PROLOGUE

5 0 0
                                        

"Hanggang saan kayang abutin ng pag-ibig mo?"

Maluhaluhang tanong niya sa akin.

"Hanggang dito na lang."

"Akala ko ba hindi sapat ang pamhabang buhay para sa ating dalawa?"

"Nagkaroon na ng hanggan."




Sa huling pagkakataon, humarap ako at hinawakan ko ang kaniyang mukha na kailanman 'di ko malilimutan. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha bago pa man ito mapunta sa kawalan, mas nanainisin ko na lang na masilayan siya mula sa malayo at makita na lang niya ako na isang tuldok ng liwanag na napapaligiran ng dilim.

Mas mabuting walang makakaalala sa sakit dahil kung babaunin mo ito habang buhay ay pinatay mo na rin ang iyong sarili habang ika'y humihinga pa.

"Deseo tu felicidad, Mi Amor." Bulong ko sa kaniya kahit batid ko maiiwan akong nagdadalamhati sa kalawakan. Tumulo ang lumiliwanag na luha ng pagdadalamhati na matagal ko nang ikinukubli.

Sa huling segundo ay naglapat ang aming labi na nagsasabing walang bibitaw sa aming dalawa na kahit oras at propesiya na ang aming kalaban. Ngunit walang sinuman ang makakapigil sa nakatakdang mangyari at matagal ng hinihintay ng bilyon bilyong estrella...



kabilang na... AKO.

Midnight BlissTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang