Prologue

5 3 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

Purple Fruit's Curse
By: TicklepinkViee

"Are you ready, princess?" Tanong ni Amelia, isa sa mga katulong namin sa kastilyo.

Abala siya sa pag-aayos ng buhok ko dahil mamaya na gaganapin ang 18th birthday ko.

Lahat ng tao ay imbitado sa kaarawan ko. Hindi ko alam kung inimbitahan ni papa ang katabing kastilyo.

I'm living in the City of Wizards. Lahat ng mamamayan dito ay may hawak na wand na nagsisilbi nilang proteksyon at pang-laban sa mga taga-labas.

There are three kingdoms in the City of Wizards, the Castadia Kingdom, Gregory Kingdom and lastly, the Dull Kingdom.

Castadia Kingdom is the kingdom of beauty at dito din ako kasalukuyang nakatira. Lahat ng mamamayan dito ay may itsura. Kaya kung wala kang taglay na kagandahan sa pisikal na anyo ay ipapatalsik ka nila paalis. Ayaw ko ang pamamahala ng papa ko dito, masyado siyang marahas sa hindi niya kalahi.

Dapat iniintindi ng Hari ang kapakanan ng mga mamamayan hindi porket wala ng itsura ay taga-labas na. Iyan ang unang patakaran na ayaw na ayaw ko dito.

Gregory Kingdom is the partner of Castadia. Kinuwento sa akin ni papa na may Unico Hijo din ang hari nito na kasing-taong gulang ko lang.

The Dull Kingdom is the home of black wizard, Greta. Hindi ko alam ang tungkol sa kastilyong iyon pero alam kong delikado doon and I don't want to know more about that Dull Kingdom.

Pagkatapos akong ayusan ay pumunta naman ang dalawang katulong na mag-aayos ng make-up ko.

"Naimbitahan ba ni papa ang katabing kastilyo?" Tanong ko sa dalawang katulong.

Walang sinabi sa'kin si papa simula nang ianunsyo niya ang tungkol sa kaarawan ko noong isang linggo. Ang last lang na sinabi niya ay magiging sorpresa ang paghahanda dito.

"Hindi po namin alam." Wika ng isa. Ngumiti na lang ako sa kanila at ipinikit ang mga mata ko.

"Maganda ka na po! Kahit puting pulbo na lang na galing sa Magic Shop ang ipapahid namin sayo."

Naramdaman ko ang pulbo sa mukha ko kaya dahan-dahan kong inimulat ang mata ko.

"Ikaw nga talaga ang pinaka-
magandang nilalang sa buong Wizard City."

Medyo nalungkot ako. Kumukupas  ang ganda ko at hindi ito kailanman magtatagal. Mabuting puso ang hindi kumukupas, gusto kong gayahin ang lola kong namatay na.

'Yun ang gusto kong ipalit na aral sa Castadia. Ayaw kong mabuhay sila sa pamamaraan na tanging panlabas na ganda lang ang tinitingala.

"Tapos na ba kayo?" Tanong ko sa dalawa dahil nakatitig lang sila sa mukha ko.

"Ah, opo!" Binuksan nila ang cabinet kwarto ko at kinuha ang damit na susuotin ko.

"Bagay po sa inyo ito."

Ipinakita nila sa akin ang asul na gown. Iyan ba ang gagamitin ko?

"Ayos po ba?"

Tumango ako at dahan-dahan na kinuha ito. Masyadong maganda para sa'kin. Ito ang paboritong kulay ni papa kaya paniguradong siya ang nagpalagay sa closet ko.

"Isusuot ko lang saglit." Lumabas ang dalawa at iniwan akong mag-isa.

Ibinaba ko ang zipper ng damit ko at itinanggal. Tinawag ko ang isang katulong na tulungan ako sa paglalagay ng zipper sa asul na damit.

"Saktong-sakto po!" Tili niya at pinaharap ako sa salamin.

"Ilang minuto na lang po ay magsisimula na ang kaarawan mo."

Umalis muna ang dalawa dahil kailangan daw nilang tumulong sa ibaba.

"Bakit ka nandito?" Malambing na tanong ko sa pusang itim na pumasok galing sa bintana ko.

"Meow!"

Napangiti ako at kinuha ito. Nilagay ko siya sa lap ko at hinaplos ang kanyang malambot na balahibo.

"Ang sabi nila, malas ka." Okay lang naman siguro na kausapin ang nilalang na ito kahit nagmumukha akong baliw.

"Pero para sa akin, isa kang blessing."

Naramdaman kong nakatulog na pala ang pusang itim. Ano kayang ipapangalan ko sa kanya?

"Hmm. Tatawagin na lang kitang." Napatigil ako saglit upang mag-isip.

"Puti na lang ang pangalan mo. Kahit kabaliktaran ng kulay mo, ito naman siguro ang pang-loob na katangian mo."

Dumilat ng kaunti ang pusa kaya dahan-dahan kong kinuha ang magic stick ko.

"Imperium mutatio!" Itinutok ko ang wand ko sa pusa pero isang maliit na bula lang ang lumabas.

"Bakit hindi gumagana sayo ang spell na nakapag-papalit ng anyo?"

Sinubukan ko muling itutok ang wand sa inosenteng pusa na natutulog.

"Species mutante!" Wala pa ding nangyari.

Mahiwaga kaya ang pusang ito? Nang marinig ko ang mga yapak na papalapit sa kwarto ko ay kaagad kong binuhat si Puti at inilagay sa ibaba ng kama ko.

Nagbukas ang pintuan at doon ko nakita si Amelia na abot tainga ang ngiti.

"Pwede na po kayong lumabas." Nginitian ko siya at palihim na nagbigkas ng spell na nakapag-tatago kay Puti.

"Pessima." Bulong ko at nakaramdam ng kaunting gulat si Amelia.

"Ano po ang tunog na iyon sa kwarto niyo?" Tanong niya.

"Baka naman nagkakamali ka lang ng pagkakarinig."

Sinabi ni Amelia na kapag narinig ko ang pagtunog ng kampana ay maaari na akong bumaba sa royal stairs.

Narinig ko ang malakas na tugtog sa labas. Nagsisimula na siguro ito.

"Pwe-"

Hindi ko na ipinagpatuloy ang dapat nilang sabihin dahil nakarating na ako sa harapan.

Lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin at napansin ko ang isang lalaki.

His cold eyes are staring at me.

This is the start of my nightmare.

-Soon-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Purple Fruit's Curse (Soon)Where stories live. Discover now