PROLOGUE

43 4 0
                                        

-Dancefloor Music-

"Uy Pre! Pre! Ganda ng nasa kabilang table oh!" Napaligon ako sa kabilang table at Nakita ko 'yung tinutukoy niya.

"Ayan ka naman. Hindi ba may girlfriend kana?"

"Oo nga pre? Wala ka talagang pagbabago."

Hindi ko na masyadong marinig usapan sa table namin dahil ang lakas ng music.

Seasons change and our love went cold

Feed the flame 'cause we can't let go

Run away, but we're running in circles

Run away, run away

"Ano ba mga pre. Hindi niya naman malalaman, tsaka hanggang tingin lang naman ako." Tumawa siya sabay inom ng hawak niyang alak.

"Yun naman pala. Iba ka talaga pre! kaya idol kita eh."

Nagtawanan sila at nag-cheers pa nga ang mga loko. Ang ingay ng paligid at mukhang nagkakasiyahan silang lahat.

"Ok ka lang?" Jared asked me.

"Parang and dami mong iniisip?" lumapit siya sa akin para mas maintindihan ko sinasabi niya.

"Are you alright?"

"Uhm. Ayos lang naman ako." I shortly replied to him. Medyo nahihilo na kasi ako at wala na ako ganang magsalita. I'm always like this, siguro dahil na rin lagi akong pagod.

Nagpaalam ako kay Jared para mag-C.R. Sa kanya lang ako nagpaalam kasi mukhang busy naman sila sa usapan nila about girls and it's making me uncomfortable.

I am here because my old friends wanted to have a small reunion. Pinilit nila akong sumama. I mean, si Jared lang pala. Well, let me say that he is my closest guy friend kaya napilit niya ako. I don't want them to think that I'm avoiding them. Hindi lang talaga ako makasabay sa trip nila at parang pinagsisiksikan ko lang sarili ko. Yes, they are funny and I'm actually enjoying their company. Pero, kapag nag-uusap na ang lahat, feeling ko I'm out of place kasi di ako makarelate sa kanila. I am the problem here.

I'm on my way to the comfort room nang bigla akong binangga ng isang lalaki. Muntik na akong matumba dahil na rin sa tama ng alak. Inayos ko ang sarili ko at tiningnan iyong lalaking bumangga sa akin.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya." sabi niya habang nakangiti. I don't know kung nakikipag flirt ba to. Ang bango niya. I can smell his scent and ang manly ng amoy hindi masakit sa ilong. He's wearing this plain blue shirt which made him very attractive. Wait, laway ko.

"Ok lang." Ngumiti din ako sa kaniya, 'di ako papatalo. We stared at each other for a couple of seconds and it made me uncomfortable kaya umiwas kaagad ako. Ngumiti nalang ako sa kanya at umalis na sa harap niya.

Ayaw tumigil ng kabog ng dibdib ko. kinakabahan at nahihiya sa nangyari kasi ang cute ng lalaki. Hindi talaga ako sanay makipagtitigan sa mga tao lalo na kung may itsura, palagay ko kasi ang panget ko. Nakaka-concious tuloy.

Tumuloy nalang ako sa pagpunta ng C.R.

Ang baho naman ng C.R dito at nakakainis pa tatlo lang ang urinal. Nag-aantay ako dahil may pila dito sa C.R ng boys. Nakakadiri kasi habang nagaantay ako nakikita ko yung mga lalaki na may sumusuka sa gilid at hindi na tumatama sa urinal 'yung ihi nila. Parang ayoko na tuloy umihi, kaso yung pantog ko. Tiniis ko na lang yung kadugyutan sa C.R dahil di ko na kaya.

Minadali ko na lang ang pag-ihi ko dahil itong katabi ko sa urinal ay tingin ng tingin sakin, akala ata sinisilipan ko siya. Di ko nalang pinansin at nagmadali ng umalis dun. Naghugas muna ako ng kamay ko at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Namumula na ako at lumalabo na paningin ko kaya naghilamos ako ng mukha. Tumatama na talaga ang alak, baka di na ako maka-uwi.

Remember MeWhere stories live. Discover now