To Calista, be careful

1.7K 45 0
                                    


CHAPTER TWO


"DEDICATIONS?" pag-ulit ni Junpei sa sinabi ni Calista.

"Yup. Dedications." Umabot siya ng piraso ng embutido pero pinalo nito ang kamay niya. "Aaw."

"Gutom pa ko," sabi nito, pero hindi na naman ginalaw ang pagkain. "Tell me your plans."

"Well, nasabi ko na sa 'yo na nakapasa na iyong novel ko doon sa publishing company 'di ba?"

Tumango ito.

"I'm going to dedicate it to Clint," high-pitched na sabi niya, puno ng pagmamalaki.

He cocked his head to one side. He's so cute when he does that. "So?"

"Ano'ng 'so?' Kapag na-dedicate ko sa kanya ang libro ko, he would surely feel honored."

Biglang may isang matamis at nakakalokong ngiti na sumilay sa mga labi nito. Napapailing ito bago nito kinuha ang mug at nilagok ang kape doon. Nasamid ito at pinunasan ang labi. Ginawa nito lahat iyon sa suwabeng paraan.

"Excuse me?" pagtawag-pansin niya. "I have this funny feeling that you're mocking me."

"Hindi naman." Pero hindi nawawala ang nakakainis na ngiting iyon. "Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na horror ang mga kuwentong isinusulat mo."

"So?"

"Ano'ng 'so?'" panggagaya nito sa kanya. "'Di ba 'yong nobela na 'yon, tungkol sa lasenggerong tatay na pinatay ang anak niya gamit ang martilyo?"

Natahimik siya. Totoo ang sinabi nito. "Oo. Bakit?"

"You're going to dedicate a gruesome novel to your crush?" parang ang tanga tanga niya kung magsalita ito.

"He's not my crush," ganti niya ritong sabi na parang hindi ito makaintindi. "I'm in-love with him."

His smile suddenly vanished. Para ring tumagos bigla sa kanya ang pagkakatitig nito. Ang mga kamay nito ay pumipitik-pitik sa handle ng mug. Ilang sandali lang ay bumalik na rin naman ang ngiti nito, dahan-dahan, parang paglubog ng araw. "Still, you have to be careful. Nabasa ko na ang mga kuwento mo at talagang nakakadiri ang mga 'yon."

"Kaya nga horror," aniya. "So ano'ng sinasabi mo, magpalit ako ng genre?"

Umiling ito. "'Wag ka nang mag-dedicate ng nobela sa kanya."

"'Yan ang hindi ko gagawin. Ang plano ko kasi, gagawa ako ng walong libro at ide-dedicate ko iyon lahat sa kanya. Siguro by that time, alam na niya na mahal na mahal ko talaga siya."

"Iniisip mo ba talaga na makukuha mo ang loob niya dahil sa mga dedications mo?"

"Oo naman," nagmamagaling na tugon niya. "Lahat ng tao, gusto ng appreciation. Kapag nalaman niya na may isang taong tulad ko na sobrang nakaka-appreciate sa kanya, mas magkakaroon ako ng tsansa. Isa pa, vulnerable siya ngayon. Malungkot siya. Kailangan niya ng tao na magli-lift-up sa kanya."

Tumaas ang kilay nito. "At ikaw 'yon?"

She sighed. Tiningnan nita ito ng pailalim. "Alam mo, ikaw lang ang sinasabihan ko kung gaano ko kagusto si Clint. Hindi ko nga 'yon ikinukuwento sa mga magulang ko. Akala ko kasi susuportahan mo ako." Padabog siyang tumayo. "Mali pala 'ko."

Akmang tatalikod na siya ng biglang hawakan nito ang braso niya. Normally, hindi siya nawi-weirduhan kapag nagkakaroon ng contact dito. Ito lang yata ang lalaking kahit yakap-yakapin niya maghapon ay hindi siya maiilang. Pero kakaiba ang hawak nito sa kanya ngayon. Mahigpit iyon, parang ayaw siya nitong bitiwan. At ang talagang nagpatulala sa kanya ay ang mga mata nito. May emosyon siyang nakikita roon na hindi niya mabigyang pangalan.

Napalunok siya. "Let me go."

"I just don't want you to get hurt."

"I'm not your best friend, remember?" may sarkasmo sa tinig niya.

"Alam ko kung paano ka nasaktan ng Clint na 'yon. History has a way of repeating itself, Calista." Kumurap ito. "Natatakot lang ako na mangyari ulit iyong nangyari noon."

"It would be different this time," sabi niya. Kulang sa kombiksyon. Dahil hindi rin siya sigurado sa sinabi niya.

His eyes had this power over her, it can melt her bad emotions in a hurry. Nawala ang inis niya. "Sorry na napagdabugan pa kita."

Tumango lang ito. "Please be careful."

"I will."

Ngumiti na muli ito. "Umupo ka na. Kumain ka na rin. Hindi ko naman mauubos iyong mga dinala mo."

Bumalik na ang magandang mood niya. Muli siyang umupo sa tapat nito at ikinuwento ang buong plano niya. Patangu-tango ito na tila ina-absorb lahat ng sinasabi niya. Tinanong nito kung bakit walong dedications ang gusto niyang gawin para kay Clint. Pinagtawanan niya ito at sinabi niya na "infinity" ang ibig sabihin ng otso. Hindi ito nakitawa sa kanya.

Alam niyang may pagdududa ito at may takot ito sa gagawin niya, kaya tinanong niya rito kung masaya ba talaga ito para sa kanya.

Um-oo lang ito. Pero hindi niya maalis sa isip niya ang pakiramdam na nagsisinungaling ito.

Dedicated To You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon