Zaennie's POV
"Zae tapos mo na ba yang activity sheets mo? Kapag tapos na pwede pahiram?" Paawang sabi ni Mira, umirap naman ako at inabot ito sakanya.
"O ayan, bakit kasi hindi ginagawa on time." Masungit na sabi ko at inilabas ang cellphone at earpods para mag-soundtrip.
"Eh, beastmode agad. Last na 'to promise." Sabi niya at tumawa.
"Zae, ako deeeeen!" Sabi naman ni baklush na Benjo at dali-daling lumapit sa gawi namin ni Mira, lalo akong nairita ng magsi-sunuran ang iba ko pang kaibigan. Ayoko kasi silang masanay sa ganyan, umaasa lang sa gawa ng iba.
Napa-singhap nalang ako, ano bang ginawa nila noong weekends? For sure gumala, whatever! Tamad lang sila sa activity sheets pero halimaw sa exam.
Wala naman kaming teacher ngayon at facilitator lang namin ang nagba-bantay sa'min kaya inaya ko si Mira sa labas para bumili ng pagkain since tapos naman na siya mangopya.
"Mira tara students plaza tayo, nagugutom ako eh." Sabi ko, binalik ko nalang sa bag ang earpods dahil hindi ko rin naman nagamit.
"Sure Ms. Roar Gutom na rin naman na ako." Sabi niya at tinawanan ako.
"Roar? Last time you called me Tiger, can't you stick to one?" Sabi ko at tumawa, lumevel-up may sounds na.
"Sige Roar nalang HAHA." Tumawa siya na parang baliw kaya napa-iling ako, pareho kaming nagulat nang talunin kami ni Benjo.
"Sinong nagsabing aalis kayo ng wala kami?" Sabi neto.
"Oo nga, travel buddy na nga ka'yo pati ba naman sa food solo niyo ulit? Nakaka-tampo!" Naka-ngusong sabi ni Jella.
"Stop pouting mukha kang batang pina-kain ng poopoo." Sabi ni Jam, tawang-tawa kami habang nagla-lakad sa sinabi neto at hindi na matigil ang asaran ng dalawa.
So heto na nga hindi pa kami nakakarating sa paroroonan namin ay nagha-hampasan na sila sa kilig dahil sa mga kapwa naming studyante na may mga hitsura, nanatili lang akong seryoso dahil wala naman akong pake-alam.
Minsan nga ay napapa-irap ako dahil may mga lalaking lumalapit sa'kin, may nasipa pa ako sa balls dahil hinawakan niya ang kamay ko.
"Napaka-sadista talaga netong si Roar eh." Sabi ni Mira at lumayo sa'kin.
"Oo nga tara na, bakit ba kasi kaibigan natin 'yan?" Pang-aasar ni Crixy sa'kin, nginiwian ko lang sila at tinawanan.
"Sis sight mo yung pogi dun oh, bet ko yown!" Patiling sabi ni Jam, nakaka-tawa talaga ang paraan ng pagsa-salita niya.
"Sis mas pogi yung nandoon sa bench oh!" Turo naman ni Crixy sa nasa bench, I agree kaso wala akong pake mas pogi yung crush ko 'no! ay pasmado.
"Shh stop muna tayo sa pagkain gamit ang mata, anong bibilhin niyo?" Tumawa kami sa sinabi ni Benjo.
"Have nanaman tayo ng Pancit Canton niyan?" Sabi ni Mira.
"As usual." Sabi ko at muli kaming nagtawanan.
Habang inaantay namin na maluto ang pancit canton ay tumingin muna ako sa paligid baka kasi mahagilap ko si crush siya lang makaka-buo ng araw ko HAHAHA landede rin eh.
YOU ARE READING
Crushback (COMPLETED)
Short StoryZaennie is a Grade 12 student in University of Pangasinan, she came from a wealthy family. Despite of having a good friends she was deceived by unexpected peoples around her. Everyone is amazed by her beauty she may look bright but inside her is a d...
