Ang Mahiwagang Sandok Ni Yanna

148 5 0
                                    

Panimula

"Tulong! Tulong!"
Narinig kong sigaw sa may madilim na parte ng daan , Jusko may gingahasa kaya? Pero boses matanda eh! Nakuu naman mga addict nga talaga eh noh pati matanda pinapatos pa!
Pero dahil ako'y likas na matulungin*baka tsismosa* ay pumunta ako sa sumisigaw at nadatnan ko ang matandang babae na nakalupasay sa sahig

"Ineng! Tulungan mo naman ako, ilang araw na akong hindi kumakain"
Nagmamakaawang sabi niya sa akin, nakakalunos naman ang kalagayan ni lola, agad kong nilabas ang baon kong cloudflakes para ibigay kay lola at ang bote ng refresh .

"Ito po lola!"
Sabi ko tsaka ibinigay ang cloudflakes at kalahating bote ng summit

"Ineng napakabuti mo naman , dahil sa iyong kabutihan ay ibinibigay ko sa iyo itong mahiwagang sandok, tandaan mo mahiwaga ito , capital M-A-H-I-W-A-G-A!"
Sabi niya sa akin, kaloka si lola hah? Ano tingin niya sa akin , hindi marunong magspelling ! Pero ano daw ? Mahiwaga?

"Lola , ano naman po ang gagawin ko jan?Hindi poako marunong magluto , tsaka po hindi ako tumatanggap ng kapalit sa pagtulong ko"
Sabi ko sa kanya .

"Aray !"
Sabi ko ng pinalo ako ni lola ng sandok . Kinuha ko ang sandok at pinagmasdan ito.

"Lola bakit naman ito mahiwaga? Bakit mapapagaling niya po ba akong magluto ?" Tanong ko sa kanya

"Oo, kailangan ko ng magpaalam yanna . Pagkaingatan mo sana ang sandok na iyan dahil natatangi yan, pero bago ako magpaalam sa storyang ito nais kong batiin ang pamilya ko sa batangas , mga kapitbahay at mga kaibigan 'hello there', hanggang sa muli "

Sabi niya at tuluyan ng nawala sa aking paningin
Nakakakilabot naman iyon, napatingin ako sa aking hawak at iyon ang mahiwagang sandok *kuno*
Pagkauwi ko sa bahay muli kong sinulyapan ang sinasabing mahiwagang sandok
Ano kayang gagawin ko dito?
Pampukpuk ko sa ulo ko para gumaling ako magluto o pampukpuk ko sainyo para magvote and comment kayo . Hahah xd Joke .

---------
How was the Panimula XD?
Vote and comment please,
I hope you like it! ^_^
-------------
Ang Mahiwagang Sandok Ni Yanna
All rights reserved (c) 2014

Ang Mahiwagang Sandok Ni YannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon