chapter 35 (Five-Years old)

1.6K 49 1
                                    

JAY'S POV (REMINDER:MEDJ MAHABA HABA NA CHAPTER PO ITO.  TY.)

Namulat ko naman ang mata ko, at ang silaw naman ng ilaw na to, Wait? Wala ako sa bahay ah? Nasan ako? Inikot ko ang paningin ko sa kwarto.

"Gising kana pala"-maine,Sabi nito sa akin habang tinitignan ko ang paligid at tinignan kona din sya.

"Bat tayo nasa ospital maine? Fck! Bat may oxygen? Ano tong dextrose?!"-jay,I ask habang Tatanggalin kona yung dextrose at oxygen na nakapalupot sa akin.

"Don't you dare na tanggalin yan"-maine,Sabi nito sa akin habang masama ang tingin sa akin at hinawakan na ang kamay ko.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito? You know i hate hospital diba?"-jay,Sabi ko kay maine at naiirita.

"I know, ano bang magagawa ko eh nahimatay ka? Alangan naman pabayaan lang kita na nahimatay dun sa condo mo diba? Baka di kapa magising"-maine,Halata din na naiinis na sya, halata din na wala syang naitulog kasi yung mata nya naluluha na sa antok

"Hey, I'm sorry, after ko magcr i remember na lang everything went black, And paggising ito andito na ako sa hospital and feeling ko mas lalo lang nila akong hindi pinapagaling"-jay,napatitig naman sa akin si maine.

"Don't say that, Alam kong may badmemories ka sa hospital pero ano ba gusto mong gawin ko? You have dengue, Saang sulok kaba kasi lusot ng lusot at nagkaroon ka nyan ah?"-maine

"Wait,  i have?"-jay,Sabi nito sa akin na di makapaniwala.

"Oo nga, And take note ah? Pangalawang dengue mona pala to, So we must be very careful this time than the last time"-maine,Napatitig naman sa akin si jay.

"I'm sorry love"-jay,Niyakap nya ako, at ayon napaiyak na ako sa dibdib nya.

"Andaya mo, Tinakot mo ako"-maine

"I'm sorry meng,Wag kana umiyak, Nasasaktan ako eh"-jay,I said habang pinapatahan syang umiyak.

Nagpakwento naman ako kung paano nya ako nadala sa ospital, Sabi nya nagpatawag daw sya ng ambulance. Tas ayun na.

"Thank you, Siguro kung wala ka dun patay na ata ako"-jay,Nakatanggap naman ako ng hampas kay maine sa braso.

"Hey! Don't say that, Ayoko mabyuda agad ah"-maine

"Joke lang naman eh,ahm pero seryoso, Thank you love,Di ko alam gagawin kung wala ka sa tabi ko"-jay,Sabi nito sa akin at niyakap ako.

"Anything for you, I love you"-maine,I kiss his cheeks.

"I love you too"-jay,And he hug me tight.

Sa ganung moment naman kami nakita ng Pamilya ni jay, Pumasok na sila sa loob at humiwalay na kami ni jay sa pagkakayakap.

They greet me and jay, At naupo na sila, At nagkwentuhan.

"Ahm, Bili lang ako ng lunch natin"-maine,I said habang nakatayo.

"I'll go with you"-Ate april,I nod at her.

Tumingin muna ako kay jay bago ako lumabas ng kwarto nya.

"Ingat"-jay,I nod at him.

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○
JAYS'S POV

The moment na lumabas si maine at ate april ng kwarto ko. Napatingin sa akin ang pamilya ko, Si Dad, Dean, Riza, And tita ging at ericka (anak ni tita ging) na lang ang natira dito sa kwarto.

FA x PILOT (COMPLETED)Where stories live. Discover now