One Shot

49 4 35
                                        

Nakatayo, kung saan muling nagsimula ang lahat. Sa isang munting tulay. Naiiyak habang nakatingin sa lalaking aking minahal. Noon. Hanggang ngayon. At sa kinabukasan.



Nagmamadali akong pumasok sa school ng may....
"Miss!" "Miss!" "Miss!" Lumalakas ng lumalakas ang sigaw na boses lalake. Lumingon ako para tignan kung sino ang tinatawag niya. Ako pala. "Yung ID mo miss hindi mo napansin, nahulog" salaysay niya. "Salamat" tanging salitang nasabi ko dahil nagmamadali talaga ako sapagkat mahuhuli na ako sa unang klase ko.

Kagaya ng dati, napaka'STUDIOS' ko parin gaya ng sabi nila.
Hindi ko namalayan na uwian na pala at habang nag-aayos ng gamit, nagulat ako ng makita ko na naman ang lalaking nagsauli ng ID ko kanina.

"Ano 'yun?" tanong ko.

"Ahm, magpapakilala lang ako kasi classmate pala kita pero 'di tayo magkakakilala. Ryve Guiven."

"Viveca René"

"Hindi ka pa ba aalis?"

"Aalis na."

"Okay. Pwede bang ihatid kita?"

Hindi ko sinagot ang iyong tanong at umalis na pero ako'y iyong sinundan kaya't hinayaan nalang kita. Nang marating natin ang labas ng school kung saan may munting tulay na doon isinauli mo ang ID ko. Tumawid ako sa pedestrian lane dahil pagtawid ay ang bahay na namin.

"Hindi na ako magugulat na mayaman ka pero nagulat parin ako dahil hindi ko alam na ganito kayaman." napalingon ako sa gulat dahil sinundan mo pa pala ako.

"Hindi ako. Parents ko." Naiinis kong sabi. Everytime kasi na may nakakakita sakin na classmate ko or nakakakilala sakin, ganoon yung sinasabi. Naiinis talaga ako sobra.

"Ah, okay." Nakangiti niyang sabi. "Sige, alis na ako" dagdag niya.

Tumango lang ako at hinintay siyang makaalis. Pagkapasok ko sa bahay nadatnan ko si mama at ate kasama ang pinakahihintay, na dalawa kong bestfriend. Nakangiti silang lahat na ikinataka ko. Pero na excite 'din ako kasi dumating yung bestfriend kong dalawa na engage na rin!
Kwentuhan, dinner pagkatapos nagshower at nagpahinga.

*KRIIIIIIINNNNNGGG* Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sakin. Omy! Malapit na naman akong late! Morning routine 50mins. Run! Run! Run! Hayst! Buti nalang pagdating ko sa classroom wala pang professor. Nagulat ako bigla nang sumulpot nalang si Ryve sa harapan ko.

"Good Morning Viv!" Masayang bati niya.
"Mornin'" maikling sagot ko. Hinihingal kasi ako, kasi diba tumakbo ako papunta school at eto nga nahihirapan akong makahinga. Nakapatong yung kamay ko sa dibdib ko at kinakalma ang sarili ko na umuupo.

"Hoy! Ano ba kasing nangyari sayo? Ayan tuloy inaatake ka ng sakit mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na may problema ako sa paghinga? Yup! Noong bata ako wala naman akong ganitong sakit eh. Pero nang medyo nag-teenager na, napansin ko yun sa sarili ko. Shortness of breadth daw.

"Huh? Sakit? How'd u know I have?" Deretsong tanong ko sa kanya.

"Ah-- ahm-- uhm--hmm, kasi ano... Nagresearch ako!" Kinakabahang sagot niya na ewan.

MUNTING TULAYStories to obsess over. Discover now