Chapter Eleven (Part 3)

Start from the beginning
                                    

Hindi biro ang mga mana na kailangan kong iwan. I should properly and fairly distribute it to my children...

"It's impossible to gather them in one place with me," I told Aya. "Mas mahapdi kong nararamdaman ang resulta ng mga naging pagkakamali ko noon..." Napabuntong-hininga ako.

Ibarra and Blair can stay in one room with their siblings. But not with me. Alessandro can stay in one room with Blair, but not with Ibarra and I...

"Magkakasundo lang ang tatlo para pagtulungan ako. I know I must endure their words as my repentance, but, Ysabella... Hindi ko maipapangakong hindi ako sasabog."

Hinaplos niya ang balikat ko. "I know your fears, my love..."

She gazed straight into my eyes. "Still, you need to face the three of them together. See it as an opportunity."

Napapikit ako.

"Isa pa, kailangan mo na din ipaalam kay Sandro at Blair ang tungkol sa kalagayan mo."

"They don't care, Aya..."

"Still, they need to know from you." Tumayo siya at kinuha ang telepono. "I'll arrange everything. Para ang kailangan mo lang gawin ay ang magdasal, maghanda, at kalmahin ang sarili mo." Nginitian niya 'ko. "Okay ba 'yon, Mr. Delos Santos?"

Napalunok ako. Kung may kayang pagsamahin ang mga anak ko at ako sa iisang lugar, si Amalthea Ysabella Anderson Delos Santos lang ang makagagawa niyon.

Dumating ang araw na kailangan kong harapin sabay-sabay ang tatlo kong anak. I silently utter short prayers every now and then. Sa isang pribadong conference room gagawin ang pagkikita namin ng mga anak ko.

Nandoon na 'ko isang oras bago ang usapan. Hinihintay ko si Aya dahil nakiusap akong sumama siya.

The kids behave when Ysabella is around.

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa. I stabled my breathing. Pinaghandaan ko na ang sasabihin ko at paano ko sasabihin ang mga iyon...

Ngunit kinakabahan ako. Ngayon na lamang akong kinabahan ulit nang ganito. Yet, I need to act cool and calm like the Santino Pierre Delos Santos that everyone knows...

"Hindi naman synonymous ang mukhang kalmado at ang poker-faced look. Try to smile," sabi ni Aya kagabi.

I'm hoping so bad that this will work out... I tried to pray, again. Ngunit, hindi pa 'ko nakapagsimula ay bumukas na ang panel glass door.

Bumungad ang sekretarya ko, at sa likod nito ay si Alessandro!

He showed up.

"At dumating ka nga..." nasambit ko habang nakatingin rito. I saw him last week in another business expo. Pero hindi ko na sinubukang lumapit pa.

Umalis ang sekretarya at naiwan kaming dalawa.

Inalis nito ang suot na Rayban at sumulyap sa relong pambisig. "It was a first time you invited me for a family reunion. I'm excited," sarkastikong tugon ni Sandro.

I tried to give a smile, but it turned to a smirk instead...

"Take a seat, Alessandro."

Sinadya nitong umupo sa pinakadulong upuan.

Dumaan ang nakabibinging katahimikan sa aming dalawa. Tila walang nais umimik.

I just watched him as he seats comfortably with an expressionless face.

Alessandro, I have so much to tell you... So much to apologize for... So much to admit how much you mean to me despite the greatest mistake of pushing you away...

Belle Ame: A Beautiful Soul (DS Auxiliary)Where stories live. Discover now