M A S K A R A

1 0 0
                                    

maskara
by: w h i t e

Kaibigang matutulungan
Nalalapitan pag kailangan
Kaibigang maaasahan
Sa bawat sandali ng kahirapan
Oo nga't nakakangiti
Sa madla, ang pilit na ngiti
Pinapakita ang pisnge
Na may kurbang cute na ngiti
Sa pag dating nang gabi
Sa pag huni ng tutubi
Kita sa kaniyang labi
Lungkot na may pighati
Saludo ako sa kaniya
Magpangap ay kaya niya
hindi maipag kakaila
Isa siya sa kanila
Sa kanila na may maskara
Maskarang suot sa umaga
Sa gabi at tulo ang luha
Nang tahimik at walang makakakita
Kung isa ka sa kanila
Andito ako, naiintindihan ka
Ayos lang kung nahihirapan ka
Ngunit isipin na hindi ka nag iisa
Andito ako makikinig sayo
Kakilala o hindi ay aakbay sayo
Pakikingan ang bawat kwento mo
Hindi huhusgahan ang desisyon mo
Ako si Puti na may kwento
Hindi ko masasabing ako'y perpekto
Ngunit kung kailangang naging tarantado
Maipagtangol ka lang ay gagawin ko
Wag mong sanaying mag isa
Wag matakot andito pa
Andito ang taong maiintindihan ka
Bukas ang timeline ko, mag Pm ka!

...

TULAWhere stories live. Discover now