Chapter #2

376 6 0
                                        

Nakatayo ako sa isang napaka gandang lugar, sa gitna ng napakaraming bulaklak na animo'y sumasayaw kasaba'y ang pag ihip ng hangin.

Ang liwanag ng araw ang nag bibigay init sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat, habang nag lalakad sa kalagitnaan at habang hinahaplos ng aking mga kamay ang mga bulaklak.

My naaninag ako na isang lalakeng nag lalakad papalapit sa akin, bigla akong nakaramdam ng saya, halos lagpas sa universe ang ngiti ko ng makita ko sya, halos hindi ko maipinta ang nadarama ko ng makita syang papalapit sa akin.

Nang makalapit na sya sa akin, halos hindi ko maialis ang mga mata ko sa pag katitig sa kanya.

"K-Kyle" nakangiting sabi ko sa lalaking kaharap ko.

Seryoso lang syang nakatitig sa akin, ni hindi ko mabasa ang mga mata nya sa kung anu ang gustong nyang iparating sa akin.

"Are you happy?" Seryosong tanung nya sa akin.

"Huh? O-oo naman Kyle, sobrang saya ko kasi kasama kita at nakita kita, namiss kita"

Masayang sabi ko sa kanya, hinawakan ko ang kanyang mga kamay pero bigla syang bumitaw.

"Kyle" sabi ko sa kanya.

"Are you happy? For ruining my family?"

Seryosong sabi nya, halos manlisik ang mga mata nya, napalitan ng luha ang masayang sandali.

"Kyle, im so-sorry, sorry hindi ko naman sinasadya Kyle"

Sabi ko sa kanya, halos mawalan ako ng boses at panay ang pag tulo ng mga luha ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya.

"Ayaw kitang makita, ayaw na kitang makita pa, wag ka ng mag pakita at kung mag kita man tayo let's pretend that we dont know each other!"

Sabi nya sakin at bumitaw sya sa pag kakahawak ko sa mga kamay nya at nag lakad papalayo sa akin.

"K-Kyle no! Kyle! "

Sigaw ko habang panay ang pag patak ng luha ko.

"Kyle no! Im sorry please! Come back! Kyle"

Sigaw ko na halos mapaos ang boses ko sa pag sigaw pero dirediretso pa rin sya sa pag lalakad na parang walang naririnig.

POV otherperson

Maagang nagising si Hiro para mag handa ng umagahan nilang mag kapatid dahil maaga pa ang pasok nila parehas sa iskuwela.

Si Hiro ang nakatatandang kapatid ni Kyra at 3rd year college na ito sa kursong AB-MassCom.

Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang nila dahil sa masyadong busy sa negosyo ng kanilang pamilya.

Kaya nasanay na si Hiro at Kyra na sila lang dalawa ang laging mag kasama .

Halos mapatakbo si Hiro ng marinig ang boses ni Kyra galing sa kwarto nya.

"Kyle no! Im sorry please! Come back! Kyle"

Pag sigaw pa rin ni Kyra, kaya binilisan ni Hiro ang pag akyat sa hagdan.

Pag pasok nya sa kwarto ni Kyra, lumapit sya kay Kyra at pinilit gisingin ang kapatid.

"Kyra! Gumising ka! KYRA!"

Sabi nya habang patuloy pa rin sa pag gising sa kapatid, biglang nagising si Kyra na puno ng luha ang mga mata.

"K-Kuya!"

Sabi nya na halos mapahagulgul na sya sa pag iyak, bigla syang napaakap ng mahigpit sa kapatid.

InRelationship Challenge [ Short Story ]Where stories live. Discover now