Chapter 2

2.6K 84 11
                                    

ISANG linggo na niyang di nakikita si Calixxe dahil busy ito sa bagong bukas na negosyo kasama ng mga kaibigan nito.. Naging busy din siya sa modeling dahil summer ngayon at nag momodel siya ng mga two piece sa isang kilalang brand.

Kauuwe niya lang sa condo niya at pagod na sumalampak sa sofa sa kaniyang living room. She's very tired. Bago pa siya makatulog sa sobrang pagod ay tumayo na siya para mag quick shower at magluto ng pag gabihan niya. Maaga pa naman . Mag aalas 7 palang ng gabi pero dahil pagod siya sa maghapong shooting ay maaga siyang magpapahinga..

Nasa kusina niya siya habang kumakain ng may nagdoor bell. Mabilis naman siyang napairap sa hangin dahil naiinis siya dahil kumakain pa siya. Buti nalang patapos na siya kaya di niya na inubos ang natitirang nasa pinggan niya. Uminom nalang siya bago pumunta sa pintuan at pinagbuksan ito..

Nakangiting mukha ng nanay niya ang bumungad sa kaniya. Kahit kailan talaga ay napakakulit ng mommy niya. Kasama nito ang mommy nila Calixxe dahil matalik din na magkaibigan ang mga ito..

"Mommy,tita, what brought you here? Gabing na" nakibeso siya pareho sa mga ito. Bago sila umupo sa sofa na nasa living room nya.

"Sweety ,me and your tita is so excited tonight!"

Nagtataka naman siyang tumingin sa dalawang nagagandahan kahit may edad na na babae sa harapan niya.

"Anong meron mom?" nagtataka talaga siya kung saan nanggaling ang excitement ng mommy at tita niya.

"Do you remember your tita Eliza? "

Mabilis naman siyang tumango. Tita Eliza is also their friends pero lumipat ang mga ito ng bahay at sa ibang bansa dahil dun nakadestino ang asawa na isang engineer.

"Pupunta kami ngayon sa kanila because she and her family is staying here for good. "

"Pero gabing gabi na mom"

"Silly. Pinayagan naman na ng Dad mo ang Mom mo pati na rin ako sa asawa ko ,and that is because meron din pala silang bonding with your tito Fred. " tukoy nito sa asawa ni tita Eliza . napairap pa ito habang sinasabi. So meron palang bonding ang mga oldies. Lihim siyang napailing sa pagbanggit niya ng 'oldies' baka mag hysterical ang mommy niya pag narinig nito .

" So why are you here mom? Ba't di pa kayo dumiretso sa bonding niyo with tita eliza?"

Nagkatinginan ang mga ito at sabay bumungisngis.
"Isasama ka sana namin para mapakilala ka namin sa anak niya. Remember Carlos? Yung nagkakacrush sayo when you too are still young?"

"Mom! Ibubugaw mo ba ako?" nanlalaking mata na sinabi niya sa nanay niya.

"Ofcourse not sweety. Nagbabakasakali lang. Hindi kana bumabata Kara. You are already 30 . Dapat kahit boyfriend lang meron kana."

"Mom. I'm busy with my job. Wala akong time para jan"

"Hay jusko kang bata ka"

Natatawang umiiling lang ang tita niya.
"Hayaan mo na nga si Kara mare. Yung anak ko nga trenta na din pero wala paring matinong karelasyon panay fling fling lang.. "

"Hay. Mag-best friend talaga kayo ni Calixxe ,parehas kayong pinapasakit ang ulo ng mga nanay nila." pagdradrama ng mommy niya.

"Yeah ! I know! " sarkistong sabi niya sa mommy niya.

"Lets go na mare. Baka hinihintay na tayo ni Eliza"

Hinatid niya ang mommy at mommy nila Calixxe sa harap ng elevator at nakibeso bago pumasok ang mga ito...






NAALIMPUNGATAN siya ng biglang may tumabi sa kaniya. She can smell the perfume of Calixxe kaya di na siya nabahala at nagpatuloy nalang sa tulog. Inaantok pa siya e. Tumawag kasi ito matapos niya inihatid at mo my nila na pauwe na daw ito at naboboring sa isla ng boracay.  Inasar pa nga niya ito na paano ito maboboring e madaming chicks dun....


Nararamdaman niyang mag yumuyugyug sa kaniya.
"Kara,wake up. I'm hungry" naiinis siyang iwinaksi ang kamay nito at kumuha ng unan para ipangtakip sa mukha at nagpatuloy sa pagtulog. Naiinis siya kapag may nang iistorbo ng tulog niya...

"What the fvck is wrong with you Calixxe" naiinis na sabi niya sa kaibigan nyang istorbo sa pagtulog niya. Pero hindi naman nito alintana ang matatalim na mata na pinupukol niya dito bagkus ay tumawa pa ito sa pamumula niya sa sobrang inis.

"Umagang umaga Kara nakasimangot ka . Kaya di ka nag ka ka boyfriend e " asar nito sa kaniya. Inirapan lang niya ito at pumunta na sa banyo niya para maghilamos at magsipilyo. Istorbo talaga itong kaibigan nya sa buhay niya pero parang kulang naman ang araw niya kapag wala ito na nang aasar sa kaniya.

Pagpasok niya sa kusina ay andun na ang kaibigan at nakakalumbaba sa lamesa na nandun. Mukhang gutom na ng ito at nakatingin sa ref niya na nakasarado. Bumuntong hininga naman siya at lumapit na sa ref para tumingin kung ano ang iluluto. Kumuha nalang siya ng hotdog ,tocino at nag fried rice lang siya dahil madaling lutuin. Mukhang di na kasi makapag hintay itong kasama niya na kumain..

Lumiwanag naman ang mata nito ng inilipag niya sa harap nito ang pagkain. Lihim siyang napangiti. Mababaw lang talaga ang kaligayan ng kaibigan niya....

Sabay silang kumain at nagkwentuhan din sa mga ganap sa buhay buhay nila.  Nang maalala niya ang sinabi sa kaniya ng mommy nila kagabi..

"Do you know tita Eliza?" tanong niya habang naghuhugas ng pinggan at ito naman ay pinapanood siya.

"Yes. Why?"

"They are staying here for good na daw according to mom"

"Yeah? Thats good. Para di na tayo dadayo sa ibang bansa kapag dun gusto mag christmas ng mga mommy natin" oo nga. last last year kila tita Eliza sila nag christmas. Since she was young kasama na talaga nila ang isat isa sa lahat ng holiday. Magkatabi lang din ang mansyon nila sa village kung saan siya lumaki. Nakabukod na kasi sila pareho ni Calixxe at bumuli na ng sarisariling condo since nag graduate sila ng college... Nauna lang ito ng dalawang taon....


"Wala ka bang gagawin ngayong araw ?" tanong nito sa kaniya. Nakatayo na ito at mukhang palabas na ng kusina..

"Wala naman ,bakit?"

"I'll pick you up at 10. Wear something comfortable" at sumibad na ito paalis sa kusina. Narinig nalang niya ang pagbukas at sara ng pintuan niya tanda na nakaalis na ang binata. .

'Ano na naman kaya ang balak ng lalaking to at idadamay pako'

A/N:

So ayun na guys. Hope you like it. This is the 3rd Series. Hope you support it also.

Don't forget to vote ,comment and follow me! 💜 Thanks a lot. Luv ya! Sa gusto po magpa shout out next update comment niyo lang po 💜

#TheCEO'sSeries
#Calixxe&Kara
#Bestfriend

The CEO's Best FriendWhere stories live. Discover now