"Sinabe ko bang gawin mo lahat yun." Napaangat naman ako ng tingin sakanya. "Sinabe ko bang gawin mo lahat yun, sinabe ko bang Habulhabulin mo ako all this years? Hindi diba?! Wala akong sinabe, and diba sinabe ko na sayo paulit ulit na Tigilan mo na,  Kaso Hindi  ka nakikinig sakin at Hindi ka tumigil Eh. Nag tuloy tuloy ka diyan sa Kabaliwan mo. Nagtuloy tuloy ka sa paghahabol sakin kahit wala naman akong feelings sayo!! bakit mo ba pinipilit ang sarili mo sakin Elaine? Bakit ba Hindi ka nalang tumigil nung nireject kita? Bakit?!..... Sumagot ka Bakit!?" Pasigaw na Tanong nito. Bakit nga ba?

"Alam mo Kung bakit?..... alam mo Kung bakit Hindi ako sumuko all this years. Alam mo Kung bakit kahit Ano pang gawin mo na pang reject sakin ay Hindi ako sumuko, at nagpatuloy tuloy Lang sa paghahabol Sayo. Alam mo bakit kahit Masakit na mga sinasabe at pinaparamdam mo sakin ay Hindi ako sumuko kahit minsan sukong suko narin ako. Alam mo Kung bakit?!"

"Bakit?"

"Kasi nga akala ko makikita mo Kung gaano kita kamahal, at makita mga effort na ginawa ko para sayo. akala ko kasi makikita mo Kung gaano ka kahalaga sakin akala ko makikita mo Kung Gaano kita kamahal na parang masmahal na kita kesa sa sarili ko. Kasi kahit gaano kasakit mga nararamdaman ko na naidulot mo ay Hindi ako sumuko, ganoon kita kamahal na kahit nasasaktan na ako at sukong suko na ang isip Ko, ay ikaw parin ang Mahal ng Puso ko. Akala ko kasi pag nakita mo lahat yun, yung mga sakripisyo na ginawa ko dahil sa pagmamahal ko sayo, ay ibabalik mo rin sakin yung pagmamahal na pinaparamdam ko sayo......" huminga ako ng malalim. Ramdam ko na nalalabas ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Pero Akala ko Lang pala. Mukha kasing kahit konti Lang sa mga ginawa ko ay hindi mo man Lang napansin. Kahit konti Lang hindi ako nakaramdam na Masaya ka or kahit maappreciation man Lang mga ginawa ko para sayo. Kaso wala Eh kahit thank you lang pag inalagaan kita nung May sakit ka kaso wala akong natatangap." Umiiyak na sabi ko Habang pinupunasan ang tumutulong luha sa mata ko.

"Na appreciate ko naman pero diba sinabe ko naman sayo na wag mo ng gawin yun, kasi kaya ko naman sarili ko. Hindi ako Bata Elaine na kailangan pang alagaan pero Thank you parin."Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mata ko tinitigan ko rin siya at nakikita ko Lang sakanya yung sweet at mabait at sweet kong bestfriend nung bata kami. Kaya siguro na fall ako sakanya eh. Tss.... bat ba kasi kailangan pang mangyari lahat ng to. We should have stayed as best friends nalang, at dapat dati palang tinigil ko na ang pagkagusto ko sakanya. Edi sana mag bestfriend parin sana kami at Hindi nalang sana ako nasaktan ng sobra sobra.

"Mabuti naman at nalaman ko rin na naappreciate mo." Pilit ngiting sabi ko kahit tumutulo luha ko. Tumalikod naman siya sakin at humarap sa pinto.

"Elaine." Seryosong sabi niya sa pangalan ko.

"Bakit?"

"Pwede ba Tigilan mo na ako. Hindi ko kailangan mga ginagawa mo, nagsasayang ka Lang ng oras sa mga paghahabol na ginagawa mo. Hindi ko kailangan ng Tulong mo Pag May sakit ako. Hindi ko kailangan ng Palagi kasabay papunta at pauwi ng school. Hindi ko kailangan ng pagpapa-pansin mo araw araw. Hindi ko kailangan yang effort na ginagawa mo. Sa madaling salita Hindi kita kailangan." Seryosong sabi nito nakaramdam naman ako ng sobrang sakit Hindi yung sakit na physical pero yung sakit na emotional. Ramdam ko ang pagkabilis ng Tibok ng Puso ko na parang sobra itong nasaktan. at pagkatapos niya magsalita ay nagumpisa na siyang humakbang papunta sa pinto.

"AXEL!!" Malakas na sigaw ko. Napatingin naman siya sakin na walang emotion ang mukha. "Sigurado ka ba diyan sa mga sinasabe mo? Sigurado ka ba na Hindi mo na ako kailangan? Sigurado ka ba walang Halaga sayo mga ginawa ko?" Hindi naman siya sumagot at nakatingin Lang sakin ng walang ka emotion sa mukha.

"Kung ganoon Edi tama nga sabi nila nagpapakatanga Lang pala ako sayo. Pinaasa ko Lang pala sarili ko na Baka maging tayo. So hinayaan ko Lang sarili ko na masaktan ng paulit ulit dahil sayo. Kahit masakit super sakit na ng pinaparamdam mo Sakin ay tinitiis ko. Kahit sukong suko na ako ay Hindi ako sumusuko. Ang tanga ko pala Grabe. Sa Totoo Lang Hindi mo naman kasalanan Eh kasalanan ko. Kasi Sobrang Tanga ko. Sobrang Umaasa ako na nagugustuhan mo mga ginagawa ko. Grabe pala Ako mag mahal no, abot langit hahahhaha" Pilit tawa ko kahit Bumubuhos na ng malakas ang luha ko. "So tanong ko sayo Axel sure ka na sa mga sinabi mo?" Pilit ngiting tanong ko sakanya.

"Oo." Maikli at walang emotion na sagot niya.

"Sige Kung ganoon kalimutan mo nalang lahat. Kalimutan lahat ng ginawa ko the past Years, kalimutan mo mga ginawa kong pagpapapansin, mga pag aalaga mga pag sasabay ko sayo sa school, mga pag supporta ko sa mga Basketball games mo, Kalimutan mo lahat yun. Sa madaling salita kalimutan mo nalang ako. Simula ngayon magkakilala nalang tayo, magkakapitbahay at magkaschoolmate nalang. Tandaan mo lahat yan ah. Kasi ngayon Bumigay na ako, sumuko narin ako. Kasi tama ka naman eh wala ng mangyayare sa pagitan nating dalawa. Hangang ganito nalang siguro magkakilala nalang. Pero once na pumayag ka sa sinasabe ko wala ng balikan ah, aka touch move na ha. So Axel tanong ko sayo Sure ka na ba sa lahat ng to?" Lumuluhang tanong ko sakanya. Nakatitig Lang kami sa isat isa.

"Oo. Hindi ka naman malaking Kawalan sakin Eh." Cold na sabi nito at tumalikod na at binuksan ang pinto. Nung narining ko yung Oo niya Sobrang Nanlumo ako. Parang Hindi ko na kaya parang Piling ko Hindi na ako maka hinga ng maayos.

"Sige if that's your Choice, Simula ngayon. 'I'M DONE CHASING YOU'"

TO BE CONTINUED...
(THANK YOU FOR READING MY STORY, I HOPE YOU CONTINUE TO SUPPORT IT.)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now