Simula

10 0 0
                                        

YUNA's POV

"Baliw ba talaga siya?"

"Ano ba naman yang suot niya. Akala mo naman bata."

"Hay nako. Ano pa bang ieexpect niyo sa campus weirdo."

"Kaya nga. Di pa kayo nasanay."

Hindi ko na lang pinansin yung mga bulong-bulongan ng mga estudyante na nadadaaanan ko. Sanay na kasi akong matawag ng mga kung anu-ano. Weirdo, freak, oddball... misfit. Halos lahat na yata natawag sa akin.

Hindi ko din naman sila masisisi. Sino ba naman kasing normal na tao ang lalabas para bumili ng napkin na nakasuot ng panda onesie. Wala diba? Si Yuna Sy lang.

"Hey freak! Magtago ka na lang sa lungga mo. Wag mo ng ikalat yang ka-weirdohan mo sa buong campus. Baka mahawaan mo pa kami!"

"Hahahahaha!"

Hindi ko na lang sila pinansin at binilisan ko na lang yung paglakad ko. Hindi naman sa push-over ako pero minsan ko na ring sinubukang ipaglaban sarili ko sa mga bullies pero mas lumala lang yung pag-veverbal abuse nila sa akin kaya mas pinili ko na lang na umiwas pero there are still times na pinapatulan ko rin naman sila.

Besides, mas importanteng maibigay ko na yung pinapabiling napkin ni Lisa bago pa siya mainip. Napangiwi ako ng ma-picture ko sa isipan ko yung galit na itsura ni Lisa. 

Phew. Not a good sight to see. 

At para matapos ko na rin yung latest project ko. A portable time machine.

I know. Time machine? How imaginative and ambitious of me. Pero I think I can pull this project off. Na-discover ko na if you use water with a few other elements that I don't remember because of its unusual and ancient-like name. It could be possible. Since water holds a lot of memories. Haha, credits to Frozen II.

Yieee excited na talaga akong matapos yung time machine ko. Sa sobrang excited ko eh nasa bulsa ko lang palagi. Sa katunayan nga nasa front pocket ko nga siya ngayon eh. Only a few more tinkering and its finished! Kung may time sa klase eh yun kasi ang pinagkakaabalahan ko. 

Nagtataka na siguro kayo kung anong kurso ko. Marami eh. Basta courses on technology and engineering and a few other math courses.

"Hey freak, hindi mo ba ako naririnig?!" mas binilisan ko na nanaman lakad ko ng marinig ko nanamang sumigaw si Reena, yung nagrereyna-reynahan sa university.

"Hey! Hindi ka ba talaga sasagot?!"

"Aaah!" napadaing ako ng sinabunutan niya ako.

"That's what you get for always being a know-it-all in class and stealing my thunder!" napairap naman ako sa sinabi niyang yun.

"At may gana ka pa talagang irapan ako!" marahas kong tinanggal yung kamay niyang hawak parin ang buhok ko, but still making sure na hindi ako masasaktan.

"I stole no one's thunder bitch." I guess this is one of the times that I'm in the mood for drama like this. Especially when its with this wannabe queen.

"Why you little.."

Nagulat na lang ako ng bigla niya kong tinulak which caused me to fall with my head hitting the ground. Then I started to see dark spots and feel sparks from my stomach where the pocket where my portable time machine is located.

"My time machine.." that was all I could say before complete darkness clouded my vision.

****

Ughh. Unti-unti ko minulat yung mga mata ko ng masinagan ako ng araw galing sa bintana ng kuwarto ko...

 Eh? Wait a minute. My room is in the west side of the dormitory I'm staying in, so there can't possibly be a morning sunlight there. And I always keep my curtains closed.

So na kaninong kuwarto ako?!

Bigla akong napabangon ng wala sa oras at napadaing dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Unti-unting bumalik yung mga pangyayari sa akin. Yung pagbili ko ng napkin ni Lisa. Yung away namin ni Reena the bitch. At yung pagtulak niya sa akin.

