Reto

532 7 4
                                        

Krrriiinnggg!!! Uwian na! Ang oras na pinakahihintay ng mga estudyante. Tapos na ang aralin, pwede nang magsaya lalo na at araw pa ng Biyernes.
"Hey Iyel!", tawag ni Jaryl kay Gabriel kasabay ang malakas na batok dito.
"Aw! Tatawag lang may batok pa?", tanong sagot ni Gabriel.
"Arte neto. Kala mo mamamatay pag binatukan", ani Jaryl.
"Ikaw kaya ang batukan ko? Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa bakla!", pang-iinis ni Gabriel.
"Nagsalita ang hindi bakla", ganti naman ni Jaryl.
"Hindi ka talaga magpapatalo eh noh? Abogado ka na rin ba? Bakit ba nandito ka pa? Kanina pa uwian ah? Asan ang sundo mo?"
"Sasabay nga ako sayo eh. Mom just called may date daw sila ni Dad, asusual, trabaho date na naman yun, tapos si Manong Baldo naman, alam mo na, wala pa din, kaya sumabay na lang daw ako pag-uwi mo. Tamang-tama, may irereto ako sayo!"
"Here we go again. Tumigil ka na nga sa pakikialam sa love life ko!", sigaw ni Gabriel saka sya umalis papunta sa parking lot ng school. Sumunod naman si Jaryl sa kanya.
"Hey Mr. Gabriel Camden! Why are you so maarte? GGSS ka masyado, ikaw na nga ang tinutulungan kong makahanap ng liligawan, ikaw pa nag-iinarte!", sigaw din ni Jaryl.
"What's GGSS?"
"Gwapong gwapo sa sarili! Tama di ba? Feeling mo pogi ka, napakalayo naman nun sa katotohanan!"
"Tss..ganon? Pwes umuwi ka mag-isa MTSU!"
"What's MTSU?"
"May Tama Sa Utak!"
"Ang hard! Pwede bang Magandang Tunay, Sexyness Umaapaw na lang?"
"Akalain mong nakaisip ka pa ng punch line? Malala ka na talaga!"
"Compare sayo! Pamintang durog! Aminin mo na kasing pepper mint ka para hindi na ako nahihirapang maghanap ng babaeng irereto sayo! Boylet naman trip mo!"
"Stop it Jaryl or else..."
"Or else what? Magsusumbong ka sa mom mo? Gusto mo samahan pa kita kay tita Erna eh. Mama's gay!".
"Grow up and mind your own love life!", sabay sakay sa kotse nya.
"So talagang iiwan mo ko dito? Bakla ka talaga!"
"Sumakay ka na bago pa ko tuluyang mapikon sayo!"
Nakasimangot na sumakay si Jaryl sa kotse at padabog na naglagay ng seatbelt. Hindi sila nag-usap hanggang sa kalaghatian ng daan.
Yan lagi ang eksena ng dalawang bagets. Sabay silang lumaki at halos magkapatid na dahil magkatabi lang ang tinitirhan nilang dalawa. At hindi pa sila pinapanganak sa mundo, magkakaibigan na ang mga magulang nila. Pareho silang solong anak at may kaya ang pamilya. Ang ama ni Gabriel ay kapitan ng barko kaya lumaki syang halos ang mommy lang nya ang kasama nya at ang mommy naman nya ay may sariling recording studio kung saan maraming sikat na singers na ang naiproduce nila ng album. Ang mga magulang naman ni Jaryl ay parehong abogado at minsan lang magkaroon ng oras sa kanya kaya mas madalas itong nasa bahay nina Gabriel dahil nababagot itong mag isa sa bahay. Sa ngayon, magkaeskwela sila sa highschool, graduating na at pareho ding nasa 1st section. Sila rin ang consistent na nag-aagawan sa top 1. Kaya lagi silang nagkakairingan na parang aso't pusa in a very cute way. Hindi naman nila siniseryoso ang pagiging magkalaban sa academics, ang madalas nilang pag-awayan ay ang pagiging makulit ni Jaryl. Lagi kasi nyang hinahanapan ng babaeng liligawan si Gabriel, bagay na kinaiinisan ng huli dahil ang talagang gusto nito ay si Jaryl mismo. Hindi na nya matandaan kung kailan nagbago ang pagtingin nya dito mula sa pagiging kababata, kapatid at kaibigan hanggang sa higit pa roon. Hindi lang nya magawang umamin dahil ayaw nyang masira ang kung anong relasyon mayroon sila at ang pamilya nila.
"Galing mo mang- asar pero ikaw naman ang pikon", basag ni Gabriel sa katahimikan. Tulad ng madalas mangyari, si Gabriel ang unang kikibo. Hindi kasi nya matiis si Jaryl.
"Excuse me, kelan ako napikon?"
"Kaya pala ang haba na naman ng nguso mo"
"Hindi ako pikon noh lalo na kung ikaw ang dahilan".
"Oh really? Pretty little liar. Kung sino talaga ang magaling mang asar, sya yung pikon".
"Parang ikaw?"
"Excuse me din. Never pa akong napikon sayo noh. Childish lang ang napipikon".
"Bakit ba feeling mo lagi binata ka na? Sa pagkakaalam ko ilang araw lang ang tanda mo saken pero kung makaasta ka parang kuya kita".
"Exactly! Matanda pa rin ako sayo! Kaya umayos ka!".
"Whatever! Hindi ko na tuloy naituro si Azelle sayo. Hmp", pagmamaktol ni Jaryl. "In fairness ang bilis mo magdrive ah? We're here na agad, akalain mo yon", akmang bababa na si Jaryl nang magsalita si Gabriel.
"Who's Azelle?"
"Ha? Ah..Yung irereto ko sayo. Uhm, transferee sya sa kabilang section. At super ganda nya! Promise kamatis, you'll like and love her to death!"
"Tss..wala kang mapapala Jarela!", pagharap ni Gabriel kay Jaryl, bigla nitong pinisil ang magkabilang pisngi nya.
"Ang cute cute cute mo talaga!", sabi ng nakangiting si Jaryl. Nakalitaw tuloy ang dalawang cute dimples nya.
"Oh God, how can she be that cute? So cute that I want to hug and kiss her and.... no no.. Eto na naman ako. Ilang beses ko pa ba kailangang i-resist ang cute na to? God please help me..", sabi ng isip ni Gabriel. Sa totoo lang, hirap na hirap na syang itago ang nararamdaman nya para kay Jaryl, pero good thing, magaling syang artista.
"Wuy! Okay ka lang ba? Natulala ka na naman sa kagandahan ko. Haha!", pang-aasar ni Jaryl sabay baba ng kotse. "G2G Yelo. See you tomorrow", habol nito. Kung hindi kasi Iyel, Yelo ang tawag nya kay Gabriel.
Samantalang naiwan naman si Gabriel sa kotse na biglang natauhan sa huling sinabi ni Jaryl.
"See you tomorrow? May lakad ba kaming dalawa?", tanong nya sa sarili. Nang makarating sya sa kwarto nya, iniisip nya kung tatawagan nya si Jaryl para itanong yung tungkol sa huling sinabi nito. Pero pinigilan nya ang sarili nya dahil baka ipa-blind date lang uli sya nito. Isang beses kasi na niyaya sya nitong manood ng sine, tuwang tuwa sya kasi parang magde-date na rin sila, pero laking gulat nya nang may kasama pala silang iba. Yung girl na nirereto sa kanya dati ni Jaryl na hindi naman nya type kahit sa panaginip. Simula non, hindi na sya umoo pag niyayaya sya ni Jaryl lumabas. At yon ang iniiwasan nya ngayong mangyari. Hanggang sa katukin na sya ng mommy nya para magdinner. Pagbaba nya sa kitchen, nagulat sya nang makita si Jaryl sa dining table.
"Hi! Let's eat na", sabi nito.
"Why are you here?", tanong nya.
"Because I'm not there", pang aasar na naman nito. Bago pa sya makasagot ay nagsalita na ang mommy nya.
"Hindi ko nabanggit sayo na dito magdidinner si Jaryl kasi male-late ng uwi ang parents nya".
"Wala ba kayong project ngayon mom? Nakakapanibago kasing andito kayo ngayong friday night", tanong ni Gabriel sa mommy nya.
"Ayaw mo bang nandito ako? Mga tanong mo eh. Stop asking questions and take your seat", sagot ng mommy nya.
"Parang teacher lang ah?", sabi ni Gabriel habang nangingiti.
"Yes, she'll be my teacher starting tomorrow", excited na sabad ni Jaryl.
"Onga pala! Eh andito ka na, advance ka masyado, sabi mo kanina 'see you tomorrow', what does that mean?", tanong ni Gabriel.
"As I've said, Tita Erna will be my teacher, I'll be here again tomorrow for my piano lesson". Dating Music Instructor kasi ang mommy ni Gabriel. Halos lahat ng musical instruments kaya nitong tugtugin pero mas forte nito ang piano. At simula nang magkaroon ito ng recording studio, nawalan na ito ng oras sa pagtuturo. At dahil namiss nito ang dating trabaho, naisipan nitong turuan na lang si Jaryl na magpiano.
"What makes you think na matututo kang magpiano?", tanong ni Gabriel.
"Im certain cause I have the best teacher in the world! Right tita mommy?", sagot ng nagpapacute na si Jaryl.
"Stop calling her tita mommy okay? You're not my sister at lalong hindi kita girlfriend at wag kang magpacute ng ganyan, nagiging kamukha mo si Anabelle", pang aasar ni Gabriel na ang tinutukoy ay ang manika sa horror movie na 'the Conjuring' at nagkaroon din ng sarili nitong pelikula.
"Ang gandang Anabelle ko naman. Kanina lang parang kuya ka kung umasta. Napaka unpredictable mo talaga. Ayaw mo nun may napakacute at napakaganda ka nang baby sister? Asa namang papatulan kita," sabay irap ni Jaryl.
"Oh tama na yan. Nasa harap tayo ng pagkain. Gabriel, lead the prayer", saway ng mommy nya.
Pagkatapos magdinner, nagpaalam na si Jaryl na uuwi na kahit wala pa ang mga parents nya sa bahay. Hindi naman sya pinayagan ni Tita Erna, ang mommy ni Gabriel. Doon na sya nito pinatutulog. Pinagpaalam na daw sya nito sa mga magulang nya kaya hindi na sya tumanggi. Madalas din naman na doon sya nagpapalipas ng gabi kaya may ilang gamit na din syang naiwan doon. Pagkatapos nyang magpaalam kay tita Erna, agad-agad syang umakyat sa kwarto ni Gabriel. Pumasok sya ng hindi kumakatok kaya nagulat sya sa nabungaran nya. Nakatowel lang ito at walang pang itaas.
"Aaahhhhhh", tili ni Jaryl. Tili ng nang-aasar.
Nagulat din si Gabriel pero hindi sya nagpahalata. "Hindi ka ba marunong kumatok?"
"Eh bakit nakaganyan ka lang? Hahahaha!"
"Malamang katatapos ko lang mag half bath. What's so funny?"
"Wala lang. Mukha ka kasing butiki. Hahaha!", tukso nito.
"Ah butiki pala ah?", tinanggal ni Gabriel ang towel na bumabalot sa katawan nya at ibinalot sa ulo ni Jaryl. Lalo namang nagtitili ito. Ang hindi nito alam, naka-boxer shorts naman sya sa loob. Tawa tuloy nang tawa si Gabriel. Pagkatapos ay sabay silang natumba sa kama.
"Ang salbahe mo talaga!", sabad ng humihikbing si Jaryl.
"Sows! Sino ba kasing nang-iinvade ng privacy dito? Gusto mo mo bang idemanda kita ng trespassing? I have the best lawyers in town, Atty. Bernard and Atty. Euri Everly. I'm sure talo ka na!".
"Eh parents ko yon noh, malamang saken kakampi yon!", biglang nagseryoso si Jaryl. "Honestly, I doubt it. Lagi naman kasi silang wala", bawi nito.
"Akala ko nga umuwi ka na eh".
"Sabi ni Tita dito na daw ako matulog".
"Again?? Hindi ka pwede dito sa room ko noh".
"Did I say na dito ako sa room mo matutulog? Asa ka masyado!"
"Whoah! Easy. I'm just kidding! Lumalaki na naman yang butas ng ilong mo! Hindi bagay sayo ang seryoso. Smile ka na nga. Magwash-up ka nga muna, bumalik ka dito after. Magbibihis lang din ako".
"Tapos?"
"Tatanggalin natin yang pag-i-emo mo! Ano bang trip mong gawin? Yung wholesome ha? At wag kang gagawa nang masama, idedemanda kita ng sexual harassment, rape or act of lasciviousness".
