Sa lalawigan ng Ilocos Sur, sa bayan ng San Juan ay may apat na batang nasa edad sampu. Ang una ay si Luisito Vera Cruz Jr. Siya ay anak ng kapitan del Bario sa Bario Lira. Maloko at malakas ang loob niya. Sa lahat ng bagay na kanilang pinupuntahan, tagumpay man o may kapalpakan , siya tiyak ang kapural. Kaisa-isa siyang anak kaya naman kung minsan talagang nasususnod ang kanyang layaw.
Ang sumunod naman ay si Rufino Verador, siya ang pangatlo at bunsong anak ng mga Verador. Lagi tuloy sinasabi ng kaniyang mga babaing kapatid na siya ang paborito dahil laging nakakahingi ng pabor sa kanilang ama na isang beterinaryo ng kanilang malaking bukirin at pigery. Masayahin siya, kung baga siya ang laging nagpapatawa sa kanyang mga kaibigan. Siya ang nagpapatawa upang makalimutan ng mga ito ang kanilang mga suliranin.
Si Angelito Viloria naman ay mahilig umawit, kahit saan sila magpunta, ito ang kanyang talento. Naroong lumaban sila sa paligsahan sa pag-awit at sa totoo dalawa lang sa kanilang ang umaawit. Si Angelito at si Ismael. Siya ay anak ng mag-asawang kawani ng pamahalaang lokal. Ngunit hiwalay ang mga magulang niya at may kanya-kanya nang pamilya. Siya ay naiwan sa kanyang lolo at lola na nakakatanggap ng pensyon bawat buwan.
Ang pang-apat ay si Ismael Valoran. Ang henyo ng kanilang grupo. Agham ang kanyang pinakapaboritong asignatura. Siya ay anak ng punong-guro ng isang mababang paaralan sa kanilang barangay. Kahit ano ang tanungin mo sa kanya ay tiyak na masasagot niya. Mahilig siyang magbasa ng aklat, kung minsan nga ay natutukso siya ng barkada dahil sa kanilang pamamasyal ay may dala itong maliit na bag na may lamang aklat. Ayon sa kanya ay maaari niyang basahin habang wala pa silang masyadong ginagawa.
Kahit iba-iba ang kanilang pag-uugali, sa kanilang musmos na kaisipan ay nalaman na nila ang tunay na kahulugan ng pagiging magkakaibigan. Nagkakagalit man kung minsan ay sila pa rin ang magkakasama kung anuman ang nais nilang puntahan. Ito'y kanilang ipinangako, at ayon sa kanila maging sa kanilang paglaki ay hindi magmamaliw ang kanilang pagiging magkaibigan, kahit sila'y magkahiwa-hiwalay.
YOU ARE READING
Pagbabalik
Teen FictionKung minsan ay masyado tayong mapanghusga, kung ang isang kabtaan ay naligaw ng landas ay nawawalan na tayo kaagad ng pag-asa na ito ay maaari pang magbago at magbalikloob sa Maykapal. Kadalasan din aty hindi natin nakikita ang kahalagahan ng isang...
