Unending Last

26 3 0
                                        


Karen's POV

Natuwa ako nung makita kong paparating si jacob ng bahay si jacob na may dalang box. Kaya naman dali dali ko siyang nilapitan para batiin ito.

"Hi mahal! Muahhh! Buti naman nakauwi kana? Namiss kita agad eh!"
Pagbati ko sa kanya ng halikan at yakapin ko siya.

"Hays nakakapagod." Sinabi niya ng malamya kaya pumunta siya sa may sofa at naupo.

Sumunod naman agad ako para tabihan siya.

"Mukhang pagod na pagod ka ah? Ano ba yang mga dala mo?" Tanong ko sa kanya habang masaya akong nakatingin sa kanya.

Agad naman niya binuksan ang box na dala niya. Naeexcite na akong makita kaya naman pumunta ako sa likuran niya at yumakap.

"Uy! Ayan yung first gift mo sakin nung first monthsarry natin ah?"
Gulat kong sinabi ng makita ko yung unang regalo niya sakin. Isang picture frame at ang litrato ay ako.

"Sabi mo sakin pinakaunang litrato ko  sayo na stolen at nagpabihag sayo.  Bolero ka talaga jacob! Ang panget ko nga diyan eh!" Sabi ko naman habang tinitignan niya ang litrato ko na matawa tawa pa.

Binaba niya ito sa lamesa at kumuha ulit siya ng isa sa box.

"Explosion box! Naalala ko yan! Yan naman nung 1st anniversarry natin!"
Sabi ko naman bago niya buksan ito at buklatin ang bawat sulok at tignan ang mga litrato naming dalawa. Nakita niya ang isang lalagyan ng choco baby which is favorite ko na choco late,naalala ko na may may mga favorite akong chocolates na nakuha mula diyan. Choco baby! Pinaka favorite ko na hindi niya nakalimutan!

"Diko inexpect na marami pala tayo litratong dalawa, ang effort mo din maglagay ng message at sweet na mga pick up lines mo kasing sweet ng chocolates na binigay mo kahit ang corni mo hahahaha." Sabi ko naman habang tinitignan ang yung mga hawak niya na mga litrato.

Matapos niyang tignan ito, inilapag niya ulit ito sa mesa at kumuha ulit ng isang bagay sa box.

Nakita ko ang nakuha niya, isang ultimatum letter na gawa ko.

"Pa-paano mo nakuha yan!?" Tanong ko sa kanya habang ako ay nagtataka.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, hindi na niya ako sinagot at ito ay kanyang binuksan at binasa.

"Yan yung letter na dapat hindi ko na talaga ibibigay sayo bago ako pumunta sa states.  nangako ako na babalikan kita kung makakabalik ako, pero hindi na." Sinabi ko naman sa kanya.

"Pero tinupad ko yung pangako ko sayo diba? Bumalik ako para sayo, nangako ako na ikaw ang makakasama ko sa mga pangarap ko sa buhay, sa ating pagtanda at ang mamahalin ko hanggang sa aking huling pag hinga. Lumaban ako jacob." Nakangiti kong pahabol na sinabi sa kanya.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha habang binabasa niya ang sulat ko.

Napayuko siya at nilapag ang sulat ko sa mesa. Kumuha ulit siya ng isang bagay sa box. Isa itong maliit na parisukat.

Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat. Naluha ako sa nakita ko dahil sa sobrang tuwa.

Binuksan niya ito, at nakita ko ang singsing.

Niyakap ko siya mula sa likod at hinalikan ang kanyang ulo. Ramdam ko ang hikbi niya sa kabila ng tahimik na pag iyak habang tinitignan niya ang singsing at inilagay ito sa kanyang  dibdib.

"Mahal na mahal kita karen!" Sinabi niya habang humahagulgol siya.

"Mahal na mahal din kita jacob." Malungkot kona sinabi sa kanya habang yakap yakap ko parin siya.

Hindi ko magawang bitawan si jacob dahil kahit sa huling sandali ay gusto ko siya mayakakahit sa huling pagkakataon, kahit alam kong hindi na niya ako nararamdaman at nakikita.

"Patawad. Dahil sa huling sandali ng aking paglaban. Hindi ko kinaya ang chemo ko sa aking sakit na leukemia.ganun pa man bumalik ako, bumalik ako pauwi sa iyo na nakahiga at wala ng malay . Patawad dahil hindi ko natupad ang pangako ko sayo. Patawad hindi na ako ang makakasama mo sa lahat ng pangarap mo sa buhay, patawad hindi na ako ang makakasama mo hanggang sa pagtanda mo, pero pangako ko sayo jacob, mamahalin parin kita ng buo, kahit hindi na ako ang nasa tabi mo."

Tumayo na ako at binitawan siya sa pagkakayakap at ako ay humarap sa kanya.

Jacob's POV

Inisip ko na ilang taon na ang nagdaan at lumipas, nararamdaman ko parin ang presensya ni karen sa tuwing sasapit ang aming anniversary.

Itinabi ko ang mga bagay na binigay ko sa kanya dahil ito nalang ang alaala na meroon ako sa kanya.

"Daddy!" Nagulat ako sa sigaw ng aking anak na si celine habang tumatakbo papunta sakin.

"Hi sweet heart!" Bati ko sa kanya at humalik ako sa noo niya pagkayakap niya sakin.

"Daddy let's go!" Aya niya sa akin.

"What? Where do you want to go?" Tanong ko naman sa kanya.

"Do you really forgot what day is it?"  Tanong niya din sa akin with a bit confusion of expression on her face.

"No, i know it's sunday. We need to go to the church."  Sinabi ko naman sa kanya.

"Exactly! Come on!" Pag aaya niya sakin.

Pumunta kami ni celine sa simbahan.
Para magsimba.

Mabait na bata ang anak ko, maintindihin, malawak ang pag iisip at higit sa lahat, mahal na mahal ako.
Siya nalang ang meron ako sa pagkat iniwan kami ng mommy niya.

Naikkwento ko si karen sa kanya.
Interesado siya about sa ex girlfriend ko, which is nakakapagtaka. Mas gusto niya marinig ang about kay karen kesa sa mommy niya.

Natapos na ang misa kaya naman lumabas na kami sa simbahan.

"Daddy! I prayed for her!" Binanggit niya sakin habang kami ay naglalakad papunta sa kotse.

"Me too sweetie." And i said and smiled at her.

It was 6 years ago when karen passed away. She will never be forgotten.




The end.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken Promise.Stories to obsess over. Discover now