Chapter 4 "pagaalala sa sinisinta"

185 1 0
                                    

Chapter  4

“pagaalala sa sinisinta”

Isang umaga sa skwelahan papasok ang binata, naisip ng binata ang dalaga at pinuntahan muna nito ang classroom na tinuturuan para tignan ang dalaga kung nandun pero pagsilip nya palabas naman ang kaibigan ng dalaga na tila nagulat sa knya, nagtanung ang binata sa kaibigan ng dalaga “nandyan ba si girl chubby bibo?” sagot ng kaibigan ng dalaga “wala sir hindi pumasok, hindi ko nga po alam kung bakit kasi hindi man lang nagtxt sakin kung bakit hindi siya pumasok dati naman kapag hindi cya papasok nagttxt sakin un sir pero ngaun hindi nagaalala nga poh ako e” nagisip ang binata, sumagot sa kaibigan ng dalaga “sabihan moko kapag ngtxt siya sau, paki sabi nagaalala ako sa knya” tugon ng kaibigan ng dalaga “sige poh sir makakaasa kau” sabay ngiti sa binata.

Ilang araw na ang lumipas at hindi padin pumapasok ang dalaga sa pinapasukan nitong skwelahan at hanggang ngaun nagaalala padin ang binata sa dalaga dahil hindi ito nagpapakita sa knya at palageng kinakausap ng binata ang kaibigan ng dalaga kung may balita siya sa dalaga pero wala siyang makuhang matinong sagot sa kaibigan ng dalaga.

At lumipas ulit ang ilang araw na hindi padin nagpapakita ang dalaga sa binata at sa skwelahan nito lubusang nagaalala na ang binata kung anu na kaya ang ngyare sa dalaga.

Tapos na ang trabaho ng binata sa skwelahan na pinapasukan at itoy uuwi na sumakay ito ng sasakyan nya at pagkaalis sa nasabing skwelahan naisip nitong dumaan mna sa roxas blvrd. Para magpahangin, naghanap ito ng kung san pwedeng magpark ng kanyang sasakyan pagkatapos makahanap bumaba ito at naglakad papunta sa tabi ng baywalk at dun naglakad lakad.

Habang naglalakad lakad ang binata cya ay may naaninagan na naglalakad pasalubong sa knya at itoy nakatingin sa malayo habang naglalakad at itoy papalapit ng papalapit sa knya, huminto ang binata sa kanyang paglalakad at bigla nitong tinawag ang taong papalapit sa knya “girl chubby bibo” at itoy napatingin sa knya at napahinto sa pagkakalakad at nagkatitigan ang dalawa, at onti onting naglakad ang binata sa dalaga habang onti onting lumalapit ito ang dalaga naman ay tila hindi makagalaw sa kinatatayuan nya at ang nararamdaman ay halo halo may kaba, panginginig ng tuhod at tila pinagpapawisan, nang onti onti nang nagiging closed ang isat isa hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga at tinanung ito “kamusta kana? Alam mo bang pinagalala moko..” hindi sumasagot ang dalaga sa tanung ng binata, nagsalita ulit ang binata “ok lang kung hindi ka sumagot basta ang mahalaga nakita na kita ngaun na ok ka.” Sabay ngiti sa dalaga.

Nawala na ang pagaalala ng binata sa dalaga nung nakita na nya ito, masayang masaya ang binata nang gabing yun.

Forevermore(Tagalog Story)Where stories live. Discover now