"Pare? Sandali. Ano 'to? Wrong send? Ba't nag text si Matthew? Ehh hindi ko pa nga sha tinext eh. Pano nya nakuha yung number ko? Sana naman ako yung crush na tinutukoy nya. Hmmm. Sandali baka tinext ko talaga sha at nakalimutan ko lang."

Scroll..

Scroll..

Sent items

Jade Teleryo
Jade Teleryo

"Ehh wala naman ah! Nalilito na 'ko"

Rereplyan ko na sana ng may na recieve nanaman akong bagong message.

*Beep!

From: Your Mine

Okay ba pare? Lalagyan ko nalang kaya ng mahal kita. Para mas maramdaman nyang gusto ko talaga sha.

*Beep!

From: Your Mine

parang ganito pare..
"MAHAL NA MAHAL KITA BASH ACCONA CAMPANULA! :*"

Parang humiwalay ang puso ko sa katawan ko ng makita ko ang pangalan ko sa message nya. So ako ba yung crush na tinutukoy nya since grade 5? At anong may crush ako kay Gabe!? Si Jade kaya may crush nun! Mas pogi pa sha kesa dun nu. Pa humble din ang isang 'to. Hindi ko alam kung pano sha e rereply. Pwede ko ba shang tawagan?

TATAWAGAN KO NA LANG HINDI TALAGA AKO MAPAKALI EH.

Calling.. YOUR MINE

OMG! tumatawag si Matthew! Omg. Pano to? Sandali. Kinikilig ako na parang hindi ko alam. Ano baaaaaa!

Matthew's POV

Ang tagal naman mag reply nitong si Gio! Mas maganda kasi mag patulong non kasi expert yun sa mga ganito. Tsk ang dami ko ng sinend sa kanya hindi parin nag rereply ehh sa pagka alam ko matagal naman yun matulog. Oh baka nasira nanaman itong cp ko. Pumipindot kasi to ng hindi ginagalaw eh. Tsk

Scroll..

Scroll..

SENT ITEMS

GOMD
GOMD
GOMD

Pataaaaaaaay! Na wrong send ako! At sa dami dami pa naman na pwedeng ma wrong send sa kanya pa! Ehh pano ba naman kasi malapit lang ang Gio at GOMD Kasi parehong "G" Tsk pano na to? Buking na ko! Pero dun naman talaga yun patungo diba? Itetext ko naman talaga sha diba? Relax lang Matt relax! At isa pa 'secret admirer' naman yung nakalagay dun diba? So hindi nya ko makikilala.

Itetext ko sana sha ulit kaya lang 'Call' ang napindot ko at dahil sa nag ri-ring ito hindi ko na lang binaba.

Ito na to. Hindi na ko mag bading badingan pa. Matagal ko na shang gusto kaya mag tatapat na ko.

*ringgg..  ringg...

*ringgg.. ring...

"H-h-hello?" Sa kabilang linya

"Ahh.. hi" -ako

"Ahhh.. Matthew, na wrong send ka ata"

Ano!? Bat nya nalaman ako to? hindi ko naman ata na mension sa message ko yung pangalan ko ah!

"Kilala mo 'ko!?" -ako

"Ahh.. O-Oo ehh, sorry ah. Kinuha ko yung number mo hindi man lang ako nagpaalam. I tetext na sana kita kaya lang naunahan mo 'ko eh. Pano mo nga ba nakuha yung number ko?"

So kinuha nya rin pala yung number ko? Sandali parang kinikilig ako

"Ahhh.. ehhh.. ahh.." hoy ano ba Matt! Para kang tanga jan. mag salita ka ng maayos! Si Bash na yan oh!

"Sorry hindi kita naintindihan. Ano ulit yun? -Bash

Ehh pano mo maiintindihan. Yung bibig ko parang may sariling buhay

"Ehh kasi Bash, kinuha ko rin yung number mo kasi may gusto ako sayo. Yung mga messages na na-recieve mo na wrong send ako nun para sa kaibigan ko kasi sana balak i-sesend yun. Hindi pa kasi talaga ako handa mag tapat sayo eh kasi nahihiya ako. Kaya nagpatulong ako sa kaibigan ko kung pano kita i-tetext."

"Matthew.."

"Sorry talaga Bash. Hindi ko sinasadyang magustuhan ka sadyang ganito lang talaga yung nararamdaman ko. Pero kung gusto mo talaga si Gabe okay lang naman sa'kin. Naiintindihan ko naman"

"Matt.. Sandali.."

"Sorry talaga."

"Ehh kasi Matt, wala akong gusto kay Gabe. Yung bestfriend kong si Jade ang may gusto sa kanya hindi ako. Iba ang gusto ko."

"A-ahhh.. ganon ba?" Para naman kinuhaan ng tinik yung puso ko sa sinabi nya. So ma'y chance pala talaga ako

"Oo. Iba ang gusto ko."

"Sino?" Makapal na kung makapal pero gusto ko lang maging aware kung sino

"IKAW" Ano raw? Paki ulit

"A-ano?"

"Sabi ko ikaw. Ikaw! Ikaw. MATTHEW FLYNN NEWMAN ikaw ang gusto ko! Crush kita kaya ko kinuha yung number mo. Nahihiya rin akong lumapit sayo kasi nga ang pogi mo at feeling ko hindi mo ko magugustuhan pero gusto kong sabihin sayo na mahal rin kita."

"Bash, pwede ba kitang ligawan? Ikaw ang Girl of my dreams"

"Oo, Matt pwedeng-pwede mo kong ligawan. Your Mine"

At dun nag tatapos ang storyang eto hahaha. Pasensya na at wala lang talaga akong magawa haha vote po kayo :)

Thank you for reading po :)

Wrong SendWhere stories live. Discover now