Introduction
"Celia! Bilisan mo nga dyan at malalate na tayo!" Sigaw ko sa babaeng sobrang tagal kumilos, ang hinhin kasi kung gumalaw kaya palagi kaming nalalate.
"Hintay lang kasi! Nawawala pa ang salamin ko..." Aniya, at nang mahanap na ang kanyang salamin ay agad kumaripas ng takbo papunta sa akin. Hindi kasi niya sinusuot ang salamin sa loob ng bahay, sinusuot niya lang ito kapag may lakad or events kaya kinabukasan nalilimutan niya kung saan niya nailagay.
"Come on. We need to be fast, first day na first day, late tayo. Tsk." Reklamo ko, tumawa lang siya at pinalo ako sa braso. Matapang kasi siya kahit na ganyan siya kahinhin kumilos, hindi siya takot malate. Palibhasa kasi laging may karamay.
"Asus.. Gusto mo lang makasabay si Kuya Marc sa pagpasok eh. Haha!" Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko. I rolled my eyes. Hindi ko na siya pinansin kasi alam kong hindi niya ako.
Tumakbo na kami palabas kung saan naghihintay si Mommy sa loob ng kotse. Nakatingin lang siya sa orasan at mukhang kanina pa naghihintay.
Pumasok na kami sa loob at agad niya naman kaming nilingon, "Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Mommy atsaka pinaandar na ang kotse. Tinuro ko naman si Celia, ngumiti lang siya kay Mommy at nagpeace sign. Lokong bata talaga.
Ibinaba kami ni Mommy malapit sa school nang makarating kami, hindi na niya kami hinatid pa sa gate mismo kasi nagmamadali na rin siya. Late na rin kasi, hindi kasi ginising ni Daddy.
College student na ako at nasa High School pa lang si Celia. Mas matanda kasi ako sa kanya ng limang taon. Pero kahit na ganun, mas matapang pa rin siya sa akin pag nalalate. I hate being late, gusto ko palagi akong maaga but this sister of mine slows me down.
"Ate! Mauna na ako, hintayin mo ako mamayang uwian ah?" Paalala niya sa akin bago tumakbo sa mga kaklase niyang kasabayan niya ring malate. Sana all may karamay. Asan na kaya si Marc?
Kinakabahan ako. Hindi pa kasi ako pamilyar sa school na to, hindi ko pa siya tuluyang nalibot bago pa magpasukan. But I need to act cool. Malawak kasi ang school na to, malaki rin at enough para maaccomodate ang napaka raming estudyanteng pumapasok dito. Public school kasi siya pero kayang- kaya makipagsabayan sa mga private schools na nakakaangat. Kilala rin siya sa labas ng bansa kaya as a College student already kailangan kong maging magaling.
"Nalyn?" Biglang may nagsalita sa likuran ko at agad itong tumakbo papunta sa akin. "Oy! Ikaw nga! Kailan ka pa lumipat? I thought dun ka na forever. Haha!" Sino to? Gosh, hindi ko siya maalala.
"Ahm.. Hello?" Hindi ko na talaga siya maalala. Mukhang alam niya rin 'yon kasi natawa siya at inakbayan ako. Wait feeling ko close kami nito dati pero 'di ko talaga maalala.
"Don't remember me, huh? Haha! Briana, kaklase kita nung high school." Hmm. Now I remembered. WAIT! Naalala ko na!
"Briana! OMG! Sorry nalimutan kita." Sabi ko at niyakap siya. I missed her. Tumatawa lang siya at niyakap ako pabalik.
"Saan ka pala papunta kanina?" Tanong niya nang matapos na ang yakapan moment namin.
"Sa room ko sana pero mukhang naliligaw ako. Hindi ko kasi alam kung nasaan na ako eh." I explained at tumango- tango siya sa akin.
"Can I look at your schedule? Patingin ako ng room name mo." Sabi niya kaya agad kong iniabot sa kanya yung papel na naglalaman ng schedules ko.