"Kapal mo! Hindi kita type noh. At kahit type kita, mukha ba akong manyakis? Kala mo naman andami mong alam sa batas. Tse!", lumabas na si Jaryl.
"Whew! She's here again. The hardest and yet the happiest moment of my life. God please, I need another strength to ignore this feeling. Ilayo Nyo po ako sa temptation. Waahh,,,she's the temptation pero ayokong malayo sa kanya. Anlabo ko po noh Papa God? Basta po, sana maitago ko pa ang nararamdaman ko for her, for the sake of our friendship and family. Thank you po", seryosong panalangin ni Gabriel. Hindi nya tuloy namalayan ang pagpasok muli ni Jaryl.
"Hoy! Tulala ka na naman dyan. Magtapat ka nga...adik ka ba?", tanong ni Jaryl.
"Matagal na akong adik, adik sayo! Boom! Panes!"
"Corny mo! So ano na? Sabi mo pasasayahin mo ako".
"Haha! Sinabi ko ba yon?"
"Haynakoh".
"Oo na, ano bang gusto mong gawin?"
"Gusto kong pag-usapan natin si Azelle".
"Seriously?", halatang nairita si Gabriel sa narinig.
"Please Yelo, give me a chance to introduce her to you. Give her a chance to become your friend. And give yourself a chance to know her better. She's nice. Kung lalaki nga lang ako, baka ako na ang nanligaw sa kanya".
"Eh di ligawan mo na!"
"Sira! Hindi naman ako shiboli bambam! Besides, she likes you. Ikaw ang gusto nya kaya sige na Yelo. Court her na..."
"Why are you doing this? Ito ba talaga ang magpapasaya sayo? Ang magka-girlfriend ako?"
"Yes! Kung magiging masaya ka, I'll be happier for you".
"Pano mo naman naisip na magiging masaya ako sa pagkakaroon ng gf?"
"Eh kase may mag-aalaga na sayo".
"Yun lang? Eh di maghahanap na lang ako ng yaya".
"Seryoso na kasi. Hindi ka pa naiinlove? Ang sarap kaya ng feeling na kinikilig".
"Kung magsalita ka dyan parang ilang beses ka na nainlove ah? Nagkaboyfriend ka ba nang hindi ko alam?"
"Secret"
Nasasaktan na si Gabriel sa nagiging takbo ng usapan nila, konti na lang at magtatapat na sya.
"Di ba nga nagkaboyfriend na ako dati? Kilala mo si James Reid? Yung kamukha mo? Haha! Choz! Sige na nga kamukha mo na...ayun! Yun ang ex ko".
"Haha! Umaasa ka na naman sa pangarap mo! Patay na patay ka sa taong hindi ka naman kilala!", sabi ng naiiling na si Gabriel. In fairness naman kay Gabriel, talagang malaki ang hawig niya sa local artist na si James Reid. Kaya marami talaga ang nagtatanong at nagtataka kung bakit hindi pa siya nagkakagirlfriend o kahit niligawan man lang. At dun nanggaling ang idea na ireto sya ni Jaryl sa iba't ibang babae.
"Back to the topic. Isang chance lang Yelo and you won't regret it! Don't worry, tutulungan kitang mag-umpisa. Everything starts with 'getting to know each other' stage naman di ba? So?"
"Bahala ka!"
"What does that mean?"
"Bahala ka na sa gusto mong gawin", sumusukong sagot ni Gabriel. Ayaw man nya sa ideang pinipilit ni Jaryl, no choice na sya. Una, ayaw nyang masaktan si Jaryl. Pangalawa, mabuti na rin sigurong makalimutan nya pansamantala ang feelings nya dito. Para sa kanya, pamilya at atensyon ang kailangan nito sa ngayon at hindi sakit ng ulo. Bahala na kung anuman ang mangyayari. Basta ang importante, mapagbigyan nya si Jaryl sa pagkakataong ito.
Marami pa silang napag usapan at pinagtalunan bago sila nakatulog nang nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama. Para pa ring mga bata samantalang love life na ang pinag uusapan.

*******
Thank you for reading my story.
Song: Sana'y ako na lang by 6 Part Invention

Sorry, na-inlove na 'ata ako sa'yo?!Where stories live. Discover now