I am innocent

25 2 0
                                        

*mamamatay tao ka

*Murderer

*Sana mamatay karin na hayop ka

*wala kang kwentang kaibigan.

*sana ikaw nalang yung namatay

Wala nang mas hihigit pa sa pagkakaibigan nina Sam at Klayh,most of the time makikita mo silang magkasama at sobrang saya,they treated each other like they were sisters. Wala oras na makita mong sila di magkasama kung saan si Klayh andun din si Sam,sabay sila pumapasok sabay din silang umuwi.

Sam's POV.
Sobrang di ako makapaniwala na magiging ganito kami ka close ni Klayh,kasi sobrang ganda nya,mayaman at matalino ,tapos ako average lang na tao, di mayamam ,di matalino tas dipa maganda. Nong una akala ko talaga maldita sya tsaka snob, pero hindi eh sobrang mali ako sa mga naisip ko.. We eventually became best friends kasi sobrang daming common traits naming dalawa. We both love Kpop at parehas din kaming wattpader. Kaya nag click kami ka agad. Marami ngang galir sakin na girls,bakit ako da ang kaibigan nya eh andaming mayaman ng babae sa campus at kasing ganda nya.. Well bahala sila dun mamatay sila sa inggit..

Sobrang saya na kasama si Klayh as in sobrang kalog din nya, we even share our personal secrets,pati crush namin at mga family problems.
Sobrang sikat nya sa campus,seh was our campus sweet heart, cheerleader sya kaya halos lahat na yata ng lalaki at mga tomboy sa campus nililigawan sya.
Her life was so perfect,
mayamam,maganda,matalino,talented at marami pang nanliligaw..walang araw na walang chocolate at roses sa locker nya sa university.

Pero kahit ganun,sobrang simply nyang babae at sobrang humble,lagi nyakong niyayang magstreet food bago umuwi,pinakpaborito nyang kainin ay isaw tas isasawsaw sa sorang anghang na sukang paumbong.

Lagi nyakong pinapapunta sa bahay nila,para ngang pamilya na rin turing nila sakin. Ang bait din ng pamilya nya sakin. As in masasabi ko talagang ang perfect ng buhay nya.

Sobrang saya ko na nakilala ko si Klayh until oneday,pumasok ako at lahat nag iba na.

Papasok akong gate na nakauniform at naka hooded-jacket na black tas may earphone.

Pagkapasok ko sa gate lahat ng estudyante nakatingin sakin na para bang kakainin ako,
Nagbubulungan at habang nakatingin sakin,tuloy lang ako sa lakad lahat ng madaanan kung estudyante ay natatakot at umiiwas sakin,para bang nakasalubong ng tigreng gutom..pero wala akong paki sa kanila,basta alam ko wala akong ginagawang masama..

Pagdating ko sa classroom ay ganun din ang set up,lahat ng mata ay nasa sakin,, dumiristo lang ako sa dulong upuan sa pinaka likod ad umupo..

Natapos ang napakaboring na klase, lunch break na,,  i put my hood and my earphone at unang lumabas sa classroom at umuwi.

Habang papalabas ako sa gate,sinalubong ako ng mga taong may camera,probably mga reporter, binalak kung umiwas sa kanila pero natigil ako bigla.

Report1-  "totoo ba ang sinasabi nila na ikaw yung tumulak kay Klayh sa Building?"

Report2- " totoo bang pinatay mo sya dahil naiingit ka sa kanya?"

Sobrang uminit bigla ang tenga ko sa narinig ko at tumulu yung luha ko ,,kaya pasigaw kong silang sinagot habang tumutulo ang luha.

"WALA KAYONG ALAM. HINDI,, KO PINATAY SI KLAYH".

" sinungaling ka. Ikaw lang yung kasama ni klayh sa rooftop noong araw yun,at ikaw lang yung may motibong gawin yun sa kanya dahil naiingit ka,,mamamatay tao ka." Sabi ng isang estudyanteng babae,habang yung iba ay napapalibutan kami..

"NOOOO, HINDI KO PINATAY SI KLAYH,,,,DIKO MAGAGAWA SA BEST FRIEND KO YUN,,HINDI KO PINATAY SI KLAYH". sagot ko namn na nanginginig ang boses habang humahagulgol sa iyak.

Patuloy lang ang taong ng mga reporter sakin pero diko na pinansin,ang nasa isip ko lang ngayon sa ay si klayh, bumubuso na ang luha ko sa kakaiyak at tuloy parin ang sigaw ng ilang estudyante na ako ang pumatay kay klayh.. Iyak parin ako ng iyak, nang biglang may sumabunot sa buhok ko at dinumog nako ng ilang estudyante,,sobrang galit nila at ako ang sinisisi sa pagkamatay ni Klayh. Pinagtulungan nila ako,dinako nakagalaw at sumisigaw lang ako sa sakit, bigla kaming inawat ng guard kaya ako nakawa sa kanila.

Habang hinaharang ng guard ang mga estudyante gusto lumapit sakin ay bigla akong nagulat ng biglang may nagbato sakin ng tubig na may food color na pula na parang dugo,tumama at nabasag sa mukha ko ang tubig ,nagmukhang duguan ang hitsura ko, walang ilang segundo ay may sumunod na naman hanggang marami na silang nagbabato sakin.

*Ikaw yung pumatay kay Klayh

*mamamatay tao ka

*Murderer

*Sana mamatay karin na hayop ka

*wala kang kwentang kaibigan.

*sana ikaw nalang yung namatay

*sana ikaw nalang yung nilaglag sa building.

Sobrang nakong basa sa mga binabato nila,naka tayo lang ako habang nkaharang ang siko sa mukha ko para di masabuyan ng tubig. Nagmukha akong duguan sa harap ng marami, mesirablee at nanginginig sa iyak. Tumakbo ako paalis at bumalik sa likod na campus at nag tago sa mga tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Am InnocentWhere stories live. Discover now