Tumawa si Fujima at pagkatapos dumiretso sa banyo ang babaeng kasama niya umuwi na rin.

"Kung hindi ka namin kilala iisipin naming bakla ka." Ani Dan Carly.

"Mga g*g*! Sapakin ko kayo e, hindi ko lang gustong makipaglaro ng apoy sa babae."

"Ikaw lang ang badboy na kilala ko na  NBSB at never been kiss and touch. Mag bago ka ng prinsipyo Ryuuji. Mamatay ka ng hindi mo natikman ang langit." Ani Fujima.

"Gusto ko katulad ng kay Daddy. First girlfriend niya si Mommy at first kiss niya."

"Paano ka magkakaroon ng ganyan kung hindi ka manliligaw. Marunong ka bang manligaw?"

Tinitigan ko ng masama ang dalawa. "Hindi ako pumunta rito para pakialam ang buhay ko. Nandito ako para sabihin na bukas birthday ni Mommy at kahit ayokong invite kayo wala akong choice dahil gusto ni Mommy na pumunta kayo mga ugok."

Nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos ngumiti.

Salubong ang kilay ko. "Anong nakakatawa?"

"Wala naman naisip lang namin na baka may chiks doon." Ani Fujima.

"Meron mga matatanda." Sagot ko.

Tumayo ako upang umalis. "Hihintayin ko na lang kayo sa school masyadong mabaho rito."

Humalakhak ng malakas ang dalawa. Ako naman ay dumiretso ng school at doon ko na lang sila hinintay.

                        **********

Abala ang lahat ng tao sa loob ng mansiyon namin dahil sa paghahanda. Dumating na rin ang mag-aayos ng birthday ni Mommy si Mommy hindi makanda-uga-uga sa pag-aayos sa birthday. Samantalang ako nasa loob ng kwarto ko at naglalaro ng online game.

Sumapit ang gabi nagsimula ng dumating ang ibang bisita ni Mommy. Naging abala naman ako sa pag-aasikaso ng ibang bisita ni Mommy kung kaya't hindi ko namalayan na dumating ang mga kaibigan ko.

"Ryuuji!"
Nakangiti pa si Mommy ng lumapit sa'kin.

"Yes, Mom?"

"Nandito na ang kaibigan mo at ang girlfriend mo."

Kumunot-noo ko. "Girlfriend?"

Hinila ako ni Mommy. "Asikasuhin mo ang girlfriend mo."

Ang lapad ng ngiti ni Fujima at Dan samantalang hindi ko makilala ang babae na nakakulay pink na gown dahil nakayuko ito.

"Ryuuji, girlfriend mo." Ani Mommy.

"Aika."

Nakayuko si Aika habang papalapit sa'kin.

What are you doing here?" I whisper.

"I'm sorry, i need to do this."

"What?"

Lumapit siya sa'kin na halos isang dangkal ang pagitan ng mukha namin. Nagulat ako ng hilahin niya ang batok ako at pagkatapos hinalikan niya ako sa labi. Natulala ako at parang hindi ako makagalaw.  May kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan at parang naninigas ang katawan ko.

"1...2...3..."

Tatlong segundo yata ang tinagal ng paglapat ng labi niya sa labi ko. Pagkatapos kumalas siya sa'kin.

Nakita ko si Mommy at ang dalawa kong kaibigan na nakangiti sa'min.

"A-Ah— Excuse me lang po kailangan kong gumamit ng comfort room." Ani Aika.

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawang ikilos ang katawan ko.

"Ituturo ko sa'yo kung saan ang comfort room." Ani Fujima.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon