FRANCO'S POV
"Mga bata, mag-seatbelt kayo ng maayos dyan sa likod ah." nakangiting sabi ni mommy saming dalawa ni Mari.
"Opo mommy!" sabay naming sabi ni Mari.
*BOOGSH*
"Mommy! Anong nangyari ba't may dugo ka?" nanghihinang sabi ko habang umiiyak. Si Mari naman ay umiiyak din habang nakayakap kay Daddy. Mas lalo akong naiyak nang mamalayan kong may dugo ako sa ulo.
"Sorry anak, paalam. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo." nanghihinang sabi ni Mommy atsaka sya pumikit.
"Mga bata ayos lang ba kayo, halina kayo." narinig kong sabi ng isang lalaki at tuluyan nakong nawalan ng malay.
***
"Hoy Franco, san ka na naman pupunta? Halika nga dito! Hindi ka pa tapos mag-aral!"
"Ayusin mo ang pag-aaral, kailangang magaling ka sa lahat ng bagay! Wala akong anak na mahina!" sabi ng ama-amahan ko pagkatapos ay bubugbugin nya ako.
Hinahayaan ko na lang sya dahil wala namang mangyayari. Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob, tinitingan ko ang larawan naming dalawa ni Mari at nabubuhayan ako ng loob, nagiging masaya ako.
***
"Ma, wag kayong mag-alala magtatapos ako ng pag-aaral at ipagagamot ko kayo. Pangako yan."
"Ikaw ba ang nagpinta ng masterpiece na ito?" nakangiting tanong sakin ng isang lalaki.
"Opo, ako nga." nakangiti ko ding sagot.
"Masaya ako dahil sa wakas, asawa na kita."
"Hindi mo ko pwedeng iwan! Tandaan mo yan, akin ka lang!"
"Tama na... Ayoko na... Please..."
"Dok, tulungan mo ko please. Baguhin mo ang mukha ko upang makatakas ako sa asawa ko."
"Iba na ang mukha mo ngayon kaya wag ka nang matakot, ligtas ka na. At bukod sa mukha mo, poprotektahan kita mula sa asawa mo. Bakit? Dahil mahal kita."
"Mari, ikaw si Mari! Ikaw ang asawa ko! Bumalik ka ditooooo!"
*BOOGSH*
"FRANCOOOO!"
"Franco, kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Sino ka?"
"Hindi mo ko kilala?"
"Hindi, sino ka ba?"
Ano ang gagawin mo kung ang taong dating baliw na baliw sayo ay bigla kang nakalimutan.
Ibabalik mo pa ba ang alaala nya, gayong alam mong maaari kang masaktan ulit?
O kaya'y...
Ibabalik mo ang alaala nya, at mamahalin mo sya kahit na ikaw ay masaktan ulit?
Ako si Mari Yoon, at ito ang istorya ng buhay ko. At ipinapangako kong.. I will love him even when I'm sad.
VOCÊ ESTÁ LENDO
I'll Love You Even When I'm Sad
RomanceTEASER: Ano ang gagawin mo kung ang taong dating baliw na baliw sayo ay bigla kang nakalimutan. Ibabalik mo pa ba ang alaala nya, gayong alam mong maaari kang masaktan ulit? O kaya'y... Ibabalik mo ang alaala nya, at mamahalin mo sya kahit na ikaw...
