Hindi ako manhid para hindi mapansin ang pakay niya. Nakakapagtaka lang dahil kanina lang kami nagkausap pero ito siya ngayon niyayaya ako sa isang pribadong lugar para doon pagusapan ang alok niya. Ano bang pinagkaiba ng lugar na yun dito sa kinatatayuan namin?

Tsk! Mga galawang playboy.

"Sorry sir pero kailangan ko na po kasing umuwi. Maybe other day na lang kung pwede." kung pakikinggan ako ngayon parang ako pa ang umaayaw sa isang oportunidad. Mark, tandaan mong hindi ka nagpapakatanga dito, nagiging mapagmatyag ka lang. Okay?

"To tell you frankly, ang opportunity na ang lumalapit sayo but here you are, resisting my offer." biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Aba't gago 'to ah! 

"Sir, sorry kung ako po ang tatanungin niyo, base pa lang po sa mga galawan niyo ay hindi na po kayo katiwa-tiwala. It seems that you're hooking up with me. Kung ano man po ang inaalok niyo sa akin, humihingi na po ako ng dispensa na sa iba niyo na lang po ialok yan dahil hindi po ako interasado." inipon ko talaga ang buong kapal ng mukha ko nang sabihin ko sa kanya ang mga katagang yan. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi mapansin ang pakay niya.

May pahaplos-haplos pa siya sa braso ko na nalalaman. Tsaka yung malalagkit niyang tingin sa akin, sinong hindi magtataka doon. Palibhasa mayaman.

Mabuti na lang talaga at may dumaang bus at nakaalis na ako sa nakakainis na lalaking yun. Pagod akong napaupo sa bandang dulo nitong sasakyan. Parang ngayon lang nagsink-in sa akin ang matinding pagod dahil sa paghahanap ko ng trabaho. Bukas na bukas ay maghahanap ako ulit ng trabaho.

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si tita na nakaupo sa sofa. Seryoso ang kanyang mukha habang may binabasa sa isang maliit na papel.

"Anong binabasa mo tita?" saglit na napaangat ito ng tingin nang maramdaman ang presensya ko.

"Cooking contest eh. Nakita ko lang do'n sa mga flyers sa mall na pinuntahan namin ni Romeo kanina. Mukhang malaki ang premyo ng mananalo oh!" tinuro niya pa ang bandang baba ng papel habang nanlalaki ang parehong mga mata. Tipid akong napangiti sa naging reaksyon niya.

"Sasali ka?" nakiusyuso na din ako dahil mukhang interesado naman ito.

"Hindi na ako aasa na mananalo diyan. Paniguradong maraming sasali dito na mas magaling pa sa akin magluto." nagtaka ako nang saglit siyang natahimik. Nakataas ang kanyang kilay na napalingon sa akin. Kunot-noo kong tinugon ang tingin sa akin ni tita.

"Pero kung ikaw ang sasali, mukhang may pagasa pang manalo!" nagawa niya pa akong ituro habang malapad na nakangiti. Tila para sa kanya ay napakaganda ng ideya na kanyang naisip.

"Tita naman! Ikaw na mismo nagsabi na paniguradong maraming sasali diyan na magagaling magluto. Wala din akong pagasa manalo diyan. Mapapagod lang ako." tumayo ako upang magpalit ng damit. Kating-kati na kasi ako sa suot ko. Paniguradong amoy pawis na ako dahil sa sobrang pagkabilad ko sa araw kanina.

"Aba! Huwag ka ngang nega diyan, Mark. Wala namang masama kung susubukan diba? Tsaka, hanggang third place naman ang makakakuha ng premyo. Oh, kung hindi mo masungkit ang first place, may second at third place pa naman."

Pagod kong nilingon si tita dahil sa kabokahan niya na naman. Nahihibang na talaga 'tong tita ko. Siya na nga mismo ang tumanggi sa pagsali tapos ngayon pinagtutulakan niya akong sumali diyan.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon