Short Story Tips

46 11 0
                                        

10 Tips sa Pagsusulat ng Short Stories at One Shot

1. Know your genre first. 

Mahala talaga na alam mong mabuti kung anong genre ang isusulat mo. Kahit na sabihin pa nating Romance lang yan, may mga more specific tayong guidelines sa pagsusulat ng Romance. For example, iba ang Horror sa Paranormal. As you can see, ang Paranormal ay Horror din pero hindi lahat ng Horror ay Paranormal. You know what I'm saying? As well as lahat ng Erotic ay Romance pero hindi lahat ng Romance ay Erotic.

 Mahalaga talaga na alam mong mabuti kung ano ang mismong genre mo at kung hanggang saan ka lang, kasi baka masaktan ka lang. Char. Mahalaga na alam mo kung ano talaga ang genre mo ng mabuti kasi kapag nagkamali ka sa genre mo, matatalo ka sa mga contest by default. Its either disqualified ang gawa mo or isasali parin nila pero hindi ka na pwedeng maging grand winner.

2. Begin smoothly.

Sa pagsusulat ng one shot or short story, para sakin ha, mas mahirap kung simulang simula palang, nagbakbakan na or mabigat na agad ang story. Tapos ano, kasunod naman niyon yung backstory? Medyo hindi magandang format para sa one shot/ short story.

Para smooth ang daloy ng kwento mo, pwede kang maglagay ng introduction. Dito kadalasang naglalagay ng mga tanong na masasagot sa huli. May pa-monologue ang bida mo dito pero pwede rin namang wala 'to, pampaganda lang naman 'to ng daloy eh.

3. Give the main goal or purpose of the main character.

Dapat ay maibigay mo na agad dito kung ano ang pinakamain goal ng bida. Kasi maliit lang ang word count nito kaya dapat wag mo masyadong patagalin. Like ilagay mo dito kung ano ba ang mangyayari, ilagay mo dito kung sino ba ang makikita niya, ilagay mo dito kung bakit ba niya yon ginagawa.

For example, This is my own one-shot story.

Inihanda ko na ang dadamitin ko mamaya pagkatapos ng klase. Polong puti at blue at pantalon. Umalis na ako ng bahay pagkatapos at pumunta na ng eskwelahan. Malaki ang ngiti ko pero at the same time kinakabahan ako.

Bago ako pumasok ay lumapit ako sa guard. Ngumiti ako sakanya. Ibinilin ko sakanya na iabot sa babaeng late na nagngangalang Rain ang mga bulaklak na binili ko para sakanya. Mababango at magandang klase ang mga bulaklak na yon kaya may kamahalan ang presyo. Pero ayos lang naman dahil ito pa lang naman ang unang beses na gagastusan ko ang babaeng iniibig ko.

Ibinilin ko rin sa guard na kahit anong mangyari wag na wag niyang sasabihin kung sino ang nag abot. Makulit pa naman yon si Rain. Madaldal siya at nakakatuwa at kapag tumatawa siya o ngumingiti, lalong nahuhulog ang loob ko sakanya.

4. Be descriptive enough.

Kapag nagsusulat ka ng one shot, mas maganda kapag descriptive ito. Unlike kapag novel, kapag novel kasi may mga tinatagong secrets, may pasabog effect and pamysterious, basta ganon. Pero kasi kapag one shot, dapat nagbibigay ka ng exact words. Like ang pangit naman kasi sigurong basahin ang, 'Binigyan ko siya ng bulaklak kaya may mga lumapit sakanya.' Mas magandang pakinggan sana yan kung 'Pinagkaguluhan siya dahil sa dala niyang isang boquet ng mga pulang mababangong rosas.' Pero depende naman yan sayo kung sa isip isip mo ay 'bahala na silang magisip kung anong bulaklak' pero for me kasi, nakakabighani at nakakaganang magbasa kapag may mga informations kang nalalaman at descriptive ang pagkakasulat.

5. Remove onomatopoeia and silly expressions.

Dahil nga maliit lang ang word count ng mga one shots at short stories, hindi mo pwedeng sayangin ang words and spaces sa mga walang kwentang omg, ah, eh, uhm, psh, aish and anything na kaya namang maihatid sa nagbabasa kahit na hindi direct ang sinasabi.

Instead of: "Psh. Tigilan mo nga ako, tanda. Napakaingay mo palagi, aish! Go away!"

Use Only: "Tigilan mo nga ako, tanda. Napakaingay mo palagi. Go away!" 