Busy pa akong nag-iisip kung papano ako nakapunta dito sa old-fashioned kuwarto na ito ng biglang may babaeng naka baro't saya at may hawak na medicinal herbs I think? Ang pumasok. Ng makita niya akong gising ay nilapag niya yung mga hawak niya sa maalpit na lamesa at lumabas ulit ng kuwarto.

"Babaylan Sinang gising na po yung babae!" narinig kong sigaw niya mula sa labas.

Babaylan? Diba yun yung mga parang filipino shamans before? I know na merong mga mangkukulam pero I didn't think there were still babaylans. I thought they were all killed because they were accused to be satan worshipers by the spaniards or something.

Maya't maya pumasok ulit yung babae kasama ang isa nanamang mas matandang babae na may suot namang parang ethnic dress na aabot sa ankle ng paa niya, and sleeves na aabot sa wrist niya. She was also wearing a few necklaces with some weird charm pendants. She looked like she was in her mid 30s or early 40s. 

I guess this is the one she called Babaylan Sinang?

"Kumusta ang iyong nararamdaman? May mga parte ba ng iyong katawan na sumasakit?" tanong ng I assume is si Babaylan Sinang.

"err... wala naman po." sabi ko at umupo ng maayos. Why does she speak so makaluma?

"Talaga ngang mahabagin ang diyos Mapulon." sabi ng matanda at bumulong ng hindi ko maintindihan dahil sa hina ng pagkasabi niya.

"Tinay palitan mo na ulit ang nakabalot na tela sa ulo niya. At pagkatapos ay samahan mo akong mag-alay upang  pasalamatan ang diyos Mapulon." sabi ni Babaylan Sinang at umalis.

Pagka-alis ng Babaylan ay agad na lumapit sa akin ang babaeng alam ko ng ang pangalan ay Tinay at sinimulan ng gamutin ako.

"Maayos na po ba talaga ang inyong pakiramdam binibini?" tumango ako.

"Mabuti naman po kung ganoon. Dahil maya't maya'y dadalawin daw po kayo ulit ng anak ng Datu na nagdala sa inyo dito." Napalingon naman ako sa kanya ng marinig yung sabi niyang datu.

"Paano ako napunta dito?" tanong ko ulit. Baka mali lang pagkarinig ko. There can't be anymore Datu's in this century right?

"Nakita ka po ng anak ng datu habang siya'y nangangaso. Nakahandusay ka daw sa masukal na parte ng gubat na walang malay at duguan ang ulo, kaya pinunta ka niya dito." kinikilig na sabi ni Tinay.  

Nanlaki yung mga mata ko ng narealize ko bigla. Yung sparks na naramdaman ko ng bumagsak ako sa sahig. Yung time machine! Na-trigger siguro ng pagbagsak ang paggana nito at napunta ako sa time na ito. Ang pre-colonial time. Bago pa masakop ng mga espanyol ang bansa.

Dapat ko bang pasalamatan si Reena dahil kung hindi sa pagtulak niya sa akin ay mas tatagal ang paggawa ko or sabunutan ko siya dahil kung hindi dahil sa kanya nasa present time parin sana ako at nabigay ko na ang napkin ni Lisa?

"errr Tinay? Asaan nga ba ako? Saang lugar? At anong petsa ngayon? Ilang oras akong nakatulog?" natapos na ni Tinay ang pag-apply ng herbal medicine sa akin at tumayo muna siya bago sumagot.

"Nasa mactan po tayo ngayon binibini. Ika-labing siyam ng Marso, taong 1519. at hindi lang po oras binibini kundi tatlong araw na po kayong walang malay."

Pinipilit kong ipasok sa isipan ko yung mga impormasyong nakukuha ko pero dalawa lang ang maliwanag sa akin. Mactan. 1519. Mactan. 1519. Macta--

"Binibini!" 









..........................................................................

hi!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red strings: Defying timeWhere stories live. Discover now