Love Text

82 10 0
                                    

*ring,ring,ring*

"ah! may nagtext! Sino kaya ito???"

From: Mae-Ann

     Hoy Mia!, Sure ka bang 'di ka sasama ssa gala ng barkada?  We just wanted to make you happy lang naman eh!, 

   Text me na lang kung nagbago isip mo! Bye!!!! ^_^


" *sigh* I can't be happy kung wala naman ung nagpapasaya sa akin..."

Di na ako nagkaroon ng lakas para reply-an si Mea-Ann medyo nalungkot kasi ako ngayo't bigla kong  na-alala si Sam....

Nagtataka siguro kayo kung sino ung Sam na un ano?..... Siya lang naman ang pinakamamahal ko, pero di ko nasabi sa kanya ang mga nararamdaman ko, kahit hanggang sa huling sandali ng pagkikita namin....

     Hindi naman sa pagiging isang torpe kaya hindi ko nasabi sa kanya ang nararamdaman ko.Madami na rin akong tinry na strategy para lang masabi sa kanya ang nararamdaman ko......

Isang beses......

Naglagay ako ng isang note sa juice box na ang nakasulat ay "I Love You" sa place kung saan una nya akong naka-usap,.... pero dahil malamig pa ung juice, nabasa lang ung note kaya di rin n'ya nabasa...

Isang beses rin.....

Sumabay ako sa kanya sa pagsakay ng LRT at sinigaw ung nararamdaman ko pero sumakto yun sa pag-sara ng pinto ng tren kaya bale di rin nya narinig......

Isang beses pa.....

Pumunta ako sa bahay nila para maibigay yung loveletter ko pero nilipad lang yun kaya di rin nya natanggap.......

3 taon na ang nakakaraan nang una ko syang nakita sa school. Magkaiba kami ng klase kaya di n'ya ako kakilala....

Isa sya sa mga hearthrob ng school namin kaya sobrang daming nagkakagusto sa kanya. Pero di ko naman sila masisisi eh, kasi naman sobrang cute nya tapos pogi pa! Sino nga bang di magkakagusto sa kanya di ba?

Wala naman akong balak na lumapit o maging close sa kanya, kuntento na ako sa pagtingin-tingin sa kanya mula sa malayo.......

KASO.......

Nahulog ung notebook ko nung papasok na ako ng klase. Nagmamadali kasi ako dahil halos mag-iisang oras na nung nag-bell... LATE NA AKO!!! 

Dahil sa kakamadali ko, di ko napansin na nahulog na pala ung hawak kong notebook!! Eh dun pa naman nakasulat lahat ng lectures namin nung nakaraan! Tapos malapit na ring mag-Finals!!!!

Kaya I did my best para hanapin un after ng class namin... Halos magdidilim na nung sumuko na ako sa paghahanap, 10 na rin kasi ng gabi tapos kanina pa akong 3 nagsimulang mag-hanap! Nang napagod ako, umupo muna ako sa isang bench na nasa harap mismo ng school namin para makapag-pahinga....

Mga ilang minuto ang nakakaraan, may naramdaman akong may tumabi sa akin. Nakayuko kasi ako kaya di ko kaagad nakita kung sino ung tumabi sa akin....

"Miss, sayo ata itong notebook? Napulot ko kasi kaninang umaga bago pumasok ng school. Ibibigay ko sana sayo kaya lang nakatakbo ka na... "

napatingin naman agad ako sa hawak nya...

"Akin nga ito!!! Ah grabe kanina ko pa ito hinahanap!!! Thank you po!!"

Sa sobrang saya ko napayakap ako sa lalaking nasa harap ko....

.

.

Love Text [COMPLETE]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα