"I'm aware of that. Wala kaming relasyon ng anak mo, kung 'yon ang gusto mong ipilit. If you want, maybe you can ask your son to stop seeing me, too. And don't worry, I can easily dump him. Wala kang magiging problema sa akin."

Tumango siya. "That's good to hear-"

"Why are you meddling with your son's personal life, Adrianna? Given that he's a man, why don't you let him do what he wants?" mataray na tanong ni Mommy na hindi ko inaasahan.

Adrianna's eyes immediately went to my mother. For a couple of seconds, they exchanged dagger looks.

"Ayoko lang na maligaw ng landas ang anak ko, Trinity. Nasa loob siya ng isang relasyon at ayokong masira iyon ng dahil lang sa ibang babae."

Sarkastikong natawa si Mommy. Whenever she does that, I couldn't help but to feel an instant shiver. Para bang sa ganoong paraan ng pagtawa niya ay nagagawa niya ng iparating kung gaano siya kabagsik.

"Zadriel is in the right age to do whatever he wants, Adrianna. And basically, you should be out of that anymore. Magulang tayo pero hindi ibig sabihin no'n ay may karapatan na tayong kontrolin ang buhay nila," puno ng aral na sabi ni Mommy. "But why do I feel like you're just being afraid and paranoid right now? Are you really worried about your son? O, baka naman nakikita mo lang ang sarili mo sa anak ko?"

Mabilis na nahulas ang tapang sa mukha ni Adrianna at agad nagsalubong ang kilay.

"What do you mean?" she asked, the tone of her voice sounded a little bit alarmed.

Nilingon ko si Mommy, bahagya rin naguguluhan sa mga huling sinabi niya. Nakataas ang sulok ng kanyang labi, ang mga mata ay kalmadong nakatitig sa kausap ngunit bakas roon ang dilim.

"You were also the reason why Zion and his ex girlfriend broke up, right? Naging dahilan ka rin ng pagkakasira ng isang relasyon at natatakot kang  maulit ang nangyari sa inyo noon," Mommy revealed that made me look at Adrianna.

Her lips were now pursed into a grim line as if she's trying to hold her anger for my mother.

"Nakikita mo ang sarili mo sa anak ko at natatakot kang siya rin ang maging dahilan para maghiwalay si Zadriel at ang nobya niya, hindi ba? You're afraid that Dianara Assistores would be like-"

"Shut up, Trinity! You don't know what you're talking about!"

"Oh, believe me I do." sagot ni Mommy sa kalmadong paraan. She even glanced at her well manicured nails before placing her cat-like eyes to Adrianna. "Alam na alam ko, Rian."

Tumayo si Adrianna, matalim ang pagkakatitig kay Mommy.

"Why do you sound so in favor of this, huh? Why do I feel like it's just fine with you that your daughter will be the reason of my son's possible break up with his girlfriend? Is that acceptable on your side?" Natawa siya. "Baka nga ayos lang sa'yo. Diyan ka naman sanay, hindi ba? Sa magulong relasyon. Sabagay, hindi na ako magtataka. You let Flavian become your dark secret while you're still married to Archer Ravena. You had an affair with him so what's new?" Adrianna let out a mocking smirk. "At least I first asked Zion to break up with Sigrid before entering a relationship with him. Ikaw? Pinagsabay mo. News flash, Trinity. You are much worse than me."

Mabilis na napatayo si Mommy at walang babalang sinampal si Adrianna. Maging ako ay napatayo na rin at agad hinawakan si Mommy sa braso niya. Darkness and total rage was visible in her eyes.

"Mommy!" nanglalaki ang mga matang sigaw ko.

Adrianna's face was still leaning at the side. Sopistikada niyang hinawi ang buhok na humarang sa pisngi niya at taas noong tinitigan si Mommy.

Monasterio Series #3: One More Night Where stories live. Discover now