'di ko hangad na pasamain ang iyong loob." Ayan na naman s'ya nagpapakamakata.

Hinarap ko s'ya ng may blangkong expression.

"Anong araw ngayon." Malamig kong sabi.

"September 2 po." Magalang nitong sabi.

"Anong okasyon." Napansin kong napaisip s'ya sa aking sinabi.

"Hmm hindi mo naman birthday diba?" Tss. Kung gayon nakalimutan n'ya nga.

"Mamaya na lamang tayo mag-usap." Inis na sabi ko saka umalis.

Sa ngayon ay papunta ako sa tambayan ko. Sa garden.

"Ate." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ang cute n'ya.

"Bakit?" Tanong ko ngunit inabot n'ya lang ang rosas at tumakbo.

Nakapagtataka dahil habang naglalakad ako ay may mga bata na nagbibigay sa akin ng rosas hanggang sa makarating ako sa garden.

Napaluha ako sa aking nakita.

"Happy Anniversary mahal kong binibini." Sabi n'ya sa akin sabay abot ng bouquet of flowers.

Niyakap ko s'ya at hinampas ng mahina.

"Akala ko nakalimutan mo na."

"Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na sinagot ako ng pinakamamahal kong babae." Napangiti ako dahil sobrang nasorpresa ako.

"Eh sino iyong kasama mo kanina?" Kunwaring masungit kong turan sa kanya. Natawa s'ya ng mahina.

"S'ya ang kaibigan ko na girlfriend din ng pinsan ko." Natahimik ako dahil sa kanyang sinabi.

"I love you baboy ko." Napairap nalang ako dahil sa pang-asar n'yang iyon.

"I love you too pato." Sabay kaming napatawa dahil sa weird na tawagan naming dalawa.
----

"Honey ikaw ha, iniisip mo na naman ang nakaraan." Sabi ni Mark habang nakayakap mula sa likuran ko. Kaya naman napatawa ako.

"Masama bang balikan ang nakaraan ha? Pato?" Pang-asar ko dito.

"Hays tama na nga pang-aasar. Halika na matulog na tayo asawa ko." Sabi n'ya sabay buhat sa akin.

He's Mark, mula sa ilang taong puro asaran and now.. we bacame lovers.

~~~~~~~~~~~
Author's note: Nakakabitin ba? Sana ay nagustuhan n'yo ang maikling storyang handog ko sa inyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Became Lovers (One Shot)Where stories live. Discover now