-

Inabot na siya ng dilim sa daan pero hindi parin naalis ang excitement na nararamdaman niya. He’s too giddy and excited to have Spencer in his arms.

Nang marating niya ang villa ay mukhang nakatulog na ang mga tao roon bukod sa katiwala, agad naman siyang pinapasok nito dahil nakilala siya nitong kaibigan ng pamilya. Tatawagin sana nito si Spencer dahil gising pa daw ito pero pinigil na niya ito. Gusto niyang sorpresahin ito.

Matapos iparada ang sasakyan hindi kalayuan sa masyon ay nagmamadali siyang pumunta sa balkonahe na tumatanaw sa Pacific Ocean, ayon kasi sa katiwala ay naroon daw si Spencer.

Nakasandal si Spencer sa isa sa mga haligi ng balkonahe. Mukhang malalim ang iniisip nito. Sinamantala niya iyon para pagmasdan ito. Naka itin na leggings ito, malaking puting t –shirt at tsinelas na sipit, malayung – malayo sa karaniwang get up nito.

“What are you thinking?” sa wakas ay sabi niya, mabilis ang naging paglingon ni Spencer at nanlalaki din ang mga mata nitong naka tingin sa kanya.

“What are you doing here?!” Balik tanong nito.

“Mausok sa Maynila and I needed a break.” He shrugged as she rolled her eyes.

“Liar! Why are you here?!”

“I’m here because you’re here.” Sinserong pag amin niya, alam niyang nagulat ito sa sinabi niya dahil hindi kaagad ito nakasagot.

“Well, uhm … okay?”  Nagbaba ito ng tingin. Marahan siyang naglakad papalapit dito at niyakap ito, hinayaan siya nito sa ginawa niya. Itinaas niya ang mukha nito sa kanya. His lips descended on hers, he gave her a kiss as light as a feather.

“I’ve missed you so darn much la mia bella.”

“I’ve missed you too.” Mahinang bulong nito pero labis iyong ikinatuwa ng kanyang puso. Spencer admitting something like that rarely happens. He embraced her tightly. God knows how long he wished to do this.

-

Maganang kumakain ng hapunan si James, malawak ang pagkakangiti nito sa kanya, siya kasi ang nag aasikaso sa pagkain nito, ipinagsandok niya pa ito ng kanin at ulam, ipinagsalin niya din ito ng tubig sa baso, kulang na nga lamang ay subuan niya ito.

“You are acting like a dutiful wife la mia bella, I like it.” He grinned teasingly at her.

“Kumain ka na nga lang!” Kunwari’y galit niyang sagot pero damang dama niya ang pag iinit ng kanyang pisngi dahil tama ang sinabi nito. She’s acting a like a dutiful wife to him and she kinda liked it also. It’s just that she knows that James appreciate her more than anything else.

Matapos kumain ay sinamahan niya ito sa silid na ipinahanda niya para dito.

“This will be your room.”

“My room?” Tanong nito.

I've never been this nasty 2 (JAMES FRANCESCO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon