CHAPTER 11- GIVING IT UP

En başından başla
                                    

Oh my so maniac, Marciella?! May sakit ka na at lahat ay ganyan ka la mag-isip

May nakukulong na ba dahil sa kalandian? Parang wala pa naman, 'di ba?

Tila ba may sariling isip ang katawan ko at basta na lang kumilos at hinalikan talaga siya. Mabilis na nahapit niya ang bewang ko at nakabig mas palapit sa kanya.

Pinalalim niya pa ang halikan namin pero siya rin naman ang pumutol niyon. Pinigilan kong mapabusangot.

Confirm! Ang landi mo na talaga, Marciella Perrer!

"Are you sick?" may halong pag-aalala niyang tanong.

"Nope," tanggi ko.

Dinutdot niya naman ang noo ko gamit ang daliri niya. "At sinong niloloko mo, Marciella? Ang init mo."

Alam naman pala magtatanong pa?
Well, may mga bagay talaga Marciella na kahit obvious na obvious naman na ay kailangan pa rin ng kumpirmasyon. Madalas kasi inaakala nating baka umaasa lang tayo o baka sadyang umaasa lang nga talaga.

"I'm fine. Mawawala rin ito mamaya, gamot lang ang kailangan ko."

Pinanliitan niya ako ng mata. Ito na naman po siya, ang feeling magulang kapag may sakit ako. Dinaig pa ang sina Mom at Dad kung mag-alala. Naalala ko tuloy noong high school palang kami. Noong panahong hindi pa sila ni Percy. Panahong malaya pa kami pare-pareho.

"Papasok ka sa school?" nakakunot-noo niyang tanong.

"Yeah, why?" inosente kong usisa rin. Bakit parang concern na concern naman ang tono ng isang ito?

"Pero sabi ni Tita Christy ay may sakit ka. Mataas daw ang lagnat mo kagabi."

"Wala akong sakit..."

"Namumula ang pisngi mo, ang init mo pa oh, yan ba ang walang sakit? Huwag kang pumasok."

"Hindi puwede, ayaw kong um-absent, Ash."

"Kapag sinabi kong 'wag kang pumasok ay 'wag ka talagang pumasok. Hindi na rin ako papasok."

"What? Why?" nagtataka ko pang tanong.

"Babantayan na lang kita since wala naman sina Gab, Cylla at pati parents mo, walang mag-aalaga sa 'yo rito. Nagsipasukan sila, 'di naman puwedeng alagaan ka ng ibang agents dahil hindi kayo close saka baka mapaaga pa ang pagkakulong mo dahil baka isa sa kanila ay mapatay mo," mahabang lintanya niya.

Iyon na yata ang pinakamahaba niyang nasabi sa linggong ito.

Ipinagtulakan niya pa ako papasok sa flat ko.

"Sleep with me," ani ko. Bahagya pa siyang nagulat pero mukhang nakabawi naman. "Please? Para makatulog agad ako. Umalis na ang mommy, wala na akong katabi, hindi ako nakakatulog ng mag-isa lang ganitong may sakit ako. Napa-paranoid ako."

Napabuntonghininga na lang siya pagkuwa'y tumango. Niyakap ko na lang siya bigla at hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa.

"Thank you, Ash," ssal ko. Naramdaman ko namang niyakap niya rin ako.

"Always welcome, Ell. I'm just here for you, always remember that."

Ang clingy ko kapag may sakit ako, buwisit. Hindi ko naman sinasadya eh. Basta na lang iyon lumalabas sa pagkatao ko, zsss!

"Ibibigay ko kay Gab ang mission mo."

"No, 'wag mong gagawin 'yan. Kaya ko, Ash, okay? Ilang misyon na ang nakaya kong gawin kahit pa nagbabaga ang katawan ko sa lagnat. Who cares?"

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin