" Mahal mo ba ko Monicabrenda? "
"Oo.. sobra... to the highest level Toni.."
"Kahit malaki tiyan ko?"
"Ahm...(nagisip ng maigi...lumunok ng laway..) bago pa kita nakilala e malaki na tiyan mu.. may magagawa pa ba ko dun?..."
"Salamat Monica... I Love You!"
Niyakap ng mahigpit ni Toni si Monicabrenda. Ganun din si Monica sa kanya.. Nagyakapan sila na parang wala ng bukas...
"Kung mahal mo ko iiwanan mu si Lowe O'Hips..."
"Gusto ko man siyang iwan kaya lang..."
"Kaya lang ano?..." tanong ni ToniPet.. Naglakad si Monica..
"Ayokong mawalan ng trabaho..."
"Anak ng pitong aswang yan oh!..." Galit na sambit ni Toni Pet.
"Ako ang magtatrabaho para sa ating dalawa... Pupunta ko ng Saudi, ng Iraq, ng Iran, ng
Greenland.. Manghihila ako ng barko...Magbebenta ako ng Dogcage, chisel, ceramics
atbp..."
Sa di kalayuan. May dumating na isang matandang lalaki ...
"Mga taksil kayo!!!"
"Lowe O'Hips!!! Anung ginagawa mu dito?" Nagulat na tanong ni
Monicabrenda..
"Bahay ko to!..." Sigaw ni Lowe
"Hehe... oo nga pala.. sori lang!" sundot ni Monicabrenda
"Anung ibig sabihin nito Tony? Pinagkatiwalaan kita... ikaw pa naman ang
pinababantay ko dito pa gabi tapos ganito lang ang gagawin mu sa kin...ikaw pa ang aagaw sa Monicabrenda ko.." madamdaming pagkakasabi ni Lowe O'Hips sabay ubo na parang may TB.
"Kasalanan ba ang mahulog sa kanya? Sa tuwing naglalakad siya dito sa
mansion mu.. lagi ko siyang pinagmamasdan.. sobrang nakakain-love siya pag nag wawalkathon siya buong araw dito sa mansion mu... para siyang yung rabbit sa energizer... sino bang di magmamahal sa ganyang babae...nakita mu ba ang kalyo niya sa paa? Champion!" sagot ni ToniPet habng hinihimas ang tiyan niya..
"Lahat ng kalokohan mu dito hinahayaan ko lang... Lahat ng tinungga mung
popcola sa freezer ko e pinaalpas ko lang... tuwing umaga laging simot ang
tindang monay sa bakery... aus lang din sa kin.... Sinasamahan kitang mangolekta ng dogfoods sa lahat ng branch Jollibee, naalala mu yun? Tapos ganito pa ang isusukli mu sa kin..." hirit ni Lowe O'Hips.
"Anak ng pitong aswang...Sino ba talaga ang mahal mo sa amin Monica?"
"Oo nga... dapat ngayon mamili ka..." tanong din ni Lowe O'Hips.
"Ahm... Mahal ko kayo pareho... kaya lang... ang mahal ko talaga si..."
"SINO?!!!"
"Sino Monica Brenda?.."
"Si..."
Sa likod ni Monicabrenda parang kabuteng sumulpot ang isang lalake...
"Siya talaga ang mahal ko... si Elmer (Ang Gwardya)..."
"ID nyo? San kayo pupunta? Bawal lumabas ang HighSchool.." sabi ni
Elmer.
"Sige alis na kame... pasensya na..."
"MONICA!!!!"
"BRENDA!!!!"
"WAAAAHH!!!"
-end-
YOU ARE READING
ANIK ANIK (DOS) 12/2006
Teen FictionAng susunod na kwento ay pawang kathang isip lamang. Ang mga nabanggit na lugar, pangalan o eksena ay (HINDI) imahinasyon lamang ng manunulat.. Patnubay ni ANITO ay Kailangan
