Chapter 1 : Shasnie Myle Janohan

36 0 0
                                    

Nahawi ang lahat ng estudyante sa walkway ng maglakad ako papasok ng Campus . Puro paghanga ang makikita sa mga mata ng lalaki , while pagka-inggit naman sa mga babae.

Wanna know Why ? Because Im wearing a Dolce and gabbana dress , a pair of primadona shoes ,and a bag from hermes. Sanay na ako sa mga atensyong nakukuha ko.

Halos lahat ng estudyante sa campus ng Notre University  ay kilala ako. Maging sa kalapit na University o College
school ay matunog ang pangalan ko.

Shasnie Myle Janohan , the campus sweetheart , and the queen bee also.

Alam kong minsan may attitude ako , at na ang ibang babae ay naiinis sakin. Pero no care ako . As long as hindi pa nila nagugulo ang life ko , hindi ko rin guguluhin ang mundo nila. Iirapan ko nga lang sila.

"Shasnie ! Oh my God. That was the latest primadona shoes ! "
Tiling sabi ng kaibigan kong si Sasha nang salubungin niya ako. Kasama nito si Laika. Ang isa ko pang kaibigan.

Nakangiting tumango ako .
"Well yes , this is the latest one. My mom bought this for me ."
Sabi ko na inangat ng bahagya ang left foot nang sa ganun ay mas lalo nilang makita iyon.

Puro paghanga ang nakikita ko sa mga mata ng dalawang kaibigan habang pinakatitigan ang mga suot ko . Fashion addict din sila like me , ang kaibahan nga lang namin , I can afford to buy a latest one or even the limited edition sa unang araw pa lang nang pagbebenta nito , samantalang sila ay after a few weeks pa bago makabili kung minsan pa nga ay nauubusan. Limited lang kasi ang allowance nila , kaya nga minsan tine-treat ko na lang sila pag nag-sa-shopping kami.

That's what's  bestfriend do  right ?

" It's too glamorous ! "
Laika said habang ang mga mata'y hindi nahihiwalay sa shoes , dress and bag ko.

" I.K.R "
Tipid kong sabi while swaying my left hand.

IKR means I know right. Mahilig kaming gawing short message ang mahabang salita.

2nd year na kami dito sa  Notre University.  I and Laika took civil engineering while Sasha took nursing as her course.

Anyways. Im Shasnie Myle Mendoza Janohan, 17 years old . Same age ko ang dalawang best of friends ko. Im a Fashion lover , obvious naman diba . Kaya lang hindi ako kumuha ng course na related sa fashion dahil na rin sa kahilingan ng daddy ko. Gusto niya kasing magkaroon ng anak na  engineer kagaya ng mga pinsan ko . Naiinggit kasi daw sya kela tito Andrei at Tito Karlo na may mga anak na engineer .

Alam kong birong totoo lang nya yun pero dahil minsan lang naman syang mag-request ay pinagbigyan ko na din at laking tuwa nga niya ng yun ang course na tinake ko. Masaya din naman ako sa course na kinuha ko kaya okay na . .

Ang Dad ko ay isang major stockholder sa J&N Group of companies.   Pagmamay-ari nilang  magkakapatid ang company na binubuo niyon. Tatlo silang magkakapatid . Sina Tito Andrei , Tito Karlo and ang daddy kong si Marnie Janohan.

Ang J&N International Food Inc. Pagawaan iyon ng nga biscuit , bubble gum at Juice na ngayon ay in-demand na sa market
In-and-Out of the country at last month nga lang ay naging best seller na ang tatlong brand ng biscuit na kaka-out lang last year.  Ang tito Andrei ang namamahala dito na bunso sa magkakapatid.

Ang J&N steel , pagawaan ng mga bakal . Nag-i-import and Export ito ng  magagandang klase ng bakal. Kamakailan nga lang ay nagbukas ito  ng another Factory sa Beijing at Japan. Sa ngayon ay may siyam na factory na ito na nagkalat sa ibat-ibang bansa. Ang tito Karlo naman ang namumuno rito , ang panganay sa magkakapatid at syang CEO ng J&N Group of companies. Kasama niya ang kanyang panganay na anak , si kuya Carl Anton, my cousin sa pamumuno ng J&N steel.

His Devil-Angel Love (Alway's Him PostScripts)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon