"Sha" tawag sakin ng kaibigan ko.
"Oh bakit? Anong meron bat hingal na hingal ka?" Ang tanong ko sa kaniya.
"Si Aster kasi eh" napasin kong tila maiiyak na siya pagkatapos nitong sabihin.
"Bakit nga? Hoy Xyryll ano ba?" Sa oras na ito ay nakaramdaman ako ng kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Si Aster ka-ka-si...puntahan mo na lang siya" habang sinasabi niya ito ay tuluyan na siyang umiyak.
Kinakabahan ako kaya nagmadali na akong puntahan si Aster at pagkarating ko sa lugar
kung saan ang sinabi ni Xyryll ay nakita ko ang maraming nag kukumpulang tao, na tila may
inuusisa. Rinig na rinig ko ang mga bulungan nila siyang nagpapabilis ng pintig ng puso ko.
"Grabe ang bata niya para mangyari sakanya to"
"Nakakawa naman ang binatang to"
"Nakakaawa ang sinapit niya, walang awa ang nakagawa nito sakanya, hindi man lang niya dinala sa hospital." Ilan lamang yan sa mga naririnig ko mula sa mga taong nasa aking paligid.
Nakipagsiksikan ako sa mga tao para makita Kung anong nangyayari. Wala akong paki-alam kung magalit sila. Pero hindi ko na napigilan ang sarlili kong hindi umiyak lalo na nong nakita ko si Aster. Bigla na lang akong napahagulhol noong nakita ko siyang duguan at nakahandusay sa daan. Tila ba sinaksak ng paulit ulit ang puso ko sa sakit.
"Bess gumising ka, huwag mo akong iwan, huwag kang madaya bess sorry na oh
gumising kana diyan, hindi ko kayang mawala ka". Ang sabi ko noong malapitan ko siya.
"Ang daya mo nangako ka na walang iwanan tapos ganito ang gagawin mo" Ang sabi ko habang niyugyog ko siya. Pero kahit anong gawin ko, kahit yugyugin ko siya ng ilang beses wala na akong magagawa. Pero hindi, hindi ako susuko.
Patuloy parin ako sa pagmamakawa na gumising siya, wala akong paki-alam sa mga taong nasa paligid ko, wala akong paki-alam! Patuloy parin ako sa pag-iyak ng may naramdaman akong kamay na tila hinahagod nito aking likod.
"Sino ba kasing nagsabing iiwan kita? Hindi ko rin naman kayang iwan ka" Nagulat ako ng
pagtingin ko kay Aster ay nakangiti ito. Siya nga yong nagsalita pero bakit? Puro bakit at paano na lang yong nasa isip ko. Lumingon ako sa mga taong nasa paligid namin nakita ko ang mga kaibigan ko Si Xyryll, Valliah, at Kychrn. Pati narin ang iba ko pang kaklase nakangiti ang mga 'to.
Binalik ko kay Aster ang tingin ko at nagsimula itong magsalita ulit.
"I Love you three words that brought me here. I don't want to lose you. I don't want to see you with someone else kaya ngayon palang aamin na ako sa tunay kong nararamdam. I love you more than the stars and moon combined. I love you more than friend. I want to spend my whole life with you. I hope you will let me, let me love you Yshara. Please give me a chance".
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Oo ayaw ko siyang mawala sa
akin, mahal ko siya, mahal ko siya bilang kaibigan.
"Papayag na yan" "Say Yes Yshara" sigaw nila Valliah, Kychrn at Xyrill. Pero magiging
sinungaling ako at masasaktan ko siya sa bandang huli kong papayag ako. Lalo na't alam kong hindi ko pa tuluyang nakakalimutan yong taong una kong minahal.