As you can see, tinanggal ko na ang mga expressions. Kasi naman, automatic na yang maiinterpret. Like yung 'Psh' atsaka 'Aish', parang nangtataboy yon at naiiritang expression. Hindi mo na kailangang ilagay yon kasi from the sentence na , 'Napakaingay mo palagi.' at 'Tigilan mo nga ako, tanda", masasabi mo na na naiirita siya. Kung hindi mo gets, balakajan!

6. Always use correct punctuation marks.

Kadugtong 'to ng number 5. Kapag mali mali ang punctuation mo, your readers may misinterpret the mood or emotion. For example, galit ang bida mo at hysterical na pero imbis na gumamit ka ng exclamation mark, tuldok parin ang ginagamit mo. Wag ganon, bes. Yung iba kasing readers, gaya ko, binabase ko talaga ang intonation at lakas ng boses ng mga characters base sa nakikita kong punctuation. At pag nagsusulat ka ng one shot and short stories, mahalaga na maayos mong maideliver ang mood.

7. Give your dialogues heavy moods to develop catch lines.

Remember, in writing short stories, especially one-shots, madalas nilalagay na excerpt or para bang teaser ang mga dialogues na catchy, and they are what you called catch lines. Sa mga catch lines na yan, dapat kagaya nga ng sabi ko, detailed and may correct punctuations and remove the filler words or silly expression. Payag ka ba nakalagay sa harap ng book mo na catch line is, "Ah eh. Uhm, s-sorry po kuya kasi uhm nagmamadali po kami sa paglalakad eh." Diba ang sagwa tignan at basahin? Puro ah, eh, uhm-- sungalngalin kita dyan eh! Joke. Anyway, this is a sample of a catch line na pwedeng gawing pang excerpt.

"...ako dapat ang kanyang partner sa Valentines Night. Na ako dapat ang pinakamasayang lalaki ngayon. Na ako dapat ang may hawak sa kamay ng pinakamamahal kong babae. "

8. Make unexpected events and plot twist.

Mas tatatak sa mga readers mo ang isang story kapag nagugulat sila sa mga pangyayari at hindi nila nahuhulaan kung ano ang mangyayari. Like who would want to read a story na sa simula pa lang alam mo na agad kung anong magiging ending tapos yung mga dialogues pwede mo nang i-dub dahil saulo mo na dahil paulit ulit lang sa mga nobela? Make plot twist to deliver roller coaster of emotions. Yung tipong masaya sila tapos biglang may nangyari.

This is an example: (a wtf moment like "what the hell?)

Inaya ako ni Rain sumayaw. Kasabay ang mabagal na tugtog, mabilis naman ang tibok ng puso ko. Ngayon ko na gustong simulan. Inamoy ko muna kung mayroon parin ba ang fresh mint na inspray ko sa bibig ko. Meron pa.

Tinawag ko siya sakanyang pangalan ng mahina. Lumingon naman siya sakin ng magiliw at nakangiti. Pero bago pa ako makapagsalita, biglang lumapit ang bestfriend ko. Paepal naman, magmomoment na nga kami ni Rain

Bumitaw ka sa mga kamay ko at maya-maya ay nakita ko nalang na yumakap ka sa aking bestfriend. Hinalikan mo siya sa pisngi ng harap-harapan sakin. Ngumiti ka ng matamis at nagsabing, "Thank you for the flowers and chocolates. I appreciated."

9. Give your story a meaningful and mysterious title.

Kagaya rin ng sabi ko sa number 8, dapat mysterious at may mga unexpected plot twist and events talaga. Yung para ba mas kapana-panabik. Ang tanga mo naman siguro kung sa short story mo sinesecret mong mamamatay tao yung bida pero ang title nito ay 'He's A Murderer.' Diba ang tungiks? 

Give your story a title that will puzzle your mind.  A one-word title will do and I highly recommend giving your short stories and one-shots a one-word title kasi mas mysterious yon at mas maeenganyo ang mga readers basahin dahil aalamin talaga nila kung bakit yoon ang title niyon.

10. Create a remarkable ending.

Ang mga ending na kasal, engagement, kissing scene at flowers na ipinapabigay ay over rated. Kapag nagbasa ang reader mo ng one shot or story mo na ganto palagi ang ending, hindi na siya maexcite. I mean sino ang magtatiyagang magbasa ng buong story mo kung alam nanaman nila na ang ending ay kasalan din? Mapapasabi nalang sila na walang kwenta ang unang story dahil pare parehas lang naman ng ending.

Try exploring and making ending scenes na kapag may bumasa ay kikilabutan, maiiyak, matatawa, bubungisngis or anything basta much heavier ang mood kaysa sa naung story.Give it a standing ovation ending na unexpected din so you can write a better one-shot or short story.

================================
A/N:

Writing TipsWhere stories live. Discover now