Ako nga pala si Matthew Newman, isang basketball player sa university namin. Practice kami sa basket ngayon. Nakakapagod din ang mag laro kaya lang kung hindi dahil sa kanya ehh hindi talaga ako magpapakitang gilas dito. Hehe

Pumasok nanaman sha at sa gym kasama ang kaibigan nya. Madalas ko silang nakikita dito. Parang may intension talaga silang manood ng practice namin araw'2.

Ang ganda nya talaga parang prinsesa

Kaya lang parang may gusto sha sa ka team mate ko sa basket na si Gabe. :(

Ilang minuto lang ang nakalipas, may tumawag sa'kin

"Matt!"

"Oy Gio! Ikaw pala yan"

"Nakuha ko na yung number ng crush mo!"

"Talaga pare?"

"Oo. Eto oh"

Matagal ko na kasi talagang gustong makuha yung number nya eh.

Type.. type.. type.. Saved! GOMD 'Girl Of My Dreams'

"Salamat pare"

"Sige pare. Mauna na'ko" at umalis na yung kaklase ko

1hr and 40 mins. After natapos na rin yung practice namin.

Nang makauwi ako sa bahay ay agad ko naman sanang itetext si Gio at mag papasalamat sa kanya

To: Gio Ballado

*pare salamat sa # ah? Malaking tulong talaga to. Masasabi ko na talaga sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Salamat sa tulong mo."

-sending to Gio Ballado.. SEND!

nag reply rin sha

"Walang ano man pare. Sige nga sampol mo nga sakin kung pa'no mo sha itetext para matulongan naman kita. Haha"

At ako naman nag type ng nag type tapos erase tapos type ulit. Natotorpe talaga ako pag dating sa kanya. Tsk

"Ahh. Hi! Secret admirer mo nga pala ito. Sorry kung medyo bading to pero nahihiya talaga ako pag sa personal ehh nalalaglag ang panga ko. Hmm.. crush kasi kita since grade 5 pa tayo. Ewan ko lang kong napapansin mo ko. Nahihiya kasi talaga akong lapitan ka eh. Sa tingin ko kasi mashadong mataas ang standards mo kasi ang ganda mo samantalang ako basketball player nga ehh pangit naman. Parati nga akong humahangad na sana ako yung tinitignan mo sa tuwing practice ng basketball sa gym. Kaya lang sa tingin ko ehh may gusto ka kay Gabe. Sana nga kahit isang oras lang ay maging si Gabe ako para ma pansin mo ko. Sana mapansin mo ko sa school kahit hi lang. Okay na ko. Yun lang. Okay ba pare?"

SENDED!!

Bash's POV

Tsk! Anong oras na hindi pa rin ako maka tulog. Hindi na rin nag rereply si Jade. Nakatulog na talaga siguro yun. Tsk 8:30pm na tsk

Pikit ng mata..

Pikit ng mata..

Bash matulog ka na! Grrrr

*Beep!

Eyes opened..

"Gising pa pala si Jade. Ang tagal naman nag reply." Nag lakad ako patungo sa study table para kunin ang phone ko at titignan ang reply ni Jade.

New Message

Pinindot ko ang 'read' at nagulat ako ng ito ang laman ng text.

From: Your Mine

Ahh. Hi! Secret admirer mo nga pala ito. Sorry kung medyo bading to pero nahihiya talaga ako pag sa personal ehh nalalaglag ang panga ko. Hmm.. crush kasi kita since grade 5 pa tayo. Ewan ko lang kong napapansin mo ko. Nahihiya kasi talaga akong lapitan ka eh. Sa tingin ko kasi mashadong mataas ang standards mo kasi ang ganda mo samantalang ako basketball player nga ehh pangit naman. Parati nga akong humahangad na sana ako yung tinitignan mo sa tuwing practice ng basketball sa gym. Kaya lang sa tingin ko ehh may gusto ka kay Gabe. Sana nga kahit isang oras lang ay maging si Gabe ako para ma pansin mo ko. Sana mapansin mo ko sa school kahit hi lang. Okay na ko. Yun lang. Okay ba pare?

Wrong SendWhere stories live. Discover now