"You can hire him as your chef, Ryuu." mabilis akong napalingon sa lalaking kausap ako kanina. Awkward itong nakangiti ngayon sa lalaking may-ari na ngayon ay nagtataka na namang nakatingin sa kanya.

"I can't hire random person because you just want to." nakaramdam ako ng bahagyang pagkalumo dahil sa sinabi niya. Tama naman siya kung tutuosin eh! Hindi naman ako nag-apply dito bilang isang chef kundi bilang isang waiter lang. Pero dahil sa malas ako ay hindi na naman ako natanggap.

"Oh c'mon bro, I think he knows how to cook." napataas na ako ng kilay nang pilit niya pa ding pinagsisiksikan sa lalaking 'to na tanggapin ako bilang chef nito. Nakapagtataka lang dahil ngayon ko lang siya nakilala pero kung makapilit siya sa may-ari nitong restaurant ay parang close na close na kaming dalawa.

Saglit na napabaling ang tingin ng lalaki sa akin. Hindi ko magawang mapatingin dito dahil sa labis na intesidad na namumuo sa kanyang mga mata. Waring kayang-kaya ka nitong akitin sa paraan pa lang ng pagtingin nito sa'yo.

"I'm looking for a personal chef, not a cook." huh? Ano bang pinagkaiba ng chef sa cook?

Muling tumingin ito sa akin. Mabilis akong napalunok nang matatalim na titig ang ibinato nito sa akin.

"I'm sorry Mr. Calvares but I didn't mean to offend you."

Wala nang nagawa ang lalaki at napabuntong-hininga na lamang nang tuluyan na akong nagpaalam sa kanila. Hapon na rin kasi at baka abutin na ako ng gabi sa daan. Mas makabubuting magpahinga na ako at ipagpatuloy na lamang ang paghahanap ng trabaho bukas.

Kasalukuyan na akong naghihintay ng masasakyan nang may tumapik sa balikat ko dahilan para ikalingon ko. Bahagya pa akong napatingala dahil sa tangkad nito. Laking gulat ko na lamang nang masulyapan ko muli ang lalaki kanina.

"Ano pong kailangan niyo?" kahit papaano ay humupa na ang pagkainis ko dito dahil sa ginawa niyang pamimilit doon sa lalaki kanina.

"I'm here to offer you a great opportunity." hindi nakawala sa aking paningin ang malawak niyang ngisi.  Nakapamulsa ito at mukhang hinihintay ang magigi kong sagot sa alok niya.

Great opportunity? Anong ibig sabihin ng lalaking 'to? Tsaka bakit ang isang tulad niya ang lumalapit sa isang tulad ko? Ang ibig kong sabihin, base pa lamang sa tindig niya ay malalaman mo nang hindi lang siya mayaman. Dahil sa halos magkalapit na naming pwesto ay amoy na amoy ko na rin ang nagsusumigaw niyang mamahaling pabango.

"Bakit mo 'to ginagawa?"

"Doing what?" bahagya niyang itinaas ang pareho niyang balikat na waring walang ideya sa tinutukoy ko. Nakapagtataka lang kasi. Hindi lang kasi normal ang dating para sa akin. Nahihiwagaan ako sa mga galawan niya. Parang galawang playboy.

Napapitlag ako sa aking pwesto nang walang-pasabi niyang hinaplos ang aking balikat. Para akong tinabihan nang isang multo sa matinding pangingilabot ng ginawa niya. Naagapan ko namang alisin ang kamay niya doon at hilaw na lamang siyang nginitian.

"Ano bang tinutukoy mong great opportunity?" iwinaksi ko na lamang ang nasa isip ko at direktang tinanong na lamang ang pakay niya.

"Ahmm..." saglit itong nagkamot sa kanyang pisngi na parang nag-iisip. "Honestly, I can't say it to you right here. Maybe we go find a private place first and discuss it there. " napakunot ako ng noo sa mabilisan niyang pagyaya sa akin.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now