"Ang dami mong reklamo Yats."

Pinaandar niya ang kotse niya at umalis na kami, mabuti na lang talaga at hindi si Mama masyadong matanong kung nagkataon hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Yats, sabay tayo maglunch mamaya, hihintayin kita."

"Wag na mauna ka na marami akong gagawin mamaya."

"Basta hihintayin kita mamaya."

"Hindi ko dala kaldero ninyo kumain ka mag-isa mo."

Bigla niyang inihinto ang sasakyan niya. Tapos nakatingin sa'kin ng matalim. "Wag mong ubusin ang ka-baitan ko sa'yo."

Nag-peace sign ako sa kaniya. "Joke lang."

"Wag mo na ako susundin bukas."

He glared at me. "Don't dare me."

Siniksik ko ang sarili ko sa gilid ng kotse niya galit na siya baka itapon niya ako sa labas ng kotse niya.

Pagdating namin sa school para naman Hari na bumaba si Ryuuji sa kaniyang kotse. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad siya.

"Bilisan mo ang paglalakad," sambit niya. Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa bulsa ng pantalon.

Nakikita ko ang mga estudyante na umiiwas sa dinadaanan ni Ryuuji habang hinahabol naman kami ng tingin ng mga ibang estudyante roon.
Sa labas ng pintuan lang niya ako hinatid.

"See you later." Kumaway pa siya sa'kin. Pumasok ako sa loob ng class room pero napansin kong hindi pa rin umaalis si Ryuuji sa labas. Hindi tuloy ako maka-focus sa lecture ng prof namin.

"Bakit hindi pa siya umaalis?"

Nakatingin ako sa kaniya habang nakatayo siya sa pintuan at abala sa cellphone niya. Hindi naman siya sinisita ng prof namin.

"Aika, boyfriend mo si Ryuuji?" Bulong sa'kin ng kaklase ko na katabi kong upuan.

Ilang ulit akong umiling. "Hindi!"

"Nakakapagtaka lang na may nakakausap siyang babae mula ng mawala si Anastasha."

"Sino si Anastasha?"

Tinakpan niya ang bibig niya at sinampal ang sarili. "Ang daldal ko talaga! Hayss! Siguradong lagot ako kay Ryuuji, please...wag mo akong isusumbong kay Ryuuji."

"Hindi naman kita isusumbong, pero sino si Anastasha?"

"Hayaan mo na lang na siya ang magsabi sa'yo isipin mo na lang na wala kang narinig sa'kin." Hinila pa niya ang upuan ng kaunti palayo sa'kin pagkatapos hindi na niya ako kinausap.

Tinanaw ko si Ryuuji, hindi pa rin siya umaalis. "Sino kaya si Anastasha?"

Hindi ko alam kung paano natagalan ni Ryuuji na manatili ng ilang oras sa labas. Binigyan na nga siya ng upuan sa gilid. Napansin ko rin nakatulog na siya sa kakahintay sa'kin. Para tuloy akong kinder student na hinihintay ng Guardian ko.

Pagkatapos ng limang oras lumabas na kami upang kumain ng lunch. Nakita ko si Ryuuji na nakatulog sa labas habang naka-dikwatro. Yumuko ako upang magpantay kaming dalawa at tinitigan ko siya pagkatapos pinitik ko ang ilong niya.

"Ouch!" Bigla siyang nagising dahil sa pitik ko.

"Good afternoon." Nakangiti pa ako sa kaniya.

Para siyang bata na papungas-pungas pagkatapos tumayo siya.  "Tapos na ang morning class ninyo?"

Tumango ako. "Wala na kaming klase mamaya wala yung professor namin."

"Good, let's go!" Nauna siyang naglakad papunta sa cafeteria.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon