Chapter 1

171 55 36
                                    

Chapter 1

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor at di maiwasang mainis dahil sa ingay ng mga tao! Sigaw dito, sigaw doon. Grabe, isang taon ba talaga silang hindi nagkita? Dalawang buwan lang naman ang bakasyon eh, para sakin dalawang araw lang 'yun.

Ang OA lang talaga nila at ang harsh ko magsalita. Ganun ako eh, ayaw ko sa mga maarte Lalo na pag babae. Pero mabait akong tao ayoko lang talaga pag ganun.

"Hi, Transferee ka? anong pangalan mo?" Tanong ng babae. At ngumiti pa siya sakin.

Siya ang katabi ko sa upuan at cute din siya. Siguro maraming magkagusto na lalake sa kanya.

"Treah." Tipid kong sagot. At sinuklian siya ng matamis na ngiti.

"Ahh.. I'm Kleiyo Montajes." Inilahad niya sakin ang isa niyang kamay. "Pwede ba kitang maging kaibigan?"

Tiningnan ko yung kamay niya at kinamayan narin baka mapahiya siya kung di ko 'yun tatanggapin. Mas lalo siyang cute kapag ngumiti.

"Thank you!" Laking gulat ko nang niyakap niya ako. Okay lang ba siya? "Magkaibigan na tayo ha wala ng bawian!"

Sumagot naba akong oo? Kinamayan ko lang naman siya. Weird niya. Pero sige na nga para may kaibigan narin ako. Sana hindi siya plastik.

Pagtunog ng bell, ay pumasok si Ma'am. Medyo matanda na siya parang nasa thirty plus na yung edad pero maganda parin siya.

"Okay. Since it's your first day, just introduce yourself. Tomorrow pa tay---." Napahinto si Ma'am sa sasabihin niya nang may lalakeng pumasok.

Biglang tumili yung mga kaklase kong parang tanga eh tao lang naman siya.

In fairness gwapo siya. Medyo maputi siya, magulo at kulot ang buhok, makapal ang kilay, magagandang pilik mata, at pormadong katawan. In short, siya ang ideal boy ng mga babae. Well, I hate him. Feeling ko kasi mayabang.

Tatanungin na sana siya ni ma'am pero inunahan siya nito.

"Sorry ma'am, I'm late." Nakuha pa niyang kindatan si ma'am at naglakad papasok. Si ma'am naman halatang namumula ang pisngi dahil sa kilig. Kahit pala matanda kinikilig parin.

Lumingon yung lalaking mayabang sa kinauupuan namin. Biglang nagtama ang mga mata namin. Medyo kinabahan ako at nag slow motion ang paligid. Di ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Sa nakikita ko na parang kami lang dalawa ang tao.

"Kyaaahhhh, ikaw na talaga Cath! Tingnan mo oh. Nakatingin si Adrian sayo!"

Bumalik ako sa katotohanan nang marinig ko ang babaeng nagsasalita at tumitili sa likuran ko. Nilingon ko kung sino yun.

Tumingin rin sakin ang babaeng tinutukso ng kaibigan niya kanina. Kaya nginitian ko siya at sinulyapan yung lalake kanina na Adrian yata ang pangalan. Yun ang narinig ko eh.

pagkita ko dun, nakaupo na siya sa likuran. bumalik nako paharap. At napakibit balikat nalang.

Siya pala 'yun. Akala ko, ako yung tiningnan ni Adrian kanina si Cath pala. Tsk. Medyo naging assuming rin ako. Hayyss.

"Quiet! ipakikilala niyo na ang sarili niyo. Name niyo at ang madalas niyong ginagawa para mas makilala pa kayo ng kapwa niyo kaklase. Unahin natin ang nasa harap."Ani Ma'am.

Nagsimula nang magpakilala ang isa't-isa.

"Hi, I'm Kleiyo Montajes at ang madalas kong ginagawa sa buhay ay mag travel with my Family. Nakapunta na kami ng France, U.S., Italy, Australia, and England. And sana sa susunod, makakasama ko na ang lalakeng magmamahal sa'kin." Pagpapakilala ni Kleiyo sa harap.

Undeniable LoveWhere stories live. Discover now