CHAPTER 28: The runaway Lena

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakakainis. Nasaan na ba siya? Bakit ba ako kinakabahan?

Naglakad-lakad ako para hanapin siya. Umaasa na sana ay nandyan lang siya sa tabi. Alam kong hindi naman niya ako iiwanan.

Bakit ba ang paranoid ko?

Baka bumalik na siya sa klase nila. Tama. Bumalik na siguro siya.

"Aish! Bakit ba ako kinakabahan?"

Naglalakad na ako pabalik sa building namin nang mapansin ko ang isang magarang sasakyan. Napatigil ako nang mapansin kong si Lena ang nasa loob nito.

Sh*t!

Walang sabi-sabi kong sinundan ito pero hindi ko na ito naabutan. Ni hindi man lang niya ako nakita at narinig!

Pero sigurado ako. Si Lena ang nakita ko. Si Lena ang babaeng nakasakay doon. Pero bakit?

"LENA!" Sigaw ko pero nagmumukha lang akong tanga ngayon. Nakaalis na yung sasakyan. F*ck! Ano bang nangyayari?

Hindi lang siya ang nakasakay kanina. Si Raymond. Yung fiancé niya. Tama. Siya nga iyon. Sh*t! Bakit siya sumama sakanya?

Aish!

"Bakit ba hindi ko napansin na kakaiba siya nitong nakaraan? Takte!"

Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage na. Hindi rin sumasagot si Lady sa mga tawag ko ngayon. Leche talaga.

Nagmadali akong umuwi sa apartment. Umaasa akong hindi si Lena ang nakita ko kanina kung hindi si Lady. Pero Sh*t lang! Wala talaga siya!

Maayos ang bahay pero pagtingin ko sa cabinet ay wala na ang mga damit niya. Lumabas ako sa kwarto at napansin ko ang isang kapirasong papel.

I'm sorry Aldrin. Mahal kita kaya ako umalis.

Alam kong humiling ako na huwag mo akong iwanan.

Pero hindi ko kayang masaktan ka nang dahil lang saakin.

I'm sorry.

Napamura nalang ako nang mabasa ko ang sulat na iniwan niya.

Nyeta talaga! Ano bang iniisip niya?

Hindi ko alam kung anong sumagi sa isipan ko pero hindi ko siya sinundan. Hindi ko maintindihan ang sitwasyon. Ayokong magpadalos-dalos. Alam kong hindi babalik si Lena kaya naman napagdesisyunan ko munang umuwi saamin. Disappointed ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit kay Lena o sa sarili ko.

Ngayon nasa harapan na ako ng bahay namin. Hindi kaya sampal ang aabutin ko nito sa nanay ko? Pero taliwas sa inaasahan ko ay niyakap ako ni mama.

"Thank God Aldrin, you're safe."

"Ayos lang naman ako ma."

"Sigurado ka? Hindi ka ba nasaktan?"

"Ma, okay ako. Bakit naman ako masasaktan?"

"Paano kung awayin ka nung fiance ni Lena? Anak naman don't involve yourself anymore, please."

Huminga nalang ako ng malalim at niyakap ang nanay ko. Sa totoo lang tama naman siya. Kahit lalaki ako ay nasasaktan naman ako sa desisyong ginawa ni Lena ngayon.

***

Tinawagan ako ni Lady kanina. Nakikiusap siya na huwag akong magalit kay Lena. Hindi naman ako galit. Nakakainis lang na parang walang tiwala saakin si Lena. Siya ang nagsabing huwag ko siyang iwanan pero heto nanaman siya at iniwan ako.

"Aish! Bakit ba kasi kailangan naming maranasan ito?" Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at lumabas na muna ng bahay.

Para ngang may sariling buhay ang mga paa ko dahil dinadala ako sa kung saan. Hindi naman sa hindi ko alam kung saan ako papunta. Sadyang ang lugar na iyon lang yata talaga ang gusto kong puntahan.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon