Napatingala ako sa kalangitan nang maramdaman ang patak ng ulan. Hindi pa naman ako nagdala ng payong kaya siguradong maliligo na naman ako nito pagdating sa bahay. Wala namang klase bukas kaya may oras pa ako para patuyin ang mga school supplies ko.
Tinawid ko ang pedestrian lane kasama ang mga studyanteng kagaya kong nagmamadaling umuwi. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bagpack ko habang naglalakad-takbo. 10 minutes lang ang lalakarin ko papunta sa bahay namin. Sana man hindi umulan ngayon para walang problema.
Sa paglalakad-takbo ko ay natapilok ako sa isang naka-usling ugat ng punong Narra. Unang tumama ang tuhod ko kasunod na ang mukha ko sa maitim na lupa. Nakakainis. Dahan-dahan akong tumayo pero mukhang hindi kaya ng tuhod ko kaya umupo nalang ako sa lupa. Wala namang nakatingin sa akin saka may short naman ako sa loob ng palda ko.
Nag-aagaw na ang gabi at liwanag at kitang-kita ko ito mula sa kinaroroonan ko. Sa harapan ko ay ang isang ilong at may nakapaligid ditong mga semento.
Sinuri ko ang tuhod ko at may malaki nga itong sugat na pinaliligiran ng mga dahon at buhangon. Napasigaw ako sa inis. Hinubad ko ng dahan-dahan ang bagpack ko at kinuha ang water bottle na may lamang kalahating tubig. Buti nalang nilagyan ko ito kanina mula pagka-alis ko. Dahan-dahan kong hinugasan ang sugat kong dumudugo pa.
"Putangina," nanggigigil kong sambit.
Ang hapdi naman nito at wala pang tigil sa pagdurugo. Hindi kaya mawawalan na ako ng dugo nito? Tapos magiging anemic ako.
Sa purse ko naman ay kinuha ko ang alcohol at band-aid. Hindi naman ako malamyang tao pero nagdadala nalang ako nito incase for emergency. Binuhos ko na agad ang alcohol sa sugat at doble pa ang sakit nito kesa kanina sa tubig. Parang hinihiwa ang balat ko. Nakamura ako ng mga 100x. Basta marami iyon hindi ko na mabilang. Tangina ang sakit talaga.
Hindi kasya yung band-aid sa sugat ko kaya yung panyo ko nalang ang ipinangtakip diti. Paika-ika pa akong naglakad at saka bumuhos ang napakalakas na ulan.
Malapit na sana ako sa bahay namin pero ang lapastangan hindi pa nagpahuli. Binilisan ko ang paglalakad kahit basa na ako. Muntik pa akong matumba muli nang banggain ako ng limang matatabang lalaki. Buti nalang hindi nila ako kinulit.
Lumingon ako sa pinanggalingan nila. May nakita akong pamilyar na mukha. Parang yung crush ni Eunice. May girlfriend na ata siya dahil sa babaeng nasa harapan niya ngayon. Malaki pa ang ngiti niya rito. Napansin ko rin ang hindi pamilyar na kotse sa gilid nila. Kulang black na sports car. Walang ganoon ang kapit-bahay namin. Sinuri ko rin ang plate number at hindi talaga ito pamilyar.
Kabisado ko ang mga sasakyan dito sa lugar namin dahil hindi masyadong mayayaman ang nakatira rito. Mga bike lang kadalasan ang sasakyan ng mga tao.
Hindi ko rin sila marinig dahil sa buhos ng ulan. Hanggang nakapasok na ako sa loob ng bahay ay doon ko na napagtanto na pamilyar ang likod ng babaeng iyon. Lalabas na sana ako para e-double check pero wala na sila.
Saka naman dumating ang nanay ko galing sa kusina at nag-alala sa kalagayan ko.
YOU ARE READING
74 Days Of Torture
RandomMy friend, Eunice, is not coming to class anymore. The last time we talked is she was sick and needed to rest. I called her many times and she answered the phone, saying she was okay. My schoolmate, Gabriel, whom I suspect. I think he knew where Eun...
