SIMULA

4 1 0
                                        

Nakatingin lamang ako sa mga litratong nakapaskil sa dingding ng lola ko. Puro lumang litrato na nababalutan pa nang alikabok. May mga larawan ng iba't ibang tao na ang pagkakaalam ay ang aking mga ninuno.

Habang nagmamasid masid, may isang litrato ang nakapang-agaw pansin sa akin.

Isang litrato ng isang ginoo. Kaagaw-agaw ang mala-adonis nitong mukha. Perpektong tangos ng ilong, mala-abong kulay na mga mata, mapupulang labi at perpektong hugis ng panga.

“Ang gwapo naman nito. Sino kaya 'to?”

Habang pinagmamasdan ang perpektong mukha ng ginoo, napansin ko ang kakaibang mensahe na nakasulat sa ilalim parte ng frame.

"Léelo y lo verá"

“L-Léelo y lo verá? Alam ko spanish yung may mga "y" ehh.”

Napaatras ako ng makitang unti-unting umiilaw ang litrato na aking pinagmamasdan.

Biglang nawala ang litrato ng ginoo at napalitan ng isang lagusan.

Dahan-dahan akong lumapit para makita ang napalitang larawan.

“P-paanong nangyari 'to? May nililihim ba ang lola?”
Unti-unti kong inilapit ang aking kamay sa larawan.

“Ahhhhhh!”

Hahawakan ko sana ang litrato ng tila tumagos ang aking kamay.

“T-teka bakit ganto.. Nakakagulat ka ah! Akala mo siguro matatakot ako sayo noh?!”

Tanging panginginig ng aking tuhod at pagtulo ng pawis ang aking nararamdaman dahil sa kaba.

Aba! Sinong hindi matatakot kapag may ganito kang masasaksihan? Di makatotohanan pero talagang nangyayari kaso bakit sa akin pa?

Sinubukan ko muling ilapit ang aking kamay ng may biglang humawak sa akin. Hindi lang basta kung sino dahil lumabas ang ginoong nasa litrato lamang.

Napakalamig ng kamay nito at hindi na ako nakapalag pa dahil tuluyan na itong lumabas sa litrato.

“T-totoo ba 'to?! T-teka ba't ko tinatanong pa yung sarili ko? Nakikita ko naman ahh! Aish!”
“Binibini, nasaan ako?”

Yun na lamang ang huli kong narinig sa ginoo ng maramdaman ko ang pagbigat ng hininga ko at unti-unting pagpikit ng mga mata ko.

(picture credits to the rightful owner)

LARAWANStories to obsess over. Discover now