"Awww! Ang sad naman nito, we're not in the same room. At wala man lang tayong parehong subject na kailangang pasukan for this day." Malungkot na sabi nito sa akin habang kinukumpara ang schedule ko sa kanya. "Pero don't worry, kaklase mo naman si Marc eh. Nakausap ko siya kanina nung nasa baba ako. Your room is just in the right corner of this building." Explain niya kaya tumango na lang ako. Pinasalamatan ko siya bago siya tumakbo papalayo sa akin.
Agad akong pumunta sa diretsong tinuro niya, at ang swerte ko kasi wala pa yung prof namin. Naghanap na ako agad ng upuan pagkarating sa room, pinili ko yung malapit sa bintana at medyo nasa dulo. Inayos ko ang gamit ko bago umupo. Wala pa namang gaanong tao sa loob ng classroom, mga nasa sampu palang kami at niisa dun ay wala akong kakilala. Wala pa yata si Marc, naligaw din yata. Pero sabi ni Briana nagkita raw sila kanina sa baba? Bahala na, maghihintay na lang muna ako.
"Goodmorning people in the world!" Biglang may sumigaw sa pintuan kaya napatingin ako doon. Marc? Huh? Bakit nag iba ang kanyang itsura? O sadyang ako lang talaga 'yon?
Dumako ang atensyon niya sa bahagi ko kaya nagtagpo ang aming mga mata. Lumiwanag ang kanyang mukha at biglang ngumiti sa akin. Kumikislap ang kanyang mga mata na puno ng kasiyahan. Namula naman ako sa reaksyon niya, bakit kaya?
"Nalyn?" Tanong niya at mabilis na naglakad papunta sa akin. "Oy! Ikaw nga!" Aniya nang mapagtanto na ako talaga ang ngayo'y nasa harapan niya. Tinitigan ko lang siya kasi feeling ko mas lalo siyang gumwapo sa malapitan. Tinapik niya ang braso ko atsaka umupo sa tabi ko. "Hey, hindi mo ba ako namiss? Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya nang mapansing wala pa rin akong kibo. Natigilan ako at pakiramdam ko mas lalo akong pumula.
"Ah.. Eh... Oo namiss kita hehe ang tagal na rin kasi nating hindi nagkita kaya medyo nanibago lang ako." Oh, this is awkward. Ngumiti ako ng pilit sa kanya, natawa naman siya sa sinagot ko.
"Kumusta ang pag-aaral sa Cebu? Hmm?" Tumingin siya sa akin, kaya tinignan ko rin siya pabalik. "Ah, okay lang naman. Masaya, pero iba pa rin talaga ang pakiramdam dito sa Manila." Sagot ko.
Totoo naman eh, iba talaga ang pakiramdam pag nasa lugar ka na kinabibilangan mo talaga, kung saan ka ipinanganak. Masaya naman ang buhay sa probinsya, peaceful at sariwa ang hangin. Puro mga halaman sa paligid ang makikita at napaka tahimik.
Tumango naman siya sa akin, "Dito na lang ako uupo para tabi tayo." Ngumiti siya sa akin at ayan na naman ang kumikislap nyang mga mata. "I missed being your seatmate." Aniya saka nag iwas ng tingin. Natawa naman ako, miss ka dyan.
"Anong miss? Haha! Baka ang ibig mong sabihin, 'I missed being your kakopyahan'?" I teased, humalakhak naman siya. Pero sa totoo lang.. I missed you too Marc Gabrielle Martinez.
YOU ARE READING
It Started with an Assignment (ISWAA)
FanfictionBago lang ako sa isang public school na pinapasukan ng kapatid ko. Hindi ko inexpect na marami pala akong magiging close dahil isa nga akong "Tahimik na Nerd" kung tawagin ng lahat. Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan sa pagkakaroon ko ng marami...
