Chapter 1 : Shasnie Myle Janohan

Start from the beginning
                                    

At ang J&N Laboratories . Ang daddy ko ay isang mahusay na chemist . ang J&N Laboratories ay kinikilala na saan mang sulok ng bansa at ilang beses na ring nanalo ng mga parangal. Maging si Daddy ay naging chemist of the decade dahil sa gamot na ginawa niya last year which can cure Aids.

Ngayon nga ay may secret formula na naman silang ginagawa kasama ng friend niya at kasosyo din sa negosyo . Secret formula iyon para makagawa ng gamot for Alzheimer's disease.

Ang mommy ko naman ay isang restaurateur . Pagmamay-ari niya ang  Lover's nest . Restaurant na exclusive for couples only. May apat na branch na ito , sa Makati , Taguig , Shangri LA at sa Bulacan , may binibili na rin si mommy na place sa may Angeles Pampanga . Maganda din daw kasing magtayo dun lalo at maraming parokyano ang nagpupunta sa lugar na iyon.

Im their one and only child. Hindi na nagka-anak si mommy after kong ipanganak. Kasi naman nagkaroon sya ng sakit kaya kinailangang putulin ang isang Fallopian tube niya na syang naging dahilan kung bakit hindi na siya maaaring mag-buntis pa.

Although , sabi ng mga doctor ay may 5% pa naman daw na magka-anak pa syang muli kahit pa nga ba isang Fallopian tube na lang ang meron siya dahil pwede pa naman daw mag meet dun ang sperm at egg cell. Pero hindi na din umasa ang mga magulang ko .

Ako lang din ang nag-iisang babae saming magpipinsan. Sina tito Andrei at Tito Karlo ay pawang may tig dalawang anak at puro lalaki pa , kaya nga lahat ng gusto ko binibigay nila , pero hindi din madaling maging only girl ng family huh. Lagi-lagi na lang kasi nila akong pinag-kaka-isahan lalo na tungkol sa pagbo-boyfriend , kaya naman yung mga nanliligaw sakin noon ay mabilis sumuko dahil hindi ko pa man nae-entertain , tinatakot na nila.

Duh. Ikaw ba naman , manliligaw ka tapos yung pamilya ng nililigawan mo malayo nga sayo pero kitang-kita mo naman ang kunwaring paglilinis ng baril , pagkilatis ng espada at paghihiwa ng kung ano-ano gamit ang kutsilyo. Tutuloy ka pa ba?

Harsh , diba ?! Pero yan talaga ang ginagawa nila sa tuwing may bago akong manliligaw , kaya naman eto ako ngayon , fashionista nga , mayaman , maganda naman , at sexy pero walang naging boyfriend.

Nagulat pa ako ng may bigla na lang sumulpot sa harap ko.

" Shasnie? Are you still with us ? "
Ani laika na pumitik .

Huh ? Masyado na ba akong naging makwento kaya hindi ko napansin na nagsasalita pala sila?

"  What did you say ?. " tanong ko na lang.
Baka kasi sakaling may sinasabi nga sila.

" Ang sabi ko kung nagawa mo na ba yun project na pinapagawa sa tin ni Mrs.Jacinto. "  ani Laika na ang tinutukoy ay ang pag-gawa ng mini house gamit ang Bamboo stick.

Magiging display daw kasi yun sa next event ng school.

" Laika naman , as if hindi mo kilala si Shasnie. Natural pinagawa na naman niya yun dun sa mga matatalinong nangangahas manligaw sa kanya. "

I smirked.  Of course , at paniguradong tapos na ang project na yun ngayon.

" Let's go , sa cafeteria tayo. "
Sabi ko na sinang-ayunan naman nila.

Ganito kami lagi , kakapasok palang , sa School Canteen na agad kami dumi- deretso hindi pa naman kasi nagbe-bell ehh , ayaw naman naming tumambay sa room dahil boring dun at paniguradong puro mga inggiterang babae lang at mga nakakairitang lalaki na walang ibang ginawa kundi magpa-cute  ang mae- encounter namin dun.

Lumiko na kami sa hallway kung saan pag deretso nun ay canteen na ng mapa-hinto kami . Natuon ang mata ko dun sa dalawang tao. Inaaway nung babae yung lalaki habang pilit namang sinasangga nung huli ang bawat suntok ng una.

  Kilala ko yung babae. Pero yung lalaki hindi. Mula sa kinapupwestuhan namin ay rinig ko ang bawat pinagsasabi nila.

"You Ruthless jerk !  How could you do this to me ! At talagang ikaw pa ang naki-pag-break ! I gave you all Mike. "
Umiiyak na yung babaeng pinaghahampas pa din yung lalaki.

Tsk.  Nakakawala ng fashion yang ginagawa nya.

Hinawakan nung lalaki yung dalawang kamay nung babae. Siguro nakaramdam na ito ng hiya dahil marami nang estudyante ang napapahinto sa partikular na bahaging ito ng campus dahil lang sa kanila. Nagtitimping nagsalita ito.
"Hindi na ako masaya okay. ! "

" Damn you ! Please Mike don't do these to me. " ani ng babae na ngayon ay pilit namang niyayakap ang lalaki.

Pathetic ! I thought we had a lot in common. Yun pala hindi , sa fashion ka lang magaling pero pagdating sa pagpili ng lalaki you're such a fool !

Nakakaloka. Pag ayaw na kasi sayo ng lalaki , let him go , hindi kawalan ang ganyang klase ng tao. Ang daming mas better pa kaya dyan.

I don't get it talaga. Bakit napakaraming martyr na babae , yung tipong grabe kung lumuha yung iba gusto pang magpaka-matay dahil hindi kayang iwan ng lalaki.

I'm not a man hater , puro nga lalaki ang nasa pamilya ko . Pero hindi ko lang talaga masikmura ang ganong idea.

Fools and Pathetic ang tawag ko sa ganun. Kay daming lalaki dyan tapos dahil lang sa isa guguho na ang mundo nila ? Diba kabaliwan at katangahan ang tawag dun. Ni hindi man lang nila naisip na marami pa naman ang nagmamahal sa kanila tapos binabalewala lang nila yun dahil sa mga fucking shit na lalaking wala naman talagang ka- kwenta kwenta.

Tapos ang isasagot lang nila once na pinagsabihan sila that gasgas line na
" Hindi kasi ikaw ang nasa posisyon ko , kaya hindi mo ako naiintindihan. "

Tsk ! Kailangan ba nasa posisyon ka muna niya bago mo maramdaman kung gano sya katanga ?

Hmp !  Never ko talagang gagawin yang iyak- iyak na yan sa harap ng lalaki. Aba! Sinuswerte sya , sya na nga nanloko ako pa iiyak ?

Mula sa peripheral view ko ay may dalawang lalaki ang lumapit sa dalawa at inawat ito.

Si Stefan , ang Varsity player  at si Tristan Osores , ang SSC President.

Inilayo ni Stefan ang babae dun sa lalaki. Nag- cursed pa muna ang babae saka patakbong tumalikod.

Kapag sakin nangyari yan , yung mapahiya sa campus , hinding hindi na ako papasok. Swear !

His Devil-Angel Love (Alway's Him PostScripts)Where stories live. Discover now