Year 2004
"Saan ka na naman pupuntang bata ka ha? Tanghaling tapat lalabas ka, kaya lalo kang nangingitim e," sigaw ng lola ni Athena habang papalabas ang apo ng bahay. Nasa kusina ito at naghuhugas ng mga pinagkainan nila.
"Maglalaro na naman ng basketball yan lola, tomboy ata yan si Ten e!" Ang singit ni Anna, isa sa mga pinsan ni Athena na kasama niyang nakatira kay lola.
Napatingin lang si Athena saglit sa Lola at sa saka sa pinsan niya na pinanlakihan niya ng mata. Mas matanda siya dito ng isang taon pero hindi man lang nito tinatrato na mas matanda sa kanya si Athena. Napaismid lalo si Athena at nagsimula na muling humakbang palabas habang pahabol na sumagot sa lola niya.
"Sa court lang po lola!" Sagot ni Athena, habang binilisan lalo nito ang paglakad palabas ng bahay baka mapigilan pa ito ni Lola, e naghihintay na ang mga kalaro niya.
"Huy tukyaw dito!" Sigaw ni Athena sa isa sa mga kaibigan niya at kakampi niya sa basketball. Nakita nito ang mabilis na pagpasa ng bola. Palapit naman si Ed kay Athena na kalaban nila, kaya mabilis umikot si Athena pagkasalo ng bola at shinoot niya ito agad sa ring.
Parang tumigil ang mundo ng mga naglalaro habang hinihintay kung papasok ba ang bola or lalampas. Nagkatingan si Athena at Tukyaw, bakas sa mukha nila ang labis na kaba. Napatingin din si Athena sa iba nilang kalaban na nag-aabang sa baba ng ring para saluhin ang bola.
Shoot.
"Yea Boi! Pasok! Halimaw ka talaga Ten!" Sigaw ng mga kakampi ni Athena. Ten ang palayaw niya. Halos lahat ng kakilala or nakakakilala talaga sa kanya ay Ten na ang tawag sa kanya.
Ang lola lang naman niya ang palaging tumatawag sa buo niyang pangalan, siguro para ipa-alala sa kanya na babae pa din siya. Pano ba naman kasi, lahat ng barkada niya puro lalaki.
Actually, may kaibigang naman siyang babae. Si Eisha na mamasabi niyang bestfriend niyang babae, kasi nagkakasundo sila sa lahat ng mga kalokohan nila sa school.
Kagaya niya ay sporty din ito kaso malayo ang bahay nito sa kanila kaya tuwing pasukan lang sila nagkikita.
Ang laki ng ngiti ni Athena at may konting yabang siempre. Akala nila porke babae ito ay papatalo na ito sa kanila. Kanina naramdaman niyang ayaw na naman siya kalaro ni Ed e, nagtatalo ito at si tukyaw nung makita siyang paparating sa court. Tinext kasi ni Tukyaw si Athena na may laro kaya pagkatapos kumain e mabilis itong tumakbo sa court tapos hindi siya isasali.
Napabuntong hininga si Athena, Ano to? Lokohan? Naisip niya. Natatakot ata na maangasan aba! Napatingin ulit si Athena sa direksyon nina Ed. Ngiting aso ang binigay niya dito ng magkatinginan silang dalawa. Ito ka oh! na ibig sabihin fuck you ka! Ang lakas ng tawa ni Athena sa isip niya.
Bumangko saglet si Athena makalipas ang ilang laro. Nanunuod lang kila Tukyaw habang nakikipaglaro sa mga kalaban nila kanina. Siempre para sa merienda nila ang panalo sa laban nato.
Kapag natalo, buwisit! Sila pa magpapamerienda sa grupo nina Ed. Napapaigtad siya pag nakikita niyang nakakashoot ang mga kalaban. At nakakalamang na sa kanila. Napapakapit siya ng mahigpit sa Nokia 3210 na cellphone na hawak hawak niya habang nanunuod at katext ang mga kamembers niya sa group text namin. 'Mga Batang San Roque' ang pangalan ng group text nila.
Matatalo pa ata sila a, kaya napasigaw si Athena sa mga kakampi niya, "Galingan niyo Tukyaw!"
Unang Tibok.
Sa unang tibok. Titigil ang mundo mo.
Napatigil si Athena at napatingin sa may gate ng court ng may pumasok na binatilyo. Siguro nasa 16 yrs old, or baka kasing edad lang din niya, 15? Napakunot ang nuo ni Athena dahil bagong mukha lang ito sa lugar nila.
YOU ARE READING
One.Two.Three
RomanceOne. Two. Three. Tatlong Tibok ng Puso. Unti-unting bumabagsak ang mga luha sa mata ni Athena. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang pakinggan, ang tibok ng puso? O ang dikta ng kanyang isip. Isa. Dalawa. Tatlo. Si Andrew, ang kababat...